Chapter 1

58 8 7
                                    

PREM

"Dad! It's been 2 hours! Malapit naba tayo sa pupuntahan?" nababagot kong sabi. Hindi naman sya tumigin pero ngumiti sya. Alas-dos kami umalis ng bahay at alas-kwatro na ng hapon nasa daan parin kami.

"Mageenjoy ka don anak..." bumuntong-hininga ako at napatingin sa labas. Nasa isang village kami ngayon sa gitna ng kagubatan. Yes, isang village sa gitna ng gubat. A freaking ghost town.

"Are you sure na dito nyo ako ipapaenroll?" nagdadalawang isip na tanong ko

"Hindi dito."

"Eh saan nga? Natatakot nako dad!" tumawa nalang si dad at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Sino ba namang hindi matatakot! Baka kasi mga nangangain ng tao yung mga nakatira dito or worse, hindi mga tao kundi mga multo at aswang!

Alog ng alog yung sasakyan dahil sa mga malalaki't maliliit na bato na nadadaanan namin. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang abandoned mansion.

"Dad bawal ata tayo dito" doon kasi sa gate may DO NOT ENTER na nakakabit dito. Hindi ako sinagot ni dadat diretso lang na pumasok. Wala kaming dalang bag o kung ano. Sabi ni dad ay bring yourself lang daw.

Maalikabok at madilim sa loob. May telang nakatakip sa mga bintana pero may ilang hibla ng liwanag ang pumapasok sa mga butas ng kisame o sa mga crack sa pader. Kapansin-pansin din sa gitna ang dalawang hagdan na pakurba papuntang ikalawang palapag. Nakarinig ako bigla langitngit ng pinto kaya napatakbo ako kay dad.

"Ano bang ginagawa natin dito?" inis na sabi sa kanya. "Hindi ako na inform na ghost hunting pala ang gagawin natin!"

Natawa lang sya at diretso lang na umakyat sa hagdan. Kada apak mo ay makakarinig ka ng langitngit mula sa hagdan. Umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Napakapit ako kay Dad. Paano nya ba nalaman 'tong lugar nato?

May mga nakafurniture na nakatakip ng puting tela. Merong mga lamps na balot sa alikabok at spider webs.

"Dad akala ko ba mageenjoy ako? Kinikalabutan nako eh!" sabi ko sabay yakap sa sarili ko habang palinga-linga sa paligid. Baka kasi may mag jumpscare sakin na multo dito. Pumasok sya sa isang kwarto. Isa itong bedroom. Tumigil sya sa puting tela sa pader na mukhang may pinagtatakpan ito. Tinanggal nya ang puting tela kasabay non ay ang pagsabog ng alikabok sa mukha ko.

Napaubo ako ng malanghap ang alikabok at umiwas ng tingin. Pinaypayan ko pa ang harapan ng mukha ko para hawiin ang alikabok sa ere. Tumingin ako sa harap at tumambad sakin ang isang whole body mirror.

"Ano dad? Ito lang ba ang pinunta natin dito? Itong salamin? Bakit nyo pa ako pinagdala ng gamit kung ito lang pala ang pinunta natin dito?" inis na sunod sunod kong tanong sa kanya. 

"Matagal na kita hindi nasisilayan..." mahinang sabi nya ngunit narinig ko parin. Napangiwi na lang ako. 

"Dad, ano na!?"

"Ipikit mo ang mga mata mo" bigla nyang sabi. Nagtaka naman ako.

"Ayaw ko nga, baka takasan nyo ko eh!"

"Sundin mo na lang ako" aangal pa sana ako't sabihin na umalis na lang ngunit seryoso syang nakatingin sakin kaya wala na akong nagawa kundi bumuntong-hininga at sumunod sa kanya. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga salitang hindi ko maintindihan.

"Aperi alia porta ad mundum"

A/N: It's latin. Translate it in google to know the meaning hehehe...

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko. Humakbang kami pasulong. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni dad at para bang pinagtitripan lang ako. Ngunit may kung ano sa loob ko na tila iba ang sinasabi.

Crown of Fire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon