Chapter 10

241 14 0
                                    

Narrator's POV....

Parang naitulos si esmeralda sa kinatatayuan, nagmistulang bomba ang rebelasyong nalaman niya mula sa ina ng babaeng natagpuan nila, hindi niya ngayon malaman sa sarili niya kung matutuwa ba o malulungkot, halos manghina siya sa narinig, ng mapansin ni sky na halos mawalan na ng malay ang kaibigan ay agad niya itong dinaluhan

" Are you okey? " Tanong ni sky kay ems, ni hindi magawang sumagot ni esmeralda o ni kahit tumango o umiling man lang, namumuo na luha sa mga mata niya, ang isiping handa na siyang kalimutan ng asawa noon ay talagang nagmistulang kutsilyo iyon na humihiwa sa puso niya, hindi niya kayang tanggapin na kakalimutan na siya ng asawa o mas may sasakit paba ngayon na ni hindi siya nito kilala,

___________________

Nakasakay na muli sila ng eroplano pabalik ng Manila ngunit pakiramdam ni esmeralda ay may nawala sa kanya, ang pag-asa niyang makuha ulit ang asawa nawala na, napalingon si esmeralda ng mahina siyang tapikin ni sky sa balikat

" Are you okey? " Tanong nito sa kanya, umiling si esmeralda

" Paano ako magiging okey kung nalaman kong bukod sakin ay may tao pang sasamahan si rain, hindi ko alam kung anu ang eksaktong mararamdaman ko, kung magagalit ba ako sa kanya, sa kanila o matutuwa dahil wala ang babaeng sanay ay sasamahan niya para makalimutan ako o malulungkot dahil sinubukan niya akong kalimutan sa pamamagitan ng ibang tao o maaawa sa sarili ko kasi pagod na ako pagod na pagod na ako pero hindi ako pwedeng sumuko kasi umaasa ako na kahit konti maalala na niya ako at siya mismo ang magpaliwanag sakin ng lahat ng ito, gusto kong magsaya dahil wala na si bianca pero hindi ko magawa kasi ang bigat bigat ng dibdib ko " Mas pinili nalang ni esmeralda na sabihin kay sky kung anu ng nararamdaman niya umaasa siya na baka sakaling mabawasan ang bigat na nararamdaman niya,

" Everything's gonna be fine, you're tougher than I thought, I'm with you ems " Pampapalubag loob ni sky kay ems

___________________

Hindi mapigilan ni sam ang mapatingin sa kakarating lang na bisita, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, mabigat ang loob niya sa bagong dating hindi naman niya ito kilala,  isa pa nakakadagdag ng bigat ng nararamdaman niya ay ilang araw na siyang uniiwasan ng amo mula ng makauwe sila galing sa isang resort sa batangas, mula noong araw na iyon ay hindi na ulit ito nagpakita sa kanya, halos hindi na niya maintindihan ang sarili sa inaasta, kung anu anu ang pumapasok sa isip niya na hindi niya nagugustuhan, idagdag pa si anna na hindi niya maintindihan kung bakit nagiging iba ang pakikitungo sa kanya, halos ipagsigawan na nito na mag-asawa sila bagay na wala namang katotohanan, ang lolo gaspar naman nila ay hanggang ngayon ay wala paring malay, ang doktor na nakausap niya ay nagtataka kung bakit may malaking pilat sa ulo ang matanda halos hindi na siya makatulog sa gabi, importante na sa kanya ang matanda, ang maglolo ang nagsilbi niyang pamilya noong mga panahong walang wala siya na halos wala na siyang pag-asa, kaya todo ang pag-alala niya sa matanda,

Nahuli niyang pinagmamasdan siya ng bisitang ni hindi niya alam kung anu ang pangalan ngunit parang kumukulo talaga ang dugo niya sa taong iyon, napabuntong hininga si sam at tinuloy nalang ang pagdidilig at pagaayos ng mga halaman sa hardin.

___________________

Nakalapag na ang eroplano at pabalik na si esmeralda sa bahay, gusto muna niyang magpahinga sa palagay naman niya ay wala ring siyang magagawa sa opisina bukod sa ukupado ang isip ng sa mga nalaman kanina ay sobra din siyang exhausted hindi lang sa byahe maging ang isip niya ay stress na stress din, pagpasok niya sa mansyon ay natigil siya sa entrance ng bahay, nakita niya kasi si kyle na nakaupo sa sofa at matyagang nag-aantay, wala na ding laman ang baso at platito sa harap nito na tanda na kanina pa ito nag-aantay doon, tumayo ito at ngumiti ng makita siya, tipid siyang ngumiti kay kyle at nilapitan ito,

" Hi, how are you? " Tanong agad ni kyle ng makalapit siya dito, hinalikan niya ito sa pisngi at naupo, lumingon si esmeralda sa paligid saka bumuntong hininga,

" I wanted to lie but knowing you, won't buy it, I'm not kyle I'm not and I'm dying inside " Tinignan niya ang daliri niya na sinusuutan ng wedding ring nila ng asawa masuyo niya iyong hinaplos

" Cheer up ems, I'm not used to see you like this, I saw her outside, she's here but didn't even recognized me " sabi ni kyle lalo lamang namuo ang luha sa mata ni esmeralda kanina niya pa iyon pinipigilang tumulo

" Grabe din maglaro ang tadhana, o baka karma ko ito, karma ko dahil masyado ko siyang sinaktan noon " Malungkot na sabi ni esmeralda, agad hinimas ni kyle ang likod niya ng makitang nitong tumulo na nga ang luha niya

" It's not your fault, it just that you're confused back then, it's not your fault ems its mine, I take advantage of your weakness, if there's anyone to blame it should me " Mahinang sabi nuto na patuloy paring hinahagod ang likod ni esmeralda na ngayon ay humahagulgol na

" Ang sakit sakit, sobra akong nasasaktan pero wala akong magawa dahil ako naman ang may kasalanan! Wala akong magaw para bawiin ang asawa ko! Wala akong pwedeng gawin kung hindi ang maghintay na makilala niya ako " Hindi na napigilan ni kyle at niyakap na niya si esmeralda ayaw na ayaw talaga niyang nakikitang nagkakaganito ito.



___________________

Nakakadalawang bote na ng black daniel si sky pero hindi parin mawala sa isip niya ang mga bagay na ayaw niyang isipin! May tama na siya pero kulang parin ang epekto nun para mawala ang nararamdaman niya

" No no no sky you won't dare! " Pagkausap niya sa sarili, aminado siyang naaawa siya kay esmeralda, awa nga lang ba? Kastigo nanaman ng isang bahagi ng isip niya!

" D@mm no! She is Gold! Rain's wife for godsake sky! " Pangangarap niya sa sarili! Nababaliw na siya para makaramdam ng ganoon! Kaibigan niya si rain! Hindi dahil bestfriend niya ito at maling mali kung anu man ang nararamdaman niya, habang maaga mas magandang patayin na niya iyon kesa lumalim pa.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon