KAI
~FLASHBACK~
Nagsalubong ang kilay ni Ridge, "What did you say?" hindi siya makapaniwala.
Narito kami ngayon sa meeting room with the headmistress with all the professors. 3 professors in each division, so 9 silang lahat. Idagdag kami and the headmistress, the council would be 13 in total. We are actually the representative of the students that's why we're here.
Narinig kong bumuntong hininga siya, "Yes, it's true. Nabuo na ulit ang Penumbra"
Sumingit si Aella, "But that's impossible! Matagal nang nabuwag ang grupong iyon!"
Tumikhim si Sir Trevor kaya't napalingon kami sa kanya, "That's the case, Aella. Bakit ngayon lamang nila naisipang bumalik after all those years? Hindi ba kayo nagtataka?"
Napahinto kami saglit. He's right, 5 years ago pa sila nabuwag. Bakit ngayon pa nila naisip ito? And if they will eventually be united again, why would they even think of the group's separation in the first place? Ano 'yon, para mamahinga? Tsk.
Penumbra is a rebel group that practices forbidden magic. And you already probably know the consequences of that right? Puro problema ang dinadala nila sa mga bayang pinapasok nila. They hate the monarchy, that's why. Lalo na ang Supreme Council. Well, I hate them also pero mukhang mas malalim ang galit nila.
A suspicion came into my mind, "Kung mabubuo ulit ang Penumbra, I suspect that it's already been planned, starting in their group's separation"
Nagbulungan ang paligid."Hindi naman natin ma-assasinate ang kanilang leader dahil napakailap niya sa publiko and we have found no clues where his hideout is. We don't even know kung lalaki nga ang leader nila"
"What are you pointing out then, Mr. Grey?" tanong sa'kin ng isang babaeng propesor.
Muntik nang mapataas ang aking kilay sa narinig. It's actually my first time to be called by my last name. It's quite weird for me but I shrugged it off and continued.
"What I mean is, nasa perpektong kondisyon ang grupo nila dati. Safe ang lider nila and I doubt na madali siyang matatalo o mamamatay. And if what I said is true, then why the hell would they separate ways? Paniguradong may plano nga sila sa umpisa palang"
I looked around and saw agreeing faces.
Sumingit si Aella, "Tama si Kai. Maaring ginamit nila ang nakaraang mga panahon para ipulido ang plano nila or they deceived us from the start na nabuag daw sila para hindi na natin sila pansinin and they would have the enough time and freedom to train harder." nakita ko pa siya umirap. "Gosh! They're basically toying us right now!"
Nagulat naman kami sa susunod na sinabi ni Ridge. "I have received an update from my father yesterday that they found a witness about the disappearance of the people of Parma""Sinabi ng witness na ang mga kumukha sa mga tao roon ay isang malaking lalaki na may kapangyarihang maging usok. Sinuwerte lang tayo na may nakita siyang kakaiba doon sa lalaki"
"And what is that?" taas-kilay na tanong ni Muriel.
"The suspect was wearing a black robe with a crescent symbol at the back..." Tinignan niya kami isa-isa ng mariin. "The symbol of Penumbra"
Napabuga ako ng hangin. I'm right what I said a while ago. They are already on the move.
"Wait a minute," sumingit si Aella. "Sinabi mo bang may kapangyarihan siyang maging usok? That spell can only be done by--" bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay sumingit na si Ridge.
"Yes, that spell can only be done by an Advanced Air Sorcerer. Mukhang tama nga ang sinabi mo kanina Aella. Mas malakas na sila ngayon kumpara dati at mukhang nakahanap na sila ng mga kakampi."
BINABASA MO ANG
Crown of Fire [ON-HOLD]
FantasyMay tanong ako sayo... Lubusan mo na bang kilala ang iyong sarili? Ang iyong buong pagkatao ? Kilalang kilala mo na rin ba ang mga taong nakapaligid sayo? Ang mga mahal mo sa buhay? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko lubos maisip na ganito pala ako. Es...