Pantay na ang paghinga ni esmeralda ng magmulat ng mata si sam, nagtaka ang huli dahil halos nakayakap na ang amo sa kanya, narinjg nito ang sinabi nito kanina, pinagkatitigan niya ito ng matagal
" "Sino kaba bakit sa tuwing nakikita kitang umiiyak parang gusto kitang patahanin? Bakit sa twing na kikita kita ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit sa tuwing nakikita kita parang kilala na kita noon pa man? sabihin mo sino kaba talaga?" Bulong ni sam sa tulog na amo, hindi niya maintindihan ang sarili, may isang bahagi ng isip niya na nagsasabing kilala niya ito at may isang bahagi naman din ng isip niya ang tumututol,sa tuwing nakikita niya itong umiiyak parang gusto niyang hilahin ito at yakapin, maamo ang mukha nito at tila isang anghel, hindi niya mawari ang nararamdaman ngayong ganito sila kalapit sa isa't-isa, kilala ba niya ang amo noong hindi pa siya nadidisgrasya? At ang babae kanina sa isip niya sino iyon? paano nga kung may naghahanap talaga sa kanya ngayon? posible kaya? posible kayang mayroon nga siyang naiwan noong araw na maaksidente siya? ang pamilya niya? paano nalang sila kung sakaling pinaghahahanap nga siya? At paano nga kung talagang kilala niya ang amo? gumalaw ang babaeng natutulog ng nakayuko sa tabi niya ngunit hindi naman iyon nagising, bumangon si sam sa kama at binuhat ang amo para ihiga sa kama ng maayos, parang nangyare na ito noon! Parang mayroon na din siyang binuhat at hiniga sa kama, ipinilig niya ang ulo, lumipat siya ng higa sa sofa na nasa loob din ng kwarto doon na lamang siya mahihiga dahil hindi naman tamang tabihan niya ang amo.
_____________________
Nang magmulat si esmeralda ng mata ay umaga na, agad siyang bumangon sa kama, tumingin siya sa tabi ngunit wala na doon si rain, tumingin siya sa kabuoan ng kwarto, napatingin siya sa bandang kaliwa at iyon ito, sa sofa niya nakita ang taong hinahanap niya at doon ito natutulog sa sofa, alam niyang ito ang bumuhat sa kanya palipat sa kama, napangiti siya kahit walang maalala ang asawa ay likas parin dito ang pagiging mabait, tuluyan na siyang tumayo at nilapitan ito umupo siya sa tapat ng mukha nito at pinagkatitigan ang mukha nito, maraming nagbago sa pisikal na anyo ng asawa ngunit kilala parin ito ng puso niya, kahit siguro magpalit ito ng mukha ay malalaman at makikilala parin ito ng puso niya,
Biglang dumilat ang mata ni Sam kaya halos malunok na ni Esmeralda angel araling dila sa sobrang pagkapahiya, namula ng husto ang magkabilang pasngi niya, pilit niyang iniwasan ang nanlaki sa gulat na mga mata ni Sam, agad siyang tumayo at tumakbo patungong banyo,
Pareho silang walang imikan ng bumyahe sila pauwe, gustuhin mang kausapin ni Esmeralda si Sam ngunit nilabanan niya iyon, baka makasama sa planong naisip niya kung kukulitin pa niya ito, tumunog ang cellphone ni Esmeralda na nasa bag niya agad niya iyong kinuha at tinignan tumatawag ang imbestigador na inarkila niya, agad niya iyong sinagot
" Hello? " Bati niya ng sagutin niya ang aparato
" Mrs. Montenegro, lumabas napo ang resulta ng DNA na nakuha sa jacket at bracelet na bigay niyo, ayon po dito sa record, lumalabas na kay Ms. Bianca Manalo po ang DNA na nakuha sa mga damit, nakuha po ako ng ilang impormasyon tungkol sa nasawing bangkay, taga Bicol po si Miss manalo, ayon po sa isang kamag-anak niya ay nagtatrabaho daw po dito sa Manila si miss manalo bilang isang entertainer sa isang bar, sa Wildfire Bar po dito sa malate, May nakausap din po akong ilang kaibigan ni miss manalo ang huling sabi raw nito sa mga kaibigan ay uuwe daw ito ng Bicol dahil May sakit daw ang ama nito nagkataon noong araw ng umalis ito ay fully-booked ang lahat ng airlines marahil kilala o nakilala nito ang asawa niyo kaya dito ito nakasakay, gusto niyo po ang ako na ang kumausap sa mga kaanak ni miss manalo? " Mahabang salaysay ng imbestigador, halos manuyo ang lalamunan ko sa mga nalaman, kung ganun ang kasama niya nga ang asawa ngayon, ito nga ang asawa niya walang duda, hindi niya maiwasang maging imosyonal, atelast buhay ang asawa kahit pa hindi na siya nito kilala atleast buhay ito at kahit papaano nakakasama niya wala sa loob na napayakap siya kay Sam mula sa likod, halos masubsob naman si Sam sa windshield ng kotse dahil nabigla ito at natapakan ang preno ng sasakyan, ramdam ni Esmeralda ang paninigas ng katawan nito saka palang niya naalala ang sitwasyon, agad siya umatras at humingi ng tawad
" Sorry sorry again, nabigla lang ako " gustong matawa ni esmeralda sa nasabing palusot, napaka lame kasi ng palusot niya, sino naman kasing maniniwala doon ngunit nakahinga siya ng maluwag ng muling magdrive si sam
" Mrs. Montenegro " dinig niyang tawag ng tao mula sa kabilang linya makalimutan niyang kausap parin pala niya ang imbestigador, agad niyang binalik ang aparato sa tenga niya
" Yes I'm sorry, anu nga ulit iyon? " Tanong niya sa kausap
" Gusto niyo po bang ako nalang ang kumausap sa pamilya ni miss manalo? " Pag-uulit ng imbestigador sa tanong nito
" No, ako nalang May gusto pa din kasi akong malaman, salamat " sagot niya saka binaba ang tawag, muling napabuntong hininga si esmeralda,
Ng makakuwe sila ay dumaretcho siya agad sa kwarto nila ng asawa niya, agad niya binuhat ang urn ay sinama sa balcony ng kwarto, nilapag niya iyon sa lamesa ng salamin, naupo siya doon at pinagkatitigan ang gintong urn,
" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, hindi ko din alam kung magpapasalamat ako sayo o hindi, hindi kita kilala pero kasama mo ang asawa ko noong araw na maaksidente kayo? Hindi ko alam kung anung kaugnayan niyong dalawa, sino kaba? Sino ka at paano ka nasama sa aksidente? "Mahinang tanong niya sa urn o mas tamang sabihing tanong niya sa babaeng laman ng urn,
" Gusto kong malaman ang lahat lahat ng tungkol sayo pero pinipigilan ako ng isang bahagi ng puso ko, paano kung matagal kana niyang kilala at mas masakit May ugnayan kayong dalawa? Paano ko matatanggap iyon? Ganito pala kasakit kapag nalaman mong niloko ka! Ganitong ganito din ang naramdaman ng asawa noong mga panahong hindi ko alam kung paano pa labanan ang tukso " tumulo ang luha ni esmeralda, pilit sinisiksik sa isip niya ang posibilidad na baka babae ito ng asawa niya kahit anung pilit niyang huwag iyong intindihin ngunit para parin itong kutsilyong sumusugat sa puso niya, napatigil sa pag-emote si esmeralda ng tumunog ang cp niya ng tignan niya iyon ay pangalan ng isang taong nagkaron ng malaking papel sa buhay niya ang nakarehistro sa phone niya bilang tumatawag, pangalang minsang naging dahilan ng pasakit ng asawa niya, ang pangalang Kyle na dati'y inibig niya.
BINABASA MO ANG
Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG )
RomanceBagong kabanata sa buhay ni Esmeralda. Dalawang taon matapos siyang iwan ng Asawa niya, madami ng nagbago sa paligid niya ngunit ang nararamdaman niya sa Asawa'y kailanma'y hindi mawawala. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay babalik...