Chapter 23

252 11 0
                                    

Maayos ang naging takbo ng pamumuhay nila Esmeralda at Rain sa nga nakalipas na mga linggo, tuluyan na ngang bumalik ang lahat ng alaala ni Rain, ito n din ang personal na nagpapatakbo ng Engineering Firm nito, wala namang masyadong naging problema sa negosyo ng asawa ni Esmeralda dahil maayos ang pagpapatakbo ni Jaime sa Firm, alam kasi ni Rain na ito ang katuwang noon ng asawa sa pagpapatakbo ng firm niya, hindi kasi magagawa ni Esmeralda iyon kung walang tulong, hindi namn sa minamaliit niya ang asawa ngunit alam naman niya kung gaano kahirap ang mamahalang isang malaking kumpanya kaya't ka-kailanganin talaga nito ng katuwang, katatapos lamang ng isinagawang pag auction ng isang bagong project nila, successful naman ang naging resulta kaya't balak niyang bisitahin ang asawa ngayon at yayain itong kumain sa labas, naging busy din kasi siya nitong mg nakaraang araw dahil sa pag oorganisa at pagplano sa project na prinisent niya kanina.

Alas Onse Impunto ng makarating siya sa MGC, agad na sumaludo ang guwardiya sa kanya at nakangiting binati siya, tinanguan lamang niya iyon saka dumiretso ng lakad papunta sa private elevator, agad siyang sumakay roon at pinindot ang floor kung saan matatagpuan ang opisina ng asawa, bumungad kay Rain ang isang cubicle na pagmamay-ari ng sekretarya ng asawa, kinatok niya ang office desk nito dahil abala ang sekretarya sa pag eencode kaya hindi siya napansin, napatingin agad ito sa kanya ng marinig nito ang pagkatok niya sa table.

" Good Afternoon, nandiyan ba ang boss mo? " Tanong niya, ngumiti naman ang sekretarya sa kanya at bumati

" Goodafternoon Sir, Yes po, Mrs. Montenegro just came back from board meeting, you can proceed inside Sir " Magalang na sambid ng sekretarya, tumango si Rain at ngumiti bago tumalikod at naglakad papunta sa pinto ng opisina ni Esmeralda. Kumatok muna si Rain ng tatlong beses bago pinihit ang door knob at pumasok, malawak agad na ngiti ang binungad ni Esmeralda ng makitang ang asawa niya ang pumasok sa opisina, agad siyang tumayo upang salubungin ito ng halik at yakap

" Hey love " Bati ni Esmeralda, matapos nilang magyakap ay ginaya siya muli ni Rain na makaupo sa swivel chair niya, ito naman ay umupo sa visitors chair,

" I'll take you for lunch love " Saad ni Rain, nakangiting tumango naman si Esmeralda saka niligpit ang lamesa niya, matapos maayos ay binitbit na niya ang bag niya na agad namang inabot ni Rain upang ito ang magbuhat nun, napangiti si Esmeralda sa munting gesture ng asawa, kumapit siya sa braso nito at ito naman ay inaalalayan ang bawat pag hakbang niya, nang mapadaan sila sa cubicle ng sekretarya niya ay nagpaalam sila rito na ikinangiti lang naman ng sekretarya niya.

Sa isang restaurant na  35 mins ang layo sa MGC nila napiling kumain, pamilyar sa kanila ni Esmeralda ang lugar, napatingin si Esmeralda sa asawang nakaalalay sa bawat paghakbang niya

" Do you remember this place love? " Nakangiting nilingon siya ni Rain saka tinanong, marahang tumango si Esmeralda, eto ang lugar kung saan sila unang kumain bilang mag-asawa noon, noong panahong nagawang niyang lokohin ang asawa, humigpit ang kapit ni Esmeralda sa kamay ni Rain

" I Love You So  Much Love. " Mahinang sabi ni Esmeralda

" I love you too much Mon Amour, I Love You so, I'll conquer all even death for you, no one could ever separate us, My heart belongs to you no one else. " Mahinang sagot naman ni Rain.

****

Matapos nilang kumain ay bumalik sila sa MGC, hinatid lamang ni Rain ang asawa hanggang sa opisina nito saka siya bumalik sa Firm, ilang minuto palang ngunit miss na miss na niya si Esmeralda, inangat ni Rain ang paningin sa frame na nakalapag sa table niya napangiti siya ng makita ang litrato ng asawa, kinuha niya iyon at hinaplos ang nakangiting mukha ni Esmeralda

Samantalang sa loob naman ng opisina ni Esmeralda, nakakunot noo siya ng makita ang isang medyo may kalakihang kahon na nakabatong sa center table sa opisina niya, nakabalot iyon ng kulay pulang pambalot na may naka imprintang mga puso, nilapitan niya iyon, walang kahit anung kard ang kasama ng naturang kahon ngunit may nakasulat sa itaas na parte ng kahon

