Chapter 21

228 16 3
                                    

Narrator's POV...

Maagang umalis ng masyon si Rain, bago ang lahat may nais siyang malaman natatandaan niya ang reaksyon ni Esmeralda nung dalawin nila ang lolo Gaspar niya, malalim ang iniisip nito ng may hawakan sa bandang ulo ng matanda, malakas ang kutob niyang may nangyareng hindi maganda sa matanda kaya't napakatagal nitong gumising, ilang saglit pa ay nakarating na din siya sa ospital ngunit pagbukas niya sa pintuan ng kwarto nito sa ospital ay wala ng tao roon, nataranta si Rain kaya't agad siyang nagpunta sa nurse station upang magtanong kung bakit wala ang lolo Gaspar niya sa kwarto nito


" Wala naman pong dumadaan dito, kung magigising naman po ang lolo ninyo ay malalaman po namin dahil every 10 mins nag raround po ang mga nurse, I'm sorry sir, iche-check nalang po namin sa cctv at tatawagan po namin agad kayo incase na magkaron kami ng lead " Paliwanag ng isang head nurse na humarap sa kanya kasama ang isang doktor, nanlulumong umalis nalang doon si Rain, baka inilabas na ito ni Anna ngunit bakit wala siyang alam? Sa isang guest room sa manyon siya natulog hindi niya alam kung san natulog ang babae wala siyang pakealam basta naglock siya ng kwarto matapos nilang kumain kagabi, okupado ang isip niya at masyado siyang nag-aalala sa asawa niya, hindi niya maiwasang isipin ang mga bagay na maaaring mangyare at hindi niya kailanman mapapatawad ang sarili niya kung may masamang mangyare dito. Tutal ay gising na gising naman na ang diwa niya ay naisip ni Rain na bisitahin ang Firm na tinayo niya noon, nanlalaki ang mga mata ng lahat ng empleyado ng makita siya, hindi na lamang iyon pinansin ni Rain, dumaretcho siya sa opisina nakita niya doon ang dating sekretarya ng ama, nanlaki din ang mga mata nito, bilib si Rain sa naging resulta ng pamamalakad nito hindi hamak na lumaki pa lalo at nakilala ang bussiness na pinatayo niya, lumapit siya sa upuan nito at nakangiting kinamayan ang kasalukuyang CEO ng firm na tinatag niya

" I'm very impressed, thankyou for taking care of my company " Bungad ni Rain

" Hey! I'm glad nandito ka ngayon, thats mean nakakaalala kana, this firm was founded by your wife Mister, she was good the MGC's Gem  welcome back Hurrain Rence Montenegro " Saad ni Pascual, ngumiti siya rito

" Indeed, she's my Gem, I need to go now, I'll just fix something before Coming back here, take care pascual thank you for everything " Huling sabi ni Rain bago nilisan ang opisina, ngayon naman ay ang asawa na niya ang kailangang kausapin, sana mapatawad at tanggapin parin siya nito sa kabila ng ginawa nito, maingat siyang nakarating sa kotse niya, nasa kalagitnaan na siya ng byahe ng maalala ang dating bahay ng asawa, tama! Iyon nga baka nandon ito, sana sana nandun siya, piping dasal niya, trenta minutong nakalipas narating niya ang mismong bahay sa eastwood, tulad ng dati parang wala itong pinagbago, may nadagdag nga lang na bahay sa kaliwang bahagi nito, pinatay niya ang makina ng sasakyan saka lumabas ng kotse, naglakad siya palapit sa pintuan, natatarantang kumatok siya sa pinto, sampung minuto na ata siyang kumakatok bago niya tinanggap na baka wala doon ang asawa, pumihit na siya patalikod sa pintuan akma na siyang maglalakad pabalik sa kotse ng marinig niyang bumukas ang pinto, agad siyang humarap doon at ganoon nalang ang tuwang naramdaman ni Rain ng makita mismo sa hamba ng pinto ang Maluha-luhang asawa niya, agad niya itong sinugod ng yakap, yakap na sobrang higpit

" I miss you Mon amour, I'm sorry love, I'm sorry, patawarin mo ako, patawad nakalimutan kita, sorry sorry love, Mahal na mahal na mahal kita, sorry sorry sorry love sorry" Paulit-ulit siyang nagmamakaawa at humihingi ng tawad sa asawa, habang si Esmeralda naman ay hindi makapaniwala, Unti-unting gumalaw ang kamay niya at niyakap din ang asawa, hindi naman siya galit, hinding-hindi siya kailanman magagalit, naiintindihan niya ito, maiintindihan niya ito sa kahit anung paraan at dahilan

" Sshhhhh  kahit kailan hindi ako nagalit sayo kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad ang importante nandito ka sa harap ko, kahit huli na naalala mo padin ako, ako ang may kasalanan sayo asawa ko, nakagawa ako ng pagkakamali dahilan ng pagkakalayo nating dalawa, pasesnya kana kung natagalan ako bago ko malaman kung gaano kita kamahal, sorry kasi kinailangan pa nating magkalayo upang maging sigurado ako sa nararamdaman ko noon, patawarin mo ako kasi nasaktan kita, nasaktan natin ang isa't-isa, pero love mahal kita, mahal na mahal kita, hindi man ikaw ang unang taong minahal ko pero ikaw ang huli ikaw na ang huli at hindi na ako magmamahal pa ulit ng iba bukod sayo" Madamdaming sabi ni Esmeralda, pareho na silang hilam sa luha

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon