'Don't waste your time, Prem! Umalis ka na!" narinig ko ang sigaw ni Kai na kasalukuyang nakikipaglaban sa isang lalaki. Nag-aapoy ang kanyang mga kamay na alam kong mapapaso ka kapag hinawakan mo.
"Tutulong ako-"
Natigilan ako ng biglang may humablot sa kamay ko, "Walang ng oras, Prem! Ikaw ang target nila!" nagmamadaling sabi ni Cypress bago ako hinatak papaalis.
"Teka, sina Kai, baka may mangyari sa kani-"
"Hoy, ano ka ba! Mga prinsesa't prinsipe iyang mga 'yan. Kuto lang ang mga 'yan sa kanila"
Aangal pa sana ako pero hinatak niya na ako muli at tumakbo. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Ang dami ko ng problema. Yung magic ko, yung nanay ko, at maging pagkatao ko. Tapos ngayon gusto ako kunin ng kung sinong mga masasamang loob?
"Saan kayo pupunta?" natigil kami sa pagtakbo ng may lumitaw na babae sa harapan namin.
Dali-dali akong hinatak ni Cypress at itinago sa likod niya. "Edi aalis, tanga ka ba? Di ba obvious?"
"Ibigay mo siya sa'kin at hindi kita sasaktan"
"Ganito na lang. Ikaw ang tumabi at hindi kita sasaktan" banat pa ni Cyps. Nang-iinis pa 'tong babaeng 'to.
Narinig kong tumawa ang babae, "Maiksi lang ang pasensya ko, bata"
"Edi mas lalo pa nating paiksiin, gurang"
'Umalis na lang tayo Cypress!'
Agad kong nakita ang itim na enerhiya ang bumalot sa babae. Itim na awra. Naglitawan ang maraming mga bola na gawa sa itim na enerhiya sa paligid ng babae.
"For the last time, ibigay mo sa akin ang babae na 'yan"
Hindi siya sinagot nito sa halip ay binitawan ako ni Cypress and entered her fighting stance.
"The decision is yours" dagdag ng kalabang babae. Pagkatapos niya sabihin iyon ay bumulusok papunta sa amin ang mga bolang itim.
Nataranta ako bigla, "Cypress!" pagtawag ko sa kanya ngunit hindi siya tumugon.
Napabaling ako sa mga kamay niya na tila umuusok sa sobrang lamig. Itinaas niya ang kanyang kamay sa paparating na atake sabay sabing, "Congelo!"
Lumabas ang makapal na usok sa kanyang mga kamay. Nang makalapit ang itim na mga bola sa usok ay agad na nagyelo ang mga ito at bumagsak sa lupa.
Bigla naman akong napasigaw nang may humawak sa kamay ko na isang kalaban, "Sumama ka sa'kin!"
Nagpumiglas ako, "Bitawan mo ako!"
Pagkasabi ko no'n ay may isang kamay na gawa sa tubig ang sumakal sa kanya at hinatak siya patalikod.
Bumaling ulit ako ay Cypress na nagawang talunin ang babae. Nakahandusay na ito sa sahig at ang buong katawan ay nababalutan ng yelo. Muli ako nitong hinatak.
"Hindi sila biro, Prem. Malalakas sila, delikado ka dito"
Gumala ang paningin ko habang tumatakbo kami papunta doon sa hallway. Parang digmaan ang nagaganap sa arena. Samu't saring kapangyarihan at mga atake ang lumalabas sa mga kasamahan ko. Ang mga kalaban naman ay tulo'y lang sa pag-atake gamit ang kanilang itim na kapangyarihan.
Maraming gustong prumotekta sa'kin kahit na hindi ko alam kung ano ang gusto nila sa akin. Ang magagawa ko lang ngayon ay tumakbo.
'Hindi ko sasayangin ang oras na ibinibigay nila sa akin'
Hindi namin magagamit ang aming teleportation pyramid sa loob ng arena dahil may nilagay silang restriction spell doon.
Nang marating namin ang hallway ay agad na ginamit ni Cypress ang pyramid, "Teleport Pyramid, Magia Academy!"
Lumitaw ang magic circle sa aming mga paa at ilang sandali lang ay nilamon na kami ng liwanag.
CROWN OF FIRE by MARAHUYO
* * *
The tale that tells you that your uniqueness is your power...
A/N: Credits po sa mga kaibigan ko na tumulong sakin. Kilala nyo naman ang sarili nyo. Sorry din advance kung may typo sa mga chapters.
Hindi perpekto ang librong ito kung kaya't tumatanggap ang awtor ng mga constructive criticism.
DISCLAIMERS:
1. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
2. Ang mga makikitang larawan sa librong ito ay hindi ko pagmamay-ari kung kaya't binibigay ko ang credits sa mga tunay na nagmamay-ari nito.
BINABASA MO ANG
Crown of Fire [ON-HOLD]
FantasyMay tanong ako sayo... Lubusan mo na bang kilala ang iyong sarili? Ang iyong buong pagkatao ? Kilalang kilala mo na rin ba ang mga taong nakapaligid sayo? Ang mga mahal mo sa buhay? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko lubos maisip na ganito pala ako. Es...