PREM
Sadly, nandito kami ngayon ulit training room. But the happy part is ngayon ang unang beses namin na gagamitin ang aming kapangyarihan. First day of waterbending, orayt! Kung alam nyo lang, ako ang Avatar okay? And syempre kailangan ko ng training para mailigtas ang mundo. Joke.
Nagbilangan kami ng 1 to 3 dahil hahatiin ni sir ang klase sa tatlong grupo.
"All groups, please fall in line in three lines. Siguraduhing malaki ang pagitan ng bawat grupo" utos ni sir. Sumunod naman kami. Nasa ikalawang pila ako, group 2 at si Cyps naman ay unfortunately nasa ikatlong pila, group 3.
Napatingin na lang kami sa pintuan ng bigla itong pumasok. Why are they doing here? Anong gagawin nila rito?
"Everyone, sila ang magtetraining sa inyo ngayon" nanlaki ang mga mata namin. "Well, its training for the both parties" ngumisi si sir sa kanila. Napasinghal ang dalawang lalaki at napanguso. And as usual, yung isa naman ay napairap sa ere. Yes, aminado ako na kaibigan ko sya (ata) at ang masasabi ko lang ay mabait naman sya. Ang kaso nga lang tulad ng mga kasama nya, she lacks of control and patience. Haha.
Haay, si Aella talaga, oo.
Yes, you heard it right. They're here, the three of them.
"So, what will you do?" walang ganang sabi nya kay sir. Jusko mars. Malala na talaga sya. Sa pagkakarinig ko kasi, their royalty power disappears kapag tumuntong na sila sa academya. In short, kaya syang patalsikin ni sir sa academy kahit na prinsesa sya.
Napatawa ng mahina si sir. "I'll watch you" he sarcastically smiled. Napataas naman ng kilay si Aella. Di ko talaga makuha kung bakit ang bait nito sa unang encounter namin. Weird...
"Enough with this conversation. Go to your assigned groups" so yun na nga. Si Kai ang assigned sa grupo namin. Orayt.
Parang binagsakan ng langit at lupa ang mga mukha namin. Literal.
May lumitaw naman sa harap na tatlong dummy for each group. Hindi na sya hologram, it's made out of hay. Yung katulad sa naruto ba 'yon kapag nagtetraining sila. Hindi ko naman makita yung para sa amin kasi nga nasa gitna ako ng pila.
"Use your magic para patamaan ang dummy. Don't worry madali lang ang unang release nyo ng inyong kapangyarihan at saka nandyan naman silang tatlo to assist you" sabi ni sir habang nagiikot-ikot sa kwarto.
Lumipas ang ilang minuto, tinagurian na kaming pinakamaingay na grupo specifically, si Kai. G na G si mars. Galit na galit pre.
"Halos mag limang minuto ka na dito ah?" inis na sabi nya sa estudyanteng nasa harap ko habang hinihilot ang sintindo. Ilang sigaw pa ang inabot nito bago magpakawala ng isang kidlat.
"Hindi ka makakatagal dito kung ganyan ka ka-distracted. I know how to distinguish a weak person to a strong one, and I think your near to that title." masungit na sabi nya habang nagsusulat sa isang papel. Sinusulat ata yung time kung kailan natapos. "Next!"
Tumayo ako at pumunta malapit sa kanya. Nakita ko pa syang ngumisi. Tsk.
"Speaking of failure..." napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Excuse me?
"Anong sinabi-"
"Start!"
Humigop na lang ako ng hangin para kumalma ang ang aking sistema. Para narin sa benefit nya, baka masapok ko ng wala sa oras.
May lumitaw na bagong dummy at maliit na water reservoir na gagamitin ko. Ginaya ko yung mga nakita ko sa mga kaklase ko na itinutok nila yung kamay nila dun sa dummy.
BINABASA MO ANG
Crown of Fire [ON-HOLD]
FantasyMay tanong ako sayo... Lubusan mo na bang kilala ang iyong sarili? Ang iyong buong pagkatao ? Kilalang kilala mo na rin ba ang mga taong nakapaligid sayo? Ang mga mahal mo sa buhay? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko lubos maisip na ganito pala ako. Es...