Narrator's POV....
Pabalik balik ng lakad si Esmeralda, kinakabahan siya sa sasabihin ng Doktor, nasa labas kasi siya ng kwarto habang nasa loob naman si Rain at ang Doktor nito, Mag-iisang oras na mula ng pumasok ang Doktor sa kwarto upang tignan si Rain, bigla nalang kasi itong nag collapse kaya sobra talaga siyang nag-aalala lalo ng makita sapo nito ang ulo, ang plano niyang pagpunta sa Quezon ay hindi na niya itinuloy, mas mahalaga ang asawa niya kahit sa anu mang bagay, bumukas ang pinto at iniluwa noon ang Doktor ni Rain, agad siyang lumapit dito.
" Dok kamusta po ang asawa ko? " Tanong ni Esmeralda, tumingin ang Doktor sa kanya at bumuntong hininga.
" Her brain is responding, and its a good sign Mrs. Montenegro, isa lang ang ibig sabihin nito, babalik na ang ala-ala niya in no time, kaya expect more likely babalik sa pagiging isip bata ang asawa mo, dahil ang specific memories na una niyang maalala is when she was in a childhood or maybe when she was a teen, get ready because it might lead her to another traumatic stress specially when she found out something from her past na talagang nakaka trauma, she's lucky dahil kahit papaano ay bumabalik ang alaala niya, as I've said Anterograde amnesia will no longer can retrieve the forgotten memories, as for your husband's case, it takes her almost 3 years to recover, anyway Mrs. Montenegro I suggest you to settle an appointment in my clinic to ensure na walang brain damage, She needs to undergo a several examination, at this point kapag naging conscious na siya better try to get her slowly, this prescription will be a big help, in takes and pre caution is already attached, she needs to takes this to help her recover her memories fast." Pagpapaliwanag ng Doktor sabay abot sakin ng mga reseta at ng isang note, agad kong tinanggap iyon
_________________
" Rain anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mommy! I will always be here whenever you need me, nasa paligid mo lang ako lagi, babantayan kita san ka man magpunta, I will be your no. 1 fan, your lover, your friend, and your mother, lagi kitang gagabayan anak, please don't be sad, kailangan ko ng umalis, magpakatatag ka lang lagi, at huwag mong kakimutan na magdasal, basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita anak " Sabi ng isang babae, she looks familiar, she really is, because she is my mother, bulong niya sa sarili, tumulo ang luha ng batang Rain, ng makita ang isang malalim na hininga ng ina niya at ang huling oagtaas nito hanggang sa hindi na muling umangat ang dibdib nito doon ay nagsimula ng humagulgol ang bata, nagsisigaw ito dahilan ng paghangos ng isang lalake sa kwarto kung nasaan sila.
" Honey? Oh my god! Anak call someday down stairs, we need to rush your mom in the hospital. " Utos ni daddy sakin habang kalong ang ina kong walang malay, agad akong tumalima at bamaba para tawagin ang mga kasambahay
" Ate luring! Ate minda! Nanay! " Sigaw ng batang ako, halos magkanda dapa ito sa paulit-ulit na pagtawag sa mga kasama nila sa bahay.
Nagbago ang paligid, bigla ay nasa isa silang sementeryo, sa harap nila ang isang kulay gintong kabaong, sinilip niya ang loob niyon, hindi niya alam ngunit nag sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya, nakahiga doon at nakapikit ang kanina lang ay kausap niyang mommy niya.
Biglang nagmulat ang mga mata ni Sam, hindi niya alam pero parang may nakalimutan siya, agad siyang bumangon, ngunit nagtaka siya, hindi pamilyar sa kanya ang kinalalagyan niyang kwarto, nagpabago ba ng design si dad sa kwarto ko? Tanong niya sa sarili , may nakita siyang malaking portrait na nakasabit sa dingding ng kwarto, siya iyon at ang babaeng matagal na niyang gusto, ngunit wala siyang matandaan na nagpagawa siya ng ganoon? Wala nga ba? Pero matagal na niya iyong pangarap diba? Napailing siya siguro nga pinagawa niya iyon, anu bang nagyari kagabi? Sobra siyang naguguluhan, hindi niya malamang kung bakit, basta ang alam niya lang parang may kulang, nasaan ba siya? Bakit wala ang cp niya? Paktay anung oras naba? Baka late na siya sa school! Baka galit na galit na ang daddy niya dahil umuwe nanaman siguro siyang lasing, pero bakit wala atang nanggigising sa kanya na kasambahay? Napakamot siya sa ulo! At isa pa parang sigurado siya na hindi nila bahay ito, pero bakit may picture niya? Nagkibit balikat nalang siya at lumabas ng pinto, dahan-dahan pa siyang naglakad nag-iingat na baka may makakita sa kanya, pagdating niya sa ibaba sa may sala ng bahay may babaeng nakatalikod mula sa pwesto niya hindi pa siya nito napapansin, mula sa labas ay may babaeng sumigaw
" Sam! Anung nangyare sayo? Saan kaba galing? " Tanong nito sa kanya, kumunot ang noo niya, Sam? Who's Sam? Tanong niya sa isip, Lumayo siya agad dito ng yakapin siya nito
" Wait, Missy. My name is Rain not Sam! Is this your house? " Napalunok at nanlaki ang mga mata nito kaya nagtaka si Rain, napatingin si Rain sa babaeng napatayo sa sofa, Tumakbo ito palapit sa kanya, naitulos sa kitatayuan si Rain.
" Loveeeee! " Umiiyak na sabi nito habang tumatakbo, lalong nagtaka si Rain at the same time kinikilig siya na ewan! Para siyang grade schooler na kinikilig, crush niya si Ems mula ng makita niya ito sa park hindi na niya tinantanan ang dalaga, but wait! The last time I checked may relasyon ito sa anak ng mga montemayor na mortal na kalaban sa negasyo ni dad? Tanong nanaman niya sa isip, napakamot siya sa ulo
" W--wait you know me? " Hindi makapaniwalang tanong ni Rain kay Esmeralda, nagtatakang napatingin si Ems kay Rain,
" What do you mean? Hindi mo ako kilala? Hindi mo ako natatandaan? " Sunod-sunod na tanong ni Esmeralda, muling napakamot sa ulo si Rain
" Not really, I mean We're schoolmates I--I know a little bit about you and also Kyle Montemayor, " namutla ang babaeng kaharap ni Rain, akala ni Rain ay na offend niya lang si Esmeralda ngunit sa isipan ni Esmeralda ay nasasaktan siya at nagi-guilty din, ikaw ba naman sabihan ng asawa mo na kilala ka niya at ang naging dahilan ng pagkakahiwalay niyo,
" Ammmhh kamusta ang pakiramdam mo? " Tanong ni Esmeralda kay Rain, hindi naman malaman ng huli ang dapat iakto, kinikilig kasi siya sa isiping concern sa kanya ang babaeng matagal na niyang gusto, nahalata naman iyon ni Esmeralda, alam niyang may mali dahil hindi nito nakilala si Anna, speaking of Anna, nakamasid lang ito kay Rain, halatang nasaktan ito dahil hindi na siya maalala ni Rain
" I--I'm fine, is this your house? " Tanong ni Rain kay Ems, tumango si Esmeralda, tinatantya ang ekspresyon ng mukha niya.
" Yeah, its my husband's " Sagot ni Esmeralda, para naman kinagat ng langgam ang puso ni Rain, kinasal na pala ito kay kyle, sayang ngunit napa-isip siya, bakit picture nilang dalawa ang nakasabit sa dingding? Posible bang siya ang asawa nito? Nakangiti siyang napailing imposible! Ni hindi nga niya ito malapitan dahil naduduwag siya, paano pa kayang magiging asawa niya.
" Anyway Why am I here? " Tanong niya ulit, natigilan si Esmeralda anu nga bang isasagot niya dito?
" Ammm nakita ka kasi ng kasambahy namin na nakatulog ata sa labas ng Nitro kaya inuwi kita " Sagot ni Esmeralda, ang Nitro na tinutukoy ni Esmeralda ay ang bar na dating ginigimikan nilang magkakaibigan, nasabi kasi niya kay sky ang posibleng pagbabalik ng ilang ala-ala ni Rain, ayaw niya itong biglain, kaya dadahan-dahanin nalang muna niya, nila.
" Oh! I'm sorry, btw how about the portrait upstairs? " Tanong ni Rain kay Esmeralda,
" What about the portrait? " Kunwari'y balewalang sagot niya,
" I saw myself on that big portrait " Nag-aalangang sagot ni Rain, kunwari'y napatawa si Ems
" Ohh its not you, It's my Husband " Sagot niya, tumangi ito at bakas ang pagkadismaya
" Thank you for letting me sleep here last night, I think I should go, maybe my dad will kill me for not coming home, see you Ms. Payongayong, " Pagpapaalam nito, napabuntong hininga si Esmeralda pagkuwa'y tumalikod na siya kay Rain, okey na yung ganito atleast half of her memories ay naaalala na niya ulit, okey na siya doon, ngunit nag-aalangan siya, na-alala niya ang sabi ng doktor na posiblen magkaroon ulit ng traumatic stress ang asawa kung sakaling malaman nito na wala na ang ama, dahil alam niyang hindi nito naalalang wala na ang ama base na din sa sinabi ni Rain kanina, paano kung hindi nito iyon makayanan?
" Wait! " Muling tawag niya kay Rain, napahinto ito
" I'll drive you home " Maikli niyang sabi, napalingon sa kanya si Rain na papalabas na sana sa main door, wala naman itong nagawa kundi sumunod kay Esmeralda ng lumabas si Esmeralda sa pinto.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Gusto ko magpaingay 🤣🤣,
PINAKAMAGANDANG COMMENT, MAY SHOUTOUT SA NEXT UD ☺☺☺
-LND
BINABASA MO ANG
Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG )
RomantizmBagong kabanata sa buhay ni Esmeralda. Dalawang taon matapos siyang iwan ng Asawa niya, madami ng nagbago sa paligid niya ngunit ang nararamdaman niya sa Asawa'y kailanma'y hindi mawawala. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay babalik...