" For the luckiest woman 😘 " Iyon lamang ang nakasulat sa kahon, napangiti si Esmeralda dahil tiyak na sa asawa niya iyon galing, nilapag niya ang bag na dala sa office table niya at kinuha sa drawer ang gunting saka nilapitan muli ang kahon, nakangiti niya binuksan ang kahon na may pagmamadali, nasurpresa talaga siya, hindi niya akalaing may gagawin nanaman kakornihan ang asawa niya bagamat magkasama lang sila kanina, ngunit ang ngiti niya ay unti-unting nawala ng wala pa man ay bumungad na sa kanya ang nakakasulasok na amoy na galing sa loob ng kahon ngunit hindi niya magawang tumigil sa pag bubukas ng naturang kahon, inuugdyukan siya ng isang bahagi ng isip niya na buksan ang kahon bagamat tumututol naman ang isa pang bahagi, ganoon nalang ang pagkagimbal ni Esmeralda ng makita ng tuluyan ang laman ng kahon na akala niya ay sa asawa niya galing, halos masuka siya ng manuot ang mabahong amoy sa ilong niya na nagmumula sa nabubulok na patay na pusa, may nakadikit na natuping papel sa mismong takip ng kahon, binuklat iyon ni Esmeralda.


( " Enjoy your remaining time with your lover, let start the game, find me before I'll kill you both - J " )

Nanlaki ang mga mata ni Esmeralda ng mabasa ang nakasulat sa papel agad siyang tumakbo palabas at tinawag ang sekretarya niya


" Ms. Torillo, sinong nagdala ng package? Please paki tawagan ang security department asap, someone gave me treat " Bakas parin sa boses ni Esmeralda ang takot at kaba, agad naman tumalima ang Sekretarya nito.



Hindi na muna bumalik sa loob si Esmeralda, naupo muna siya sa waiting area, hindi parin makapaniwala sa nangyari kanina, hindi na niya tinawagan ang asawa dahil malamang na magaalala ito kaya't sinarili nalang muna niya, wala pang sampung minuto ay dumating ang dalawang empleyado niya na taga security department.


" Get the box out of my office and please sanitize my area, thank you " Malumanay na utos niy habang tulala padin, sino naman ang magpapadala ng ganoong klaseng bagay sa kanya? J? Sinong "J" iyon?, napabuntong hininga siya ng walang pumapasok na idea sa isip niya kung sino ba ang maaaring gumawa ng ganoon. Nang matapos ang mga Taga maintenance sa pag lilinis ng opisina niya ay lumapit sa kanya ang head ng security department


" Ma'am ayon po kay Mang Teddy. Hindi niya daw ho namukhaan ang nagdala ng Box, pero naka log po sa visitors logbook ang pangalan ng taong iyon at kung anong oras dinala, pero malaki po ang hinala ng aking team na falsified details ang nakasulat sa logbook, hindi man po nahahip ng CCTV sa entrance ang mukha ng delivery man, tanda naman daw po ni Mang Teddy, parang kabisado po kasi ng taong iyon ang buong building dahil talagang hindi siya maangguluhan ng mga CCTV " Pagre-report sa kanya nito, wala sa loob na napatango siya at napasapo sa noo, sumasakit ang ulo niya sa pagisip kung sino ba ang nagpadala ng banta na iyon, hindi iyon basta basta prank lang, alam ni Esmeralda at ramdam niyang seryoso ang tao sa likod niyon, ng makababa sa Ground floor ang mga maintenance team ay bumalik siya sa loob ng opisina niya, sa center table agad siya unang napatingin, wala na doon ang box maski wala din naiwang bakas, napabuntong hininga siyang naglakad papunta sa swivel chair niya, pinilit niya ibaling sa mga nakatambak na papeles sa harap niya ang kanyang atensyon ngunit okupado parin talaga siya ng insidente kanina, sa inis ay binuksan nalang niya ng PC niya saka nag checkng email, halos lahat ng buksan niya ay tungkol sa iba't-ibang klase ng proposal ngunit ng nasa pang pitong email na siya ng matigilan siya,



- J9 J9 J9 -
How's my gift? Did you like it?
Did I scare you?
Next time
You'll gonna get your wife's head
SOON
Btw I'm working on it now
😂😂😂


May kasama itong attached document kaya pinindot agad ni Esmeralda iyon ngunit muntik pang malaglag sa pagkakaupo sa swivel chair niya si Esmeralda ng tambad sa kanya ang attachment na kasama sa email, litrato iyon ng bintana Rain sa opisina, hindi masyadong mataas ang istraktura ng firm ni Rain, 10th floor lamang ito at nasa 7th floor naman ang opisina ng asawa, sobrang binundol ng kaba ang dibdib ni Esmeralda, kaya't agad niyang tinawagan ang asawa, lalo pa siyang kinabahan ng walang sumasagot ng phone ni Rain, napatayo na siya sa swivel chair niya at nagpalakad lakad, sobra siyang nagaalala para sa asawa niya



" Love please answer " Kinakabahang bulong ni Esmeralda habang wala pading patid ang pagdial niya sa numero.


∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Nov,25,2020 - 8:48 PM


-LND



Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon