Minabuti nalang ni esmeralda na huwag nalang pumasok sa opisina, gusto niyang malaman kung sino ang katawang natagpuan nila kasama ng piloto at ng crew kung nandito at buhay ang asawa niya kailangan niyang magimbestiga, gusto na niyang makasama ang asawa kaya kailangang planuhin niya ang lahat, ayaw niyang magkamali at ayaw niyang makagawa ng bagay na alam niyang hindi Sasang-ayon ang kabiyak, kilala niya ang asawa niya mabait ito at ayaw ng nang a-agrabyado, mabilis niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang isang probadong imbestigador
" Hello, Mr. Hidalgo? Yes si Gold Montenegro ito, gusto kong ipa DNA test ang suot na damit ng asawa ko ng makita namin siya sa batanggas, dadalhin ko nalang sa opisina mo ang mga gamit na huling ginamit niya, please wala sanang makakaalam nito " Mahabang niyang pagbibigay ng instruksyon sa imbestigador
" Ofcourse Mrs. Montenegro, Hihintayin ko nalang ang mga subject " Sagot nito ibinaba niya ang tawag at agad kinuha ang mga damit na nasa sealed bag nilagay niya iyon sa isang empty box saka nilabas sa pinto, tinawagan niya si matet sa intercom,
" Hello matet? Paki tawag naman si sam pakisabi, pakibuhat iyong kahon sa labas ng kwarto at dalhin sa sasakyan, pakisabi na din na samahan niya ako dahil kailangan kong dalhin iyon sa isang kliyente " Agad niyang sabi sa kasambahay
" Sige po ma'am tatawagin ko lang " Sagot nito, binaba niya ang maliit na aparato saka umupo saglit sa kama, ng makarinig siya ng kaluskos sa labas ng pinto ay binuksan na niya iyon, naroon nga si rain na sam na ngayon ang pangalan bitbit na nito ang kahon at naglalakad na patungong hagdan, agad niyang tinawag ang pangalan nito
" H---heyy s--sam dito nalang sa elevator sabay kana sakin " Lumingon ito sa kanya
" Hindi na ma'am dito nalang ako sa hagdan bababa " Sagot nito sa kanya, umiling siya dito
" No! I---i mean dito nalang sige na para madali nagmamadali kasi ako " Pagdadahilan niya, tumango ito at sumunod na sa kanya sa elevator, tahimik silang pareho ng makasakay sa loob, pinilit ni esmeralda na huwag itong kausapin,
___________
Pagdating sa baba agad nitong dinala ang kahon sa trunk ng sasakyan niya, nagprisinta na itong, ito na ang magmaneho para sa kanya, ayon dito ay marunong naman daw ito, tumango siya at inabot ang susi ng sasakyan niya, nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng lakas loob na nagsalita si esmeralda, hindi na kasi niya kayang pigilan pa itong kausapin
" Aahhh m--matagal naba kayong mag-asawa ni anna? " Tanong niya dito, tumingin ito ng saglit sa kanya
" Hindi po ma'am, hindi po kami mag-asawa " Sagot nito, tumango tango siya, kung gayon bakit sasabihin ng babae na asawa niya ito kung hindi naman tanong ni esmeralda sa isip
" Aahhh iyon kasi ang sabi niya, taga saan ba kayo? " Tanong niya dito
" Taga Quezon po kami maam sa Sariaya " Sagot nito, naalala ni esmeralda ang matandang dahilan ng mga ito para lumuwas ng manila, malaki ang pasasalamat niya sa matanda kundi dahil dito ay malamang ang isiping patay na ang asawa ang siya paring pinaniniwalaan niya
" Kamusta pala iyong lolo niyo? " Tanong niya muli sa nagmamaneho
" Hinihintay nalang po na magising siya saka po itutuloy ang operasyon ma'am " Sagot nito, tumango si esmeralda,
" Kung okey lang sa inyo pwede ko kayong tulungan? " Pagprepresinta niya, umiling ito
" Huwag napo ma'am nakakahiya sa inyo " Sagot nito, hindi namalayan ni esmeralda na nakarating na pala sila sa opisina ng imbestigador, bumaba sila at si sam na ang siyang nagbuhat ng kahon ng maibigay niya sa imbestigador ang kahon ay umalis din sila, sinabi niya kay sam na may gusto pa siyang puntahan dinala niya ito sa isang rest house sa Bataan, gusto niya lang itong makasama kahit sandali lang, ngayon lang miss na miss na niya kasi ito kaya hindi na niya napigilan ang sariling iwasan ito,
________________
Nakaupo si esmeralda sa buhanginan, niyaya niya si sam na umupo din doon habang umiinom ng beer,
" Pwede ka bang magpanggap ngayon bilang asawa ko? Miss na miss ko na kasi siya please " Biglay madamdamin niyang sabi sa katabi, nagdadalawang isip itong sumagot
" Sige po " Sagot nito
