Narrator's POV...
Minulat ni Esmeralda ang mga mata niya, unang bumungad sa kanya ang pamilyar na ceiling ng kwarto nila ni Rain, unti-unti siyang bumngon mula sa pagkakahiga, nilibot niya ang paningin niya sa loob ng kwarto, walang tao roon, na-aalala niyang naroroon kagabi si sky at ito ang gumamot sa kamay niya, napatingin siya sa sugat sa kamay niya, bagong palit ito ng gasa, ibig sabihin ay kakaalis lang ni sky bago siya magising, agad siyang bumangon at nagpunta ng cr, ginawa niya ang mga normal na ginagawa niya tuwing umaga, mabigat man ang dibdib ngunit pinilit niyang umalis sa bahay at pumasok sa opisina, aminado siyang napapabayaan na niya ang kumpanya, naisip niyang bisitahin ang plantasyon sa Quezon, maaga palang ngunit nakaayos na ang mga dadalhin niya, siya ang may-ari ng bahay ngunit siya nalang ang lalayo, ayaw naman kasi niyang umalis sa puder niya ang asawa, umaasa parin siyang bumalik ang ala-ala nito at pati ito ay bumalik sa kanya, matamlay siyang naglakad pababa ng ground floor ng mansyon bitbit ang ilang katamtamang maleta, naabutan niya doon si matet.
" Goodmorning ma'am " Bati ng kasambahay sa kaniya, tinanguan niya lamang ito
" Nakita mo ba si sky? " Tanong niya dito, nagkamot ng ulo ang kasambahay
" Kanina po halos kabababa niya lang din po sa hagdan nagmamadali po eh " Sagot nito, muli nalang siyang tumango, pagdating niya sa kusina ay naroon ang babaemg dahilan ng muntikan niyang pagkamatay, ngumisi pa ito sa kanya, doon naman pumasok mula sa main door ang asawa niyang si Rain na ngayon ay Sam na ang pangalan, napatingin ito sa kanya maging sa kamay niyang may benda, wala sa loob na naitago niya ito, nakitaan niya ito ng lungkot sa mata ngunit saglit lang iyon ng mabaling kay Anna ang pansin nito, tumayo ang maldita at sinalubong ang kakarating lang,
" Kamusta si lolo? Anung sabi ng doktor? " Malambing na tanong nito sa asawa niya, pinilit ni Esmeralda na huwag pakinggan ang anumang usapan ng mga ito, dumaretcho siya sa vanity ng kusina at nagtimpla ng kape niya, matapos ay nagtungo siya sa may poolside at doon nagkape, magaalmusal lamang siya at pagkatapos ay babyahe na siya patungong Quezon sa may plantasyon, personal niyang bibisitahin ang mga trabahador na nagtatayo ng paparating nilang bagong proyekto, nakatingin siya sa mismong swimming pool na minsan na nilang tinambayan ng asawa, mula sa ilalim ng transparent na sahig ng swimming pool ay may ilaw sa ilalim noon na kulay gold, pinasadya iyon ng asawa niya dahil paborito niya ang kulay ginto, muli nanamang nanubig ang mata ni Esmeralda, tandang tanda niya pa ang mga salitang ipinangako ng asawa sa kanya saksi ang kulay gintong tubig ng swimming ng gabing iyon.
" I would never hurt you mon amour, I will love you for the rest of my life, from the very first moment I laid my eyes on you until my last breath " Masuyong bulong ni Rain sa kanya, ngumiti siya dito, napabalik sa kasalukuyan ang tinatangay ng hangin na isip ni Esmeralda ng makarinig ng kaluskos sa hindi kalayuan, lumingon siya sa likuran niya at nakita niya si Sam na papalapit, umayos siya ng upo at pasimpleng pinunasan ang luha sa mata niya.
" Hi! " Nahihiyang bati niya dito, gusto man niyang magalit ngunit hindi kaya ng puso niya, nagtatampo siya ou pero hindi naman iyong tipong galit siya
"Sino kaba? Bakit sa tuwing nakikita kitang umiiyak parang gusto kitang patahanin? Bakit sa twing na kikita kita ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit sa tuwing nakikita kita parang kilala na kita noon pa man? Sabihin mo sino kaba talaga?" Deretsong tanong nito, malamlam ang mga mata nito at halatang wala pa itong maayos na pahinga, naawa siya sa asawa gusto man niyang hilahin ito para yakapin ay pinigilan niya ang sarili, ayaw na niyang magpadalos dalos ng desisyon, hindi alam ni Esmeralda ang isasagot kusang nag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak.
" Ako ito, ako ang asawa mo, sabi mo saakin noon, hinding-hindi mo ako sasaktan pero sobrang sakit na Rain, tinatanong ko ang langit kung bakit nangyayare sakin ito pero wala naman akong nakuhang sagot, siguro nga karma ko ito dahil niloko kita noon, pero matagal ko ng pinagsisisihan iyon, sa maniwala ka man o sa hindi, mahal na mahal kita pero wala akong magawa kundi panoorin ka habang kasama ang ibang babae, durog na durog na ako Rain, durog na durog na ako love, paano ko pa maipaglalaban ang pagmamahal ko sayo ni hindi mo ako kilala? " Lumabas na kusa ang hinanakit niya dito hindi na niya napigilan pa ang magpanggap, bumuhos ang luha niya.
BINABASA MO ANG
Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG )
RomanceBagong kabanata sa buhay ni Esmeralda. Dalawang taon matapos siyang iwan ng Asawa niya, madami ng nagbago sa paligid niya ngunit ang nararamdaman niya sa Asawa'y kailanma'y hindi mawawala. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay babalik...