Maayos na nakuha ni Esmeralda ang Otsyenta'y kwatrong hektaryang lupa na nagkakahalaga ng humigit kumulang na walong milyon at apat na raang piso, masaya siyang bumbyahe papunta sa isang resort sa Sariaya para doon magpalipas ng gabi.
Nang nakarating sa resort ay agad siyang naglinis ng katawan bago humiga sa kama, malayo nanaman ang tinakbo ng isip niya, isang daang porsyento siya kaninang sigurado na boses iyon ng asawa, ngunit paano? kung totoo ngang buhay ang asawa niya kung gayo'y sino ang nakalagay sa urn na nasa kwarto nilang mag-asawa? lalong naguluhan si Esmeralda pero kung mamarapatin ay sana nga ibang tao iyon! Sana nga buhay pa ang asawa niya. Napatingin si Esmeralda sa lamesa ng tumunog ang personal na phone niya, tumayo siya saka nilapitan iyon, numero ni nanay ang bumungad sa telepono niya, agad niya iyong sinagot marahil ay napaka importante ng pakay ng matandang mayordoma nila kaya ito napatawag.
" Hello Nay? Bakit po kayo napatawag? " Magalang na tanong niya sa matanda
" Ayy Iha, kailangan kasi namin talaga ang pagpayag mo, busy ka ba ngayon anak? " Masuyong tanong sa kanya ng matandang nag-alaga kay Rain noong maliit pa ito, kahit pinamanahan ito ng Don at sampu ng ilang matapat na nagsilbi sa Don at Donya noong buhay pa ang mga ito ay si Nanay lamang ang nagpaiwan sa mansyon ngunit nakatakda na din ang pagreretiro nito bago pa mawala si Rain ay ayaw na talaga nitong pagtrabahuhin ang matanda, noon pa dapat ito umuwi ngunit minabuti ng matanda na antayin ang pagbabalik ng alaga niyang sa kasamaang palad ay wala ng buhay ng makauwe.
" Anu po iyon Nay? " Tanong ni Esmeralda dito
" Kasi iyong pinsan ni Matet at Asawa daw nito ay kailangan ng pansamantalang trabaho at matutuluyan, isusugod daw kasi sa pagamutan ang Lolo nilang may sakit dahil ooperahan ito kulang daw ang kagamitan sa probinsya kaya minabuti nilang ilipat nlang ang pasyente dito sa manila ang kaso ay walang kilala ang mga ito maliban lang kay Matet, dangan nga namang uuwe na ako ay gusto ko sanang may maiwan padin sayo dito bukod sa ibang mga katulong, hindi naman daw sila magtatagal, okey lang ba saiyo Iha? " Mahabang paliwanag ng matanda, kahit hindi siya nakikita ng kausap ay tumango si Esmeralda na paarang kaharap lang nito ang kausap niya.
" Opo, Nay. kayo nalang po muna ang bahala sa kanila " Maikling sabi ni Esmeralda sa matanda.
" Nga pala Iha, baka hindi na kita mahihintay pa't sabik na sabik na ang aking mga anak sa pag-uwi. " habol ng matanda..
" opo Nay, magiingat kayo. " pagputol ni Esmeralda sa tawag, Maya maya pa'y pinatay na din niya ang tawag,
Pagsabog ng liwanag sa paligid ay agad bumyahe si Esmeralda, hapon na ng makarating siya sa bahay agad siyang sinalubong ni Pur, naglalambing ito sa kanya at panay ang kiskis nito ng balahibo sa paa niya, kinarga niya ang pusa at saglit na nilaro
" Hi baby Pur? How are you? " Nakangiti niyang bati dito, nawala lang ang ngiti niya ng maalalang para sa asawa niya nga pala ang pusang iyon
" Akala ko makikita mo rin ang Daddy Rain mo, pero tingin ko ay hindi mo na siya makikita pa, iniwan na nga pala niya ako, iniwan na niya tayo " Mahina niyang sabi sa alaga. Umakyak si Esmeralda sa taas at nagkulong sa kwarto, doon nalang niya tinapos ang mga naiwan pa niyang trabaho, dinadalhan lang siya ng makakakain ni Matet, naging malapit na din siya dito, mabait naman kasi ang bagong kasambahay isa pa ay hindi nalalayo ang edad nila siguro ay matanda lang ito sa kanya ng ilang taon, tulad nga ng abiso ng matanda, wala na nga ito ng siya ay makauwi.
" Aa ma'am salamat nga po pala sa pagpayag na makituloy at pansamantalang magtrabaho ang pinsan ko at asawa nito dito " Pagkuway sabi ni Matet sa kanya tumingin siya dito
" Anu kaba wala iyon, isa pa napaka laki ng bahay para sating lima hindi naman kalabisan ang dagdag na dalawa pa" Nakangiti niyang sagot,
" Siya nga po pala mamayang gabi napo ang dating nila, nasa byahe napo kasi sila ngayon " Sabi nito, tumango lamang si Esmeralda dahil nakapokus na ito sa ginagawa, muling nagpasamat si Matet sa kanya saka nagpaalam na din pagkuwan. Hindi siya pumasok sa opisina kinaumagahan pinuntahan niya ang isang conference sa Marikina, gabi na siya nakauwe sa bahay, tulad ng nakasanayan niya ay uminom siya ng alak at puwesto sa may balcony ng kwarto nila ni Rain, tumingin siya sa kalangitan at sa mga bituin, tumulo ang luha niya.
" Tonight under the moonlight, I am fully letting you go now love, please always be happy wherever you are right now, Iloveyou with every bit and beats of my heart Hurraine Rence Montenegro, I will always be your Gold Montenegro, hinding hindi kita makakalimutan lagi kang nasa puso at isip ko mahal na mahal na mahal kita, " Mahinang pagkausap niya sa mga bituin na kunwari'y kausap niya ang asawang nasa langit, binawi niya ang tingin sa langit at yumuko para punasan sana ang luha niya pero nanigas siya, sa baba kasi ng veranda ay my taong nakatingalang nakatingin sa kanya! Maikli man ang buhok niyon at umitim man ito ang mata nitong malamlam na medyo singkit! Ang tindig nito at labi nito at ang pamilyar na pagbilis ng tibok ng puso niya!
Alam niya kilalang kilala niya iyon, wala na siyang sinayang na sandali agad siyang nagmadaling bumaba ng hagdan nagkanda talisod pa siya dahil sa bilis ng pagtakbo niya, hindi siya pwedeng magkamali asawa niya iyon! Parang kanila lang ay malakas ang loob niyang bitawan na ito ngunit iba ngayon alam niya sa sarili niyang hindi siya nababaliw! Ramdam niya iyon! Totoong totoo buhay ang asawa niya! Buhay si Rain!
Ngunit pagbaba niya ay wala namang tao sa lawn ng bahay, luminga pa siya sa paligid ngunit wala siyang nakita maski isa, nanlulumo siyang napasalampak sa lupa, namamalikmata lang ba siya? Pero ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya! Hindi iyon dala ng alak o ng imahinasyon niya!
" Anu bang gusto mong ipahiwatig love? Sabihin mo sakin, buhay kaba talaga? Buhay ka paba? Sana buhay kapa! Kung buhay kapa hinding hindi ako mapapagod na hanapin ka bigyan mo lang ako ng sign na buhay ka please, I'm begging you god! Just one sign! Sabihin mopo sakin kung buhay pa ang asawa ko! Gustong gusto ko napo siyang makasama! Malaki po ang kasalanan ko sa kanya hayaan niyo po sanang makabawi ako kahit konti, mahal na mahal kopo siya, sabihin niyo po saking buhay siya, nagmamakaawa po ako " Humahagulgol niyang sabi, nagmistulan siyang batang musmos na inagawan ng kendi, sa itsura niya siguro ngayon kung may media man sa paligid siguradong bukas na bukas ay laman na siya ng balita at iba't-ibang uri ng tabloids,
Kinaumagahan maagang umalis ng bahay si Esmeralda, may monthly meeting kasi sila regarding sa buong status ng main business ng MSGC, maaga din nagsidatingan ang ibang mahahalagang tao sa kumpanya, kaliwat kanan ang bumabati kay Esmeralda, karamihan ay ang mga early staff, tulad ng mga technical department, maintenance department at security department, pagdating niya sa floor ng office niya ay nandoon na ang substitute secretary niya si George sekretarya ito ng yumao niyang byenan at asawa, ito din ang siyang nagaasikaso sa Law Firm na itinayo ni Rain. nag file na kasi ng maternity leave si Minerva dahil kabuwanan na nito ngayong buwan, gamay naman ni George ang mga trabahong nakaatas dito kaya wala namang naging problema doon, binati siya nito ng magandang umaga, ngumiti siya dito bago niya ito binati Pabalik. Inaasikaso niya ang mga dapat dalhin sa conference room ng saktong mag alas otso na ay siya na ang kusang lumabas ng opisina niya at hindi na niya inantay na tawagin pa siya ng sekretarya.
Maayos na natapos ang meeting niya, mayroon silang munting selebrasyon sa isang bar hindi kalayuan sa kumpanya, tumaas kasi ang sales at ang profit ng buong korporasyon kaya naman nagpasya siyang I treat ang mga empleyado niya, kumain muna sila ng dinner sa isang restaurant bago sila pumunta ng bar, kahit papaano ay nalibang siya sa live band na kumakanta sa entablado, nakakailang shot na din siya ng Margarita, medyo tipsy na din siya pero kaya pa naman niyang magmaneho. Pasuray suray siyang lumabas ng kotse niya at naglakad papasok, dumaretcho siya sa kusina para sana uminom, patay na ang ilang ilaw sa kabahayan marahil tulog na ang mga kawaksi madaling araw na din kasi, napahinto siya sa paglapit sa fridge ng may isang bulto ng taong nakaupo sa lamesa ang bumungad sa kanya, nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa mata niya, kilala niya ito, kilalang kilala, bumilis ang tibok ng puso niya nanlambot siya ng lumingon ito sa direksiyon niya, nanginginig ang tuhod niya, marahan siyang naglakad palapit sa taong ito, kumunot ang noo nito ng makita siyang umiiyak. Ang iyak niya ay naging hagulgol ng mapagmasdan niya ang mukha nito sa malapitan, nag-iba man ang kulay at porma nito ay sigurado siyang ito ang matagal na niyang hinahanap, nakaupo sa harap niya ang taong inakala niyang patay na, nanginginig niyang inangat ang kamay niya at hinaplos ang mukha nun,totoo nga hindi siya isang aparisyon! Tao ito totoong tao! Buhay ang asawa niya! Buhay si Rain.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
10/09/22
EDITED
BINABASA MO ANG
Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG )
RomanceBagong kabanata sa buhay ni Esmeralda. Dalawang taon matapos siyang iwan ng Asawa niya, madami ng nagbago sa paligid niya ngunit ang nararamdaman niya sa Asawa'y kailanma'y hindi mawawala. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay babalik...