Chapter 7

9 7 3
                                    

PREM

'Malapit mo na silang makita'

'Malapit mo na silang makita'

'Malapit mo na silang makita'

'Malapit mo na silang makita'

Parang sirang plakang paulit-ulit ang linyang iyon sa utak ko.

'Sinong sila?' pagiisip ko habang hawak hawak ang kwintas ko. Bigay ito sakin ng babae na nasa panaginip ko. Ang nanay ko...

Binigay nya 'to sakin sa aking panaginip tapos pagkagising ko hawak ko na ito. It's a necklace with a triquetra symbol. Di ko alam kung para san 'to pero sabi nya makakatulong daw yon para makita sila na parati nyang sinasabi sakin.

Habang nasa panaginip kami, para talaga kaharap at kausap ko sya ng harapan. Syempre tinanong ko sya kung sya ba talaga ang nanay ko kasi baka may nangti-trip lang na estudyante at nilagyan lang ako ng spell.

Nagkwento naman sya tungkol samin ni dad na parang sinusubaybayan nya kami mula sa isang malayong lugar. She started stating facts about us, yung iba nga ay masyado ng confidential tulad ng paboritong kulay ng underwear ni dad.

Tinanong ko rin sa kanya kung bakit sya nawala dahil nga ang alam ko ay namatay sya sa pagpapanganak sakin na sabi rin ni dad pero ang lagi lang nyang sasabihin ay malalaman ko rin daw ito sa tamang panahon...

Ngunit kailan ba ang tamang panahon na iyon?

"Huy, okay ka lang? Tulala ka na naman" lumingon ako kay Cypress na halata ang pag aalala sa mukha.

Marahan akong tumango. "Yeah, I'm fine".

Imbes na teacher, isang estudyante ang kumatok sa pinto ng classroom. Pinuntahan sya ng class president. "Tawag daw kayo sa faculty, Prem and Cypress" nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka.

Umalis kami at dumiretso sa faculty. Nakita namin don sina Aella at Kai kaharap si Mr. Harry, ang head ng faculty.

"Bakit nyo po kami pinatawag?" tanong ko. Itinaas ni sir ang kanyang eyeglasses sa nose bridge nya.

"Ms. Aella requested na makasama kayo sa isang task. Actually, sinabi nya na hindi daw nya gagawin ang task na ito kung hindi kayo kasama" Napatingin naman kami ni Cyps sa kanya na ngayon ay nakangiti at naka peace-sign pa. Pambihira.

Ang Task ay parang mission but on a lower scale. Since this academy is an independent institution, hindi sila umaasa sa kahit sino man maging sa royal family ni Aella, ang namumunong pamilya ng kahariang ito so ibig sabihin din na busy ang lahat to sustain this school. Simpleng uutasan ka lang nila to do something. Of course, may rewards din ito.

"Ano po ba ang gagawin namin?" si Cypress.

Nagsalita naman si Aella, "Nagkaroon kasi ng problema sa pag-ship ng golden fruit dito sa academy. Since it's their problem and not ours, they requested na bayaran tayo ng factory upang tulungan silang maipadala 'yon dito. It's a win-win situation." Tumango-tango naman kami ni Cypress. Tumingin naman ako kay Kai kung ano ang reaksyon nya pero taimtim lang syang nakatingin sa amin.

"Ano ba yung pabuya?" siniko ko si Cypress. Kahit kailan itong babaeng ito pahamak talaga.

"200 silver coins" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. It's equal to 20,000 pesos! Malaki na ito kung pang-pocket money lang!

"Sama ako!" sagot agad ni Cyps. Napangiwi ako dahil sa babaeng ito.

Sumingit si Kai, "Ano? Sasama ka ba? We don't have all day" sabay irap pa sakin. Bumuntong hininga ako, it's a nice deal naman eh kahit hindi ko pa alam ang gagawin.

Crown of Fire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon