Chapter 6

10 7 3
                                    

Aella

"Sire, nandito na po ang karwahe" sabi ng isang lalaking tagapag-silbi. Bumaling sa kanya si Ridge at tinanguan.

"Magiingat kayo" huling bilin ni Queen Troy.

"We will" saad ni Ridge sa kanyang ina. Muli kaming nag-bow sa kanila at naglakad paalis.

Nandito kami ngayon sa palasyo ng Kahariang Ebenezer, the kingdom of the Troy royal family. 

Sumakay na kami sa karwahe at naglakbay pabalik ng academy na nasa kabilang kaharian pa. Napakapit ako sa damit ko sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa dalawang maliit na bintana ng karwahe.

Kinalabit ko si Kai na nasa pagitan namin ni Ridge. "Kai painitin mo nga yung karwahe, ang lamig eh" sabay haplos sa magkabilang braso.

"Aella, your element is air. Hindi mo pa magawan ng paraan?" He said we a serious and monotone voice. Napasimangot ako.

"Yes, I control the air but altering it's temperature is different" nag puppy eyes ako sa kanya, nagbabakasakali lang. "Hindi na 'yon sakop ng authority ko. Ikaw lang may kaya kasi fire element ka". Umiwas sya ng tingin.

"Fine, but don't do that puppy eyes again. Goodness..."

"Disgusting" sabat ni Ridge with a poker face. Napangiwi ako sa sinabi nya, I leaned forward para matanaw sya.

"Will you just shut up?"

A smirk plastered on his face. "Pikon" sabi nya sabay belat sa'kin.

Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin na lang ulit sa labas. Sa isang kumpas ni Kai, naging warm ang loob ng karwahe.

"Oooohhh, that's nice..." unconsciously, unti unti akong gumalaw paharap at nag slouch na animong gustong humiga sa upuan.

"Princess Aella!" Napaayos agad ako ng upo.

"Sorry..." narinig ko naman ang bungisngis nung isa. Yeah, ganito ako. Medyo makulit at friendly na medyo maldita din. Hindi naman ako magmamaldita kung wala kang ginagawang masama, as easy as that. Kaya nga click kaming tatlo nina Cypress at Prem diba? Oh god, I missed those girls.

Naglakbay kami ng pitong oras at sa wakas nakabalik na kami sa academya.

Time check: 7:49 am

Pumasok ang karwahe at binaba kami sa Dormitory. Of course pagpasok palang namin ilag na ang mga tao at nagsimula na silang maging bubuyog.Hindi naman kami bago sa nakukuha naming atensyon. The three of us are one of the most powerful sorcerers in the four kingdoms, and also have the potential to surpass the power of the Supreme Council.

Walang nagsalita sa elevetor hangga't ito'y nagbukas, nagpaumunang naglakad si Kai, sumunod kami ni Ridge sa kanya at pumunta sa Headmistress's Office. Kumatok kami bago pumasok. Nakaupo ang mistress sa kanyang upuan at tahimik na nakatingin sa pintuan na parang may inaabangan.Lumapit kami sa kanya at bahagyang nagbow. Kahit na mas nakakataas kami kaysa sa kanya, the moment we step foot here in the academy, we should recognize Ms. Muriel as the ruler of her teritory.

"Matagal ko na kayong hinihintay. Please take your seats" kasabay non ay ang paggalaw ng mga upuan sa gilid at humilera sa harap ng lamesa. Umupo naman kami rito.

Ipinatong nya ang kanyang siko sa mesa at pinagsanib ang mga kamay. "How's the mission? Anong balita?"

"Totoo nga ang bali-balita, maraming nawawalang tao sa malayong bayan ng Parma" seryosong saad ni Kai.

Sumingit naman ako. "We investigated but we got no strong answer to tell. Hindi rin alam ng ibang mga taga-roon ang dahilan ng biglang pagkawala nila"

Crown of Fire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon