Chapter 17

223 11 0
                                    


Narrator's POV...

" love Bilisan mo " Sigaw ni Esmeralda mula sa labas ng cr ng kwarto ni Rain, naliligo kasi ang huli dahil balak nilang bisitahin sa ospital ang matanda, Hindi naman pwedeng balewalain ni esmeralda ang matanda lalo totoo ang nag-alaga sa asawa noong panahong ng aksidente ito kaya kahit papaano obligasyon niya pa rin ang matanda, hindi niya lang alam kung paano kung sakaling magkita-kita sila nila Anna, alam naman niyang hindi magpapatalo yun, lumabas si Rain sa CR ng Nakabihis na ito simpleng pantalon at polo shirt na puti lang ang suot nito kumabog ng malakas ang dibdib ni esmeralda alam niyang sa pagkakataong ito unti-unti ng Bumabalik Ang asawa niya masaya siya Oo ngunit hindi pa rin nya maiwasang mag-alala lalo at hindi pa buo ang alaala ni Rain sa kanya, idagdag pa si Anna hindi man dapat pero nakakaramdam pa rin siya ng takot marinig at banggitin lang ang pangalan ng babae, nagka-phobia na ata sya,

" Let's go? " Tanong ni Rain ng makitang naka-ayos naman na si Esmeralda, napaka ganda talaga nito, simpleng white  blouse na may black raffles at black knee length na pencil cut skirt at 4 inches black stiletto, simple lang halos nga wala itong make up pero litaw parin ang ganda ng babae, sabay silang lumabas sa dating kwarto ni Rain kung saan sila nagpalipas ng gabi, si Rain na ang nagmaneho, nagtataka man dahil wala ang masda niyang itim ngunit pinagkibit-balikat nalang niya iyon,

" Kanina pa kita napapansing panay ang lingon mo sa garage may hinahanap kaba? " Tanong ni Esmeralda

" Amm I just maybe austin was there " Sagot niya sa asawa, napatango-tango si Esmeralda, ang austin na tinutukoy nito ay ang kotse nitong Lamborghini Aventador SVJ na napalanunan nito sa isag car race noong 3rd year Highschool siya at nahumaling siya sa pagkakarera.

" Matagal na siya wala sayo, pina Auction mo kasi siya matapos nating ikasal, ang mga kotseng naiwan mo ay nasa bahay natin, iyong grey na  ferrari portofino mo iyong whitr ashton martini valhalla at red Lamborghini huracán Evo nasa Underground garage ng bahay, ikaw mismo ang nag decide na ilagay sila doon ang madalas mong gamitin ay iyon BMW M1 na black tapos iyong blue na mazda naman ang kotse na binili ko mula sa naipon ko ng first 4 months na pagtatrabaho ko sa MSGC, ayaw mo nga noon pumayag na ako ang bumili ng sasakyan ko, gusto mo ikaw ang bumili pero tumanggi ako " Pagpapaliwanag ni Esmeralda, napatango-tango naman si Rain.

Nakarating sila sa hospital kung saan naka-confine ang matanda, nakapunta na si esmeralda sa ospital noon ng personal niyang dalawin ang matanda kaya kabisado na niya ang daan papunta sa kwarto nito nung makarating agad silang pumasok sa loob, isang matandang nakahiga sa isang hospital bed ang nadatnan nila, hanggang ngayon ay wala paring malay ang matanda, na lubos na ipinagtaka ni Esmeralda, halos tatlong buwan na kasi ito mula ng ma-confine sa ospital, na dapat ay ilang araw lang ay gising na dapat, imposible naman kasi hindi naman sa ulo ang may deperensya, hindi din inooperahan ang matanda dahil inaantay pa ang paggising nito, pinag kibit balikat nalang niya iyon, nilapag ni Rain ang bulaklak na binili nila kanina sa katabing lamesa ng higaan, pinagmasdan niya ang asawa. Pinagkatitigan ni Rain ang itsura ng matanda umaasa na maalala niya ito ngunit kumunot lang ang noo niya ng mapadako sa bandang ulo nito ang paningin niya, sa may bandang batok kasi ay may parang peklat doon, hinawakan niya iyon at kinapa, umupo siya sa upuan na katabi ng higaan.

" I really don't remember anything about you, but I have this feeling that I've been knowing you for so long, my wife said that you are the person that took care of me after the incident, I am really glad and I hope you get well soon, I want to personally thank you for what you did even you didnt know me back then, I will do everything for you to be treated " Mahinang sabi ni Rain sa tulog na matanda, may parang humaplos naman sa puso ni Esmeralda ng makita ang asawa, likas talaga dito ang kabaitan, hindi na siya magtataka kung bakit mahal na mahal niya ito, lumapit siya dito at niyakao ang asawa mula sa likod nito, tumingala sa kanya si Rain, akma na siya nitong hahalikan ng bumukas ang pinto.

" Sam! Mahal I missed you! San kaba galing? " Tanong ni Anna at hinawi pa nito si Esmeralda, napatayo si Rain at nakakunot noong nakatingin sa bagong dating

" W--wait miss hindi kita kilala! " Naguguluhang sabi ni Rain, napaiyak si Anna

" H--hindi mo ako kilala? Ako ang asawa mo mahal ko, saan kaba galing bakit bigla bigla mo nalang ako ginaganito! Niloloko mo ba ako? " Lalong naguluhan ang itsura ni Rain, tumingin si Anna kay Esmeralda

" Anung ginawa mo sa asawa ko! Hayop ka talaga Esmeralda! Hindi ka talaga titigil! Ako na ang mahal niya bakit hindi mo iyon matanggap! Anung ginawa mo sa asawa ko! Matapos mo siyang pagtaksilan! Anu ubos naba ang pera niya kaya naghahabol ka nanaman! Dalawang taon mo siyang inabandona! Ni hindi mo siya hinanap! Tapos ngayon kukunin mo siya bigla saakin! Wala kang konsensya! Nagmamahalan kaming dalawa! Tanggapin mo na iyon! Ako na ang mahal niya! " Sigaw nito, nagwawala ito habang pilit na inaabot ang buhok ni Esmeralda, halos buhatin na ito ni Rain,

" T--teka! Anung pinagsasasabi mo Anna! Nahihibang kanaba? Alam kong alam mo na asawa ko si Rain! " Sigaw pabalik ni Esmeralda

" Hindi na siya si Rain! Sam na ang pangalan niya! Naaksidente soya dahil sayo! Dahil nahuli ka niyang kasama ang kalaguyo mo! Ang kyle Montemayor na iyon! Ikaw ang dahilan ng muntikan niyang pagkamatay! Maayos kami! Nahulog ang loob namin sa isa't-isa! Dahil ako ang nandoon nung mga panahong iniwan mo siya at sumama ka sa Montemayor na iyon! Ng malaman mong nagkaroon ng amnesia si Sam! Agad kang gumawa ng paraan para mapansin ka niya! Sinadya mong dalhin siya sa kwarto niyo noon! Para ako ang makalimutan niya alam mong mangyayare ito dahil alam kong matalino ka! Ng malaman mong iiwan kana ulit ni kyle bumabalik ka! Tigilan mo na kami! Umalis kana dito! Lumayas ka dito! " Muli itong nagsisisigaw, pilit siya nitong ipagtulakan! Nanghihina ang tuhod ni Esmeralda hindi niya maproseso ng maayos sa isip niya ang mga sinabi ni Anna, paano nito nalaman ang nga bagay na iyon? Kung ganoon hindi ito basta basta! Kilala nito kung sino si Rain at mas lalong kilala siya nito! Pati ang kasalanang matagal na niyang itinago sa pinakasulok ng isip niya ay alam nito, hindi maari ito! Hindi niya alam kung sino ang totoo niyang kalaban! Sigurado siyang hindi iyon kayang gawin ng simpleng probinsyana lang! Gustuhin man niyang balikan si Rain sa loob at hilahin pauwe, minabuti nalang niyang umalis doon marami pa siyang dapat gawin.

May ngiti sa labi ni Anna ng makita ang naguguluhang mukha ng Sam niya! Lumapit siya dito at niyakap niya ito,

" Mahal ko tignan mo ako! Pakinggan mo ako! Kung anu mang mga kasinungalingan ang sinabi ng babaeng iyon huwag kang maniwala! Minsan ka na niyang naloko pero sisiguraduhin kong hindi na niya ulit magagawa iyon sa iyo! Ako ang asawa mo! Nagmamahalan tayo! Masaya tayo pero bigla siyang bumalik ng malaman niyang iiwan siya ni Kyle at nagkaroon ka ng amnesia ng maaksidente ka! Mahal ko, inaamin kong pilit kong hindi na siya banggitin dahil ng maaksidente ka ay nakalimutan mo siya, ako ang kasama mo sa lahat, nahulog tayo pareho sa isa't-isa, pero pinilit ka niyang isama ng minsang umalis ako para puntahan si lolo, hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa makita kita noon araw sa dating bahay niyo, nakakaalala kana pala pero ako naman ang kinalimutan mo! Bakit? " Sunod-sunod ang luhang pumapatak, naguguluhan na si Rain, kanina lang ay pinangako niya sa sarili na mamahalin ang babaeng una niyang minahal tapos eto ngayon? Nagmahal na din pala siya ng iba noon, paano? Hindi na niya alam naguguluhan siya.


∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

July,14,2020 - 6:21 PM

-LND

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon