KABANATA 2

430 14 0
                                    


Namumugto ang mga mata ni Esmeralda ng makabalik sila ng manila dala ang apat na labi, kabilang ang labi ng asawa niyang si Rain, dahil sa halos wala ng natira sa bangkay ng mga nasawi ay minabuti nilang abo na ang iuwe sa syudad, yakap yakap niya ang gintong urn kung saan nakalagak ang abo ng pinakamamahal na asawa nasa bag din niya ang plastik na kinalalagyan ng purselas nitong kulay uling na dala ng pagsabog ng sinasakyan nitong chopper, hindi tumitigil ang paglabas ng luha sa mga mata niya, sising-sisi siya sa nangyare sa asawa gusto nalang niya ngayong sumama dito, ayaw na niyang mabuhay lalo ngayong wala na siyang kasama pa,

Pagdating sa manila ay agad nilang dinaretso ang mga abo sa isang chapel kung san ipagdarasal ng mga naulila ang mga nasawi sa pagsabog ng chopper, naroon ang mga asawa at anak ng mga nasawing kapitan at kasama nitong piloto pati ang asawa at anak ng isang crew na nasawi ay naroon din, nagbigay din siya ora mismo sa mga pamilya ng mga nasawi na kasama ng asawa niya, ang mga cheke ay nagkakahalaga ng tig li-limang milyon, ng matapos dasalan at bendesyunan ng pari ang mga labi ay magisa niyang inuwe sa bahay ang labi ng asawa, gusto pa sana siyang samahan ng mga kaibigan ng asawa ngunit tumangi siya dahil sa pagkakataon ngayon ay nais niyang mapagisa muna.

Nang makarating sa bahay ay dinaretcho niya ang urn sa kwarto mismo nila nilapag niya iyon sa isang lagayang pinagawa niya lang kanina, umupo siya sa kama at kinuha ang litrato nilang dalawa, hinaplos niya ang nakangiting mukha ng asawa sa litrato, ng maalala ang sinapit ng asawa ay muli siyang napaluha, dala ang litrato nila ay nagtungo siya sa mini bar ng bahay at doon nagpakalunod sa alak

" I'm sorry love! I'm really sorry " Iyak niya! Kasalanan niya kung bakit ito namatay! Kasalanan niya! Panay ang lagok niya sa alak, umiikot na din ang paningin niya pero hindi parin siya tumigil sa paginom,

" Bakit ang aga? Iniwan mo agad ako? Paano ako love? Paano pa ako mabubuhay ngayong alam kong wala kana pala! Ang tagal kong naghintay! Napakatagal kong naghintay sa pagbabalik mo! Hindi ko inaasahang abo mo nalang ang maiiuwe ko dito sa bahay! Ang sakit sakit! Ang sakit sakit malamang iniwan mo na ako! Hindi ko kaya love hindi ko kaya! " Sigaw niya pagkatapos ay binato niya ang kopitang walang laman, naglikha iyon ng matinis na tunog, nakarinig siya ng ilang yabag ng paa sa labas ng pinto ng mini bar si Matet ang sumungaw sa pinto, agad itong tinawag ni Esmeralda.

" Halika Matet! Umiinom kaba? " Tanong niya sa dalaga, tumango naman ang babae

" Opo ma'am, taga Quezon po ako at prudukto ng probinsya namin ay alak " Nakangiti nitong sagot sa kanya, alam ni Esmeralda na alam na ng mga kasambahay na wala na si Rain, maski ang mga matagal na nilang katulong lalo si nanay ay sobrang nalulungkot sa pagkawala ng asawa niya, tumayo si Esmeralda sa stool na nasa bar counter, nagpunta siya sa vanity at kumuha roon ng dalawang bagong kopita, naglagay siya ng yelo sa dalawang baso at nagsalin ng alak sa kopita, inabot niya iyon kay Matet ng malagyan na niya ng laman

" You know! Kung naabutan mo lang si Ulan, siguradong pati ikaw ay mababaitan sa kanya! Sobrang bait ng asawa ko! Hindi dapat siya namatay! Ako dapat ako nalang dapat " Nagumpisang magiiyak si Esmeralda sa nakitang kakampi, lumagok si Matet sa alak bago siya nito kinausap

" Ayy ma'am mabait din naman kayo! Baka po talagang oras na ni sir kaya kinuha na siya sa inyo " Pagpapalubagloob ng kawaksi kay Esmeralda

" Sa nagdaang dalawang taon hindi siya nawala sa puso at isip ko, kada pagdilat ko sa umaga hinihiling ko na siya ang makita ko, lagi siyang ngumingiti sa mga panaginip ko, iyon pala wala na siya! Matagal na siyang wala sa mundong ito! Sa puso ko nalang pala siya nabubuhay at sa alaalang sinayang ko! Kung alam ko lang sana mas pinanghawakan at inalagaan ko! Kung alam ko lang na maaga siyang kukunin sana! Sana mas marami pang ala-ala ang pinabaon ko sa kanya! Dahil sakin kaya siya nawala! Kung nakuntento lang sana ako! Kung hindi ako nagpadaig sa tukso! Kung nalaman ko lang ng maaga na mas mahal ko siya! Loveeeeeeeee!!!! hindi ko kaya!!!!! Hindi ko kayang tanggapin na iniwan mo na ako!!!!! Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin, miss na miss na kita, miss na miss na kita, mahal na mahal kita love mahal na mahal kita " Halos paos na si Esmeralda sa kakasigaw, pahina ng pahina ang boses nito hanggang sa tuluyan itong makatulog na pangalan padin ng namayapang asawa ang siyang binabanggit nito, kita sa mga mata ni Matet ang matinding awa para sa amo, sa tatlong buwan niyang paninilbihan sa amo ay batid nitong mabuti itong tao, busy man ito at halos hindi sila nagkikita sa loob ng bahay at hindi man ito palakibo ramdam niya ang kabutihan nito at kalungkutan, kaya pala may mababatid na kalungkutan sa mga mata ng amo ay dahil pala sa asawa nito, ngayon lamang niya nalaman na nawawala pala ang asawa nito, at nito lang din ay nalamang patay na pala, siguro nga mahal na mahal ng amo niya ang asawa nito.

Agad na tumayo si Matet para maitayo din ang amo at maihatid sa kwarto nito, ngayon lamang siya nakapasok doon, napakaganda ng kwarto ng amo, napakalawak niyon, ng maihiga niya ang amo sa kama ay pikit mata niyang inalis ang suot nitong pantalon at T-shirt, tinanggal din niya ang sapatos nito, inpernes ang bango ng paa ng amo niya agad niyang pinilig ang kanyang ulo, nagpunta siya sa banyo nito para maghanap ng bimpo na pwedeng ipampunas sa amo, ng makahanap siya ay binalikan niya ito at inumpisahang punasan para kahit papaano ay mahimasmasan, nanginginig at pinagpapawisan siya baka kasi magising ito at kung anu pa ang isipin, minadali niya ang pagpunas dito, kumuha siya ng pamalit nitong pantulog nakakita siya ng isang malaking T-shirt iyon nalang ang ipinasuot niya dito, kinumutan niya ito at binuksan ang aircon ng kwarto, bitbit ang palanggana, bimpo at pinagbihisan ng amo ay umayos siya at tumayo, napansin niya ang isang malaking litrato sa pinaka sentro ng kwarto, natitiyak niyang ang babaeng amo ang nasa litrato katabi nito ang isang lalakeng hanggang balikat ang buhok at parang pamilyar sa kanya ang mukha nun hindi lang niya talaga matukoy kung sino, gwapo iyon at mistiso, iyon na siguro ang asawa nito, napaka gwapo pala niyon, saglit pa siyang sumulyap sa malaking portrait bago siya tuluyang lumabas ng silid ng kanyang among nakatulog na sa sobrang kalasingan dala ang pinagbihisan, bimpo at palangganang maliit.


^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

10/08/22

EDITED

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon