Narrator's POV...
Tulala padin si Rain habang nakaupo, hindi siya makapaniwalang nagawa nga niyang magmahal ng iba bukod sa babaeng unang nagpatibok ng puso niya, ou aminado siyang may nararamdaman siya sa babaeng nagsasabing asawa niya ngayon, pero hindi tulad ng kung paano tumibok ang puso niya kay Esmeralda Payongayong, nabalik siya sa kasalukuyan ng lumapit ito sa kanya at yakapin siya nito.
" Mahal ko umuwe na tayo, uwe na tayo sa bahay natin " Sabi ni Anna, niyakap siya nito, napatingin si Rain sa mukha ng babae bagamat kayumanggi ang kulay nito at medyo sarat ang ilong ay maganda padin naman ang babae, hindi naman siguro nalalayo na magkagusto nga siya rito pero may kung anu parin sa damdamin niya na hindi niya malaman,
" Panahon na para kunin mo ang nararapat sayo mahal ko, ang mansyon sa High Land Ay saiyo nakapangalan, dapat lang na kunin natin iyon, ang pera at ari-arian mo ay kailangan mong kuhanin, ang mga negosyo mong inangkin ni Esmeralda, alam kong naguguluhan ka ngayon mahal pero ang mga iyon ay pag-aari mo, sabi mo noon babalikan mo ang lahat kaya lumayo ka! Lumayo ka dahil nakita mo mismong niloloko ka ni Esmeralda, kaya ka nauwe sa malagim na aksidente dahil pinili mong magpaka layo-layo sa kanila, ng mawala ka kinamkam lahat ni Esmeralda ang kayamanan mo! Siya din ang dahilan kung bakit namatay ang ama mo! Nalaman niya ang ginagawa ni Esmeralda kaya mas lalong lumubha ang kalagayan niya " Mahabang sabi nito, pagkarinig sa sinapit ng ama ay nakaramdam agad siya ng matinding galit! Kumuyom ang kamao ni Rain, tumingin siya sa mata ni Anna
" T---totoo ba ang sinasabi mo? " Tanong niya dito, umaasa si Rain na nagkamali lang ng pagkakasabi ang babae, inangat ni Anna ang kamay niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi
" Makinig ka mahal ko ngayon lang ako nagkalakas loob na sabihin sayo kung sino talaga ako, ako si Anastasia Cleo, anak ako ni Don Matias Cleo, pareho tayong nag-aral sa St. Claire noong elementary tayo, naging matalik tayong magkaibigan hanggang may namuong pagiibigan sa pagitan natin, nangako ka sakin noon na ako ang babaeng pakakasalan mo, nangako kang ako lang at saakin ka lang, pero kinailangan kitang iwan, napilitan akong sumama sa mommy at daddy ko dahil mas kailangan sa Rome si daddy, nangako ka sakin na ako lang pero ng bumalik ako dito nalaman kong nahuli pala ako, kasal kana, gusto kong magpakita sayo pero naisip kong masaya ka naman na bakit pa ako magpapakita, namuhay ako ng simple sa probinsya kung saan lumaki ang mommy Grace ko, mas pinili ko nalang manahimik at mabuhay ng malayo sayo kapiling ang lolo ko na siyang nakalakihan kong amain, pero isang araw habang nagmumuni-muni ako sa tabing dagat may napansin akong taong palutang lutang sa pangpang, ang akala ko patay na kaya lumapit ako, kahit puno ka ng dugo, kahit nakapikit ka agad kitang niyakap dahil nakilala ka agad ng puso ko, lumapit ako sayo, duguan ka at halos wala ng heartbeat, paggising mo hindi mo ako kilala at lalong hindi mo kilala ang sarili mo, inalagaan kita hanggang sa maging maayos ka, bumalik ang pagmamahal mo sakin, kusa mong naramdaman na mahal mo ako dahil ako naman talaga dati pa, nalaman ko ang dahilan ng aksidente mo mula sa P.I ni daddy, pinangako ko mula noon na hindi na kita ipapaubaya sa kanya, sinaktan ka lang niya at pinaglaruan ginamit ka niya, ngayon ako naman ako naman muna mahal ko " Humahagulgol na pagsasalaysay ni Anna, sukat doon ay parang bagyong rumagasa ang ala-ala ni Rain noon bata pa siya, ang batang si Anna, habang nakangiti at nakaupo sa isang swing sa parke habang siya naman ay nagtutulak noon, kumabog ang dibdib niya, niyakap niya ang babae
" I'm sorry, I'm sorry teddybear " Nakatulalang sabi niya, teddybear ang tawag niya dito at Candydear naman ang tawag sa kanya ni Anna noon
" Candydear ko " Nagiiyak nanaman si Anna.
________
Tulala lang si Esmeralda sa kwarto nilang mag-asawa, ni hindi niya alam kung paano siya nakauwe gayong tulala siya kanina pa, iniisip niya ang kuneksyon ni Anna sa buhay nilamg mag-asawa, bakit ganun nalang ang dami nitong nalalaman sa kanila, hindi pa sana siya bababang muli kung hindi lang kumalam ang sikmura niya, pagbaba niya ay naroon si matet sa kusina sakto dahil naalala niyang kamag-anak nito ang babaeng kanina pang laman ng isip niya, ng mahainan siya ni matet ng makakain ay akmang aalis na ito ng pigilan niya
" Mmmhhh matet? " Bungad niya sa katulong, lumingon ang babae sa kanya
" Yes ma'am? " Tanong agad nito, huminga ng malalim si Esmeralda
" Paano mo naging pinsan si Anna? " Tanong niya, kumunot ang noo ng dalaga
" Ahh pinsan ho ni Nanay si Tita Grace na mommy ni Anna " Sagot nito, lalong nagtaka si Esmeralda ng marinig ang mommy
" Mommy? " Nagtatakang tanong niya, halos malimutan niyang kumakain nga pala siya, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman pakiramdam niya ay may malalaman siyang hindi niya magugustuhan
" Opo, ay ou nga pala hehe, mayaman po kasi talaga iyong pinsan kong iyon, hindi ko nga lang alam kung bakit nangatulong eh mayaman naman " Sagot nito,
" A---anung tunay na pangalan ni Anna? " Tanong ni Esmeralda,
" Anastasia Cleo po ma'am, bakit po? " Nagtatakang sagot ni Matet, natulala si Esmeralda, so all this time, lahat kami ay pinapa-ikot niya lang! Bulong ni Esmeralda sa sarili, tuluyan ng umalis si Matet dahil pakiramdam nito ay hindi na siya kailangan, hindi na magalaw ni Esmeralda ang pagkain, para siyang sinikmuraan sa nalaman, kinuha niya agad ang telepono na nakapatong sa lamesa at tinawagan si Sky, agad namang sumagot ang huli
" Yeah " Tipid na bungad nito sa kanya
" S--sky may kilala ka bang Anastasia Cleo ? " Tanong nito
" I heard the name before but I can't remember where or when, why? " Tanong nito
" Alam ni Anna ang lahat ng nangyare saamin ni Rain, natatakot ako sky " Mahinang sabi niya
" Sshhh I'll hundle everything, where are you? " Tanong nito,
" Nandito sa----- " Hindi na natapos ni Esmeralda ang isasagot ng biglang, kumaripas ng takbo ang guwardya papunta sa kanya
" Mam may tao po sa labas iyong mag-asawang bagong trabahador " Hinihingal na sabi nito, napatayo si Esmeralda at agad na lumabas ng bahay, doon nga sa gate ay nakita niya ang dalawa, naka angkla ang kamay ni Anna sa braso ng asawa niya samantalang blangko naman ang ekspresyon ng asawa niya habang nakatingin sa kanya, nakangisi ang babae at nangiinsulto ang tingin nito na animo sinasabing talunan siya at ito ang panalo, lumapit pa siya sa gate upang harapin ang dalawa
" Nakaayos naba ang mga gamit mo? Pwede ka ng umalis sa bahay namin " Si Anna ang nagsalita
" Anong sinasabi mo? " Tanong ni Esmeralda, lalong ngumisi si Anna
" Kinukuha na ng asawa ko ang bahay na ito, umalis kana dito dahil titira na kami dito " Muling sabi ni Anna, napatingin si Esmeralda kay Rian, alam naman niyang hindi legal ang kasal nila dito sa pinas at hindi sila sakop ng conjugal property dipende nalang kung ang lupa na kinatitirikan ng bahay nila ay sa bansa kung saan sila kinasal, hindi kinikilala ng batas sa pilipinas ang kasal nila at lalong walang bisa iyon sa bansang ito, iyon nalang ang natitira kung ang asawa na mismo niya ang kusang magpaalis sa kanya, saka lang niya isusuko ang lugar na ito ang lugar kung saan madaming memorya nila ang nakaukit
" Mahal? " Untag ni Anna kay Rain, doon lang nakakilos ang huli, nagmistula kasi itong nakatitig lang kay Esmeralda ngunit blanko naman ang ekspresyon
" Yeah you need to leave now " Maikling sabi nito, limang salita lang iyon ngunit nagmistulang punyal iyon na tuluyang sumugat sa puso ni Esmeralda, wala na, asawa na mismo niya ang nagsuko ng karapatan niya, ang asawa na niya mismo ang sumuko, ito na mismo ang bumitaw sa pangako nitong siya lang.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
July,20,2020 - 10:15 PM
-LND
BINABASA MO ANG
Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG )
Roman d'amourBagong kabanata sa buhay ni Esmeralda. Dalawang taon matapos siyang iwan ng Asawa niya, madami ng nagbago sa paligid niya ngunit ang nararamdaman niya sa Asawa'y kailanma'y hindi mawawala. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay babalik...