" Pwede ba kitang yakapin? Gusto ko kasing maramdaman ang asawa ko " Nagbabadya na ang luha sa mga mata ni esmeralda, nag-a-alangang tumango si sam sa kanya, wala ng sinayang na pagkakataon si esmeralda, agad niyang niyakap ng mahigpit ang katabi, hindi naman malaman ni sam ang gagawin, may kung anung damdamin ang lumulukob sa kanya ng yakapin siya ng amo, gustong gusto niya ang yakap nito para bang kay tagal na niya itong hinahanap at iniintay, wala sa loob na niyakap niya din ang amo pabalik
" I miss you so much love! I miss you so much! I'm sorry, sorry dahil hindi ko agad iyon nalaman ng maaga! Kinailangan kopang makagawa ng hindi maganda bago ko marealize kung gaano kita kamahal! I'm sorry love please come back to me " Humahagulgol na sabi ni esmeralda, kakaiba naman ang tibok ng puso ni sam wari niya'y sobra siyang nangulila sa yakap nito, mabilis at walang palya ang pagtibok ng puso niya, biglay para siyang nakarinig ng boses sa isip niya, napasapo siya sa ulo niya, namimilipit siya sa sakit, napahiyaw na si sam sa sobrang sakit, napahinto si esmeralda ng marinig ang palahaw ni sam! Agad niya itong hinawakan sa kamay
" Heyy! Okey ka lang ba? Anung nagyayare sayo? " Natataranta niyang tanong dito, patuloy lang sa pagsigaw si sam, sobrang sakit ng ulo niya na halos binibiyak, panay ang rinig niya ng boses sa isip niya! Pamilyar na boses na nagsasabi ng ibang lenggwahe! At isang babae! Hindi niya makilala ang mukha nito dahil sobrang labo! Hindi malaman ni esmeralda ang gagawin habang nakatingin sa asawa niya! Agad siyang nagtipa ng numero sa telepono niya! Tumawag na siya ng doktor, hindi niya kayang makitang naghihirap ang asawa! Agad niya itong inalalayang makapasok sa loob ng rest house,
_________________Mahimbing na ang tulog ni sam matapos itong matignan ng doktor na tumingin dito, lumabas sila ng kwarto at nagpunta sa sala oara doon mag-usap,
" Does the patient involved in any traumatic event? a car accident, violent collision in sports or an assault? " Tanong sa kanya ng doktor
" Yeah helicopter crash dok 2 years ago, she doesn't recognized me nor her friends even her family " Sagot niya sa doktor, tumango ito
" I think the patient had an post-traumatic amnesia but as you said it was 2 years ago the head trauma was up to Retrograde amnesia, and she had her brain exhausted, some scenes maybe triggered her unconscious mind, anyway my findings is not really sure she needs to undergo further examination to determind her condition " Mahabang paliwanag ng doktor
" Is it possible na bumalik ang mga memories niya dok? " Tanong ni esmeralda
" It's her choice Mrs. Montenegro, retrograde amnesia are more likely to remember general knowledge rather than specifics. Recent memories are less likely to be recovered, it usually temporary and can be treated by exposing them to memories from the loss, but if her mind refuse to remember about her past she will never be cured, in her case 2 long years are too much, I suggest she needs a professional help Mrs. Montenegro, try to convince her to under go some therapy and medications "
" She's living a different life now, I bet it would be hard, how can I ever help my husband if she doesn't even know me " Sapo na ni esmeralda ang mukha dahil sa impit na hagulgol, tinapik lang ng doktor ang balikat niya bago tumayo
" So I'll go ahead Mrs. Montenegro, I hope she will be okey soon " Sabi nito, hinatid niya ang doktor sa pinto saka siya bumalik sa kwarto kung nasan ang asawa niya, tulog pa rin ito ng puntahan niya, hinawakan niya ang kamay nito
" Please love comeback to me! I swear I'll do everything just please comeback to me " Hinalikan niya ang kamay nito sunod ang labi, tumulo ang luha ni esmeralda sa pisngi ng asawa, niyakap niya ito at doon umiyak sa tabi nito, dinadalangin nalang niya na sana ay huwag itong magising at baka maabutan siya nito sa puwesto niya
" Mahal na mahal kita rain, love balik kana! Miss na miss na kita love, miss na miss na kita asawa ko " Patuloy ang pagiyak niya sa tabi nito hanggang sa makatulog siya, hindi na niya nakita ang pagdilat ng mga mata ng taong binabantayan niya
BINABASA MO ANG
Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG )
RomanceBagong kabanata sa buhay ni Esmeralda. Dalawang taon matapos siyang iwan ng Asawa niya, madami ng nagbago sa paligid niya ngunit ang nararamdaman niya sa Asawa'y kailanma'y hindi mawawala. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay babalik...