PREM
Dumaan ang mga araw at sumakit yung buong katawan ko dahil sa pagpapatakbo samin ni sir Chris. Sya daw kasi yung physical at magic trainer namin. Halos di na kami bumangon ni Cypress sa higaan sa sobrang sakit ng likod at mga binti namin. Pero pinilit parin naming pumasok for the sake of learning and grades.
Kasalukuyan kaming