PREM
Nakaupo ako ngayon sa damuhan habang nakapiring parin at nakatali ang dalawang kamay sa aking likuran.
"Pakawalan nyo 'ko dito! Kapag ako nakawala dito, sasapatusin ko kayong lahat!!" galit na sigaw ko sa kanila. Nakarinig naman ako ng matitinis na halakhak at tinanggal na nila aking piring.
Nasa loob kami ng isang gubat na marahil ang gubat na pumapalibot sa academy, gumamit siguro sila ng teleport pyramid. Doon ko nakita sina Amelia kasama ang kanyang kambal na si Amara. Naroon din ang kanyang mga alagang tikbalang at syokoy kasama narin don syempre si Zalicia. Sa pagkakabilang ko, lima silang lahat.
"Hello my dear. Sorry for the sudden invitation" tumingala ako sa nakangising si Amelia.
"Ano bang problema nyo ha!? Ano bang gusto nyo sakin!? Sabihin nyo para matapos na 'to takte!" galit na sigaw ko sa kanila. Inis na inis na ako sa pinaggagawa nila. At ang nakakatawa ay alam kong ginagawa nila itong lahat dahil kay Kai.
'Magsama kayo mga kupal.'
Natawa silang lahat sa sinabi ko na wala namang nakakatawa. Naglakad papalapit sakin si Zalicia at marahas na hinawakan sa pisngi gamit ng iisang kamay. Hindi naman ako makapalag dahil nakatali parin ang aking mga kamay.
"I hate everything about you Prem. I hate your presence and your face. Lalo na't ikaw ang may kagagawan kung bakit napahamak si Kai sa training room! Well, I'm sorry but we and my sisters have better plans for you" lumayo sya sakin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Or should I ngiting impakta?
Pilit kong tinatanggal ang aking tali and they just happily watched me suffer.
"Sisters, ano bang gagawin natin sa kanya?" Rinig kong tanong nung kasama nilang di ko kilala.
"Paglaruan na muna natin sya. I want to see her suffer and look like an idiot" sabi ni Zalicia, tumango naman si Amelia bilang pagsangayon. Tumingin sya sakin at nanlaki na lang ang mata ko nang ikunuyom niya ang kanyang palad at marahas na binuksan ito. Nagapoy ang kanyang mga palad at itinutok sakin. Kasabay ng paghalakhak nila ay ang pagbulusok ng dalawang bolang apoy papunta sa direksyon ko.
Natigilan na lang ako ng biglang lumutang ang mga droplets mula sa basang lupa at naging dalawang water ball na dumiretso at humarang sa dalawa ring paparating na bolang apoy. As a result, naglikha ito ng water vapor ng ito'y magcollide.
Isa pa yan, nagtataka na talaga ako sa magic ko. I can't control it manually at pabugso-bugso lang sya. It's like meron talaga syang sarili isip!
"Ano ba talagang problema nyo!? Gusto nyo ba akong patayin!? Sabihin nyo lang para makapaghanda ako! Hindi yung bigla bigla na lang kayong susugod!"
Humalagapak sila sa tawa. Naikuyom ko ang palad ko sa inis. Kung biro man 'to hindi na nakakatuwa. Sino matino ang pagiisip na pulbusin ang isang taong walang kalaban-laban at nakatali pa? Siguro kung nahuli lang ako ng isang segundo, tustado na ako ngayon.
"Sorry my dear, the fun is just getting started" nakangising sabi sakin ni Amara. Dahan dahang inangat ng kambal ang kanilang kamay at mula sa lupa, nagpalabas sila ng metal spikes. Sa sobrang bilis ng pangyayari kaya ang nagawa ko na lang ay iharang ang aking kamay at napapikit.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Naduling naman ako kung gaano kalapit sa ang matalim na dulo ng metal sa aking mata. Napaatras ako sa gulat. Nakatusok ito sa isang pader na hindi ko kagagawan dahil gawa ito sa yelo. Napangiti ako sa taong pumasok sa isip ko.
"Elsa's here" napalingon ako sa aking likod at doon ko nakita si Cypress, her natural sky blue hair is shining because of the moonlight. Dali-dali nya naman akong tinulungan. Ang mga tingin nya sakin ay nang aasar na tila kailangan ko pa ng tulong nya at utang ko sa kanyang ang aking buhay.
BINABASA MO ANG
Crown of Fire [ON-HOLD]
FantastikMay tanong ako sayo... Lubusan mo na bang kilala ang iyong sarili? Ang iyong buong pagkatao ? Kilalang kilala mo na rin ba ang mga taong nakapaligid sayo? Ang mga mahal mo sa buhay? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko lubos maisip na ganito pala ako. Es...