Chapter 25

212 14 0
                                    

***【∆∆∆】***

Dalawang oras matapos makausap ni Rain ang mga kaibigan, hindi parin siya mapakali sobra-sobrang nag-aalala siya para sa asawa, unang bumungad sa pinto si Renz, sumunod si Davon, humahangos naman na dumating si Mike habang kalmado naman si Sky ngunit bakas sa mukha nito na hindi rin mapalagay,


" What happened? " Tanong ni Sky kay Rain, hindi lingid sa kaalaman ni Rain na may pagtangi ang kaibigan sa asawa niya, alam niya at alam din niyang hindi siya magagawang saktan ng kaibigan lalo pa't siya ang mahal ng asawa at tanging pagkakaibigan lamang ang kayang ibigay ng kabiyak sa kaibigan, kinwento niya ang bawat detalye sa mga kaibigan, mula ng mag lunch silang mag-asawa, sa pagbabalik, ang tungkol sa package na naglalaman ng patay na pusa, sa pagkaka kidnap ng asawa, ang itsura ng lalaking nagdala ng package hanggang sa mga tindig at palatandaan na nahagip ng CCTV mula sa mga kalalakihang dumukot sa asawa niya, may kinuha si Rain sa drawer at nilabas mula doon ang sketch ng lalakeng nagdala ng package mula sa pagkaka detalye ni Mang Teddy,


" This is the messenger who delivered the package, base on Mang Teddy's statement who happen to see the face of this man, He doesn't look familiar, I only saw him today! How the f*ck did he knew the exact location of every post of cameras around the perimeter? He angled d*mmm nice " Parang wala sa sariling paliwanag ni Rain


" How about Anna? " Tanong ni Sky


" That's what were going to do. " Determinadong sagot ni Rain kay Sky habang nakatitig dito

" So what are we waiting for? " Sabay-sabay na sabat nila Mike, Renz at Davon, hindi na nagabala pang ayusin ang sarili agad silang umibis palabas ng pinto ng ipisina ni Esmeralda, kotse na lamang ni Rain ang ginamit nila upang puntahan ang kinaroroonan ni Anna, sa isang hindi gaanong eklusibong Village sila nagtungo kung saan naroon si Anna, mabilis na nagsibabaan sila sa kotse at agad na nagdoorbell sa hindi kalakihang bahay, lumabas mula doon ang babaeng sadya nila, kunot-noo itong bumungad sa pinto




" Sam! " May galak na bati ni Anna kay Rain, sa pagaakalang dinalaw siya nito, bakas ang saya sa mukha ng dalaga, agad niyang pinagbuksan ng pinto ang lima, nang mabuksan ang pinto ay agad siyang sinunggaban ni Rain, gulat na napamulagat si Anna ng sakalin siya ni Rain.



" S----sam? " May pagtatakang tanong ni Anna kay Rain


" Nasaan ang asawa ko? Nasaan!? " Galit na tanong ni Rain kay Anna, kumunot ang noo ni Anna


" H--hindi ko alam! " Sagot ni Anna, nanginginig ito sa takot


" D*mm liar where's my wife! " Nanggagalaiting tanong muli ni Rain na halos baliin na ang leeg ni Anna, hinawakan na siya ni Sky sa balikat para awatin, dahil kita na ang paghihirap sa mukha ni Anna, pinakawalan ni Rain si Anna, habol naman ni Anna ang hininga bago umayos ng tindig



" Hindi ko alam kung nasaan si Esmeralda maniwala ka sakin Sam " Halos magmakaawa naman si Anna kay Rain.


" Ikaw lang ang may kayang gawin ito saamin! Sarili mo ngang lolo nagawa mong saktan kami pa kaya? Ang asawa kopa kaya? I swear to god kapag may nangyaring hindi maganda sa asawa ko sinusumpa ko, pagbabayaran mo! " Halos magwala na si Rain, niluwagan ni Anna ang pagkakabukas ng pinto



Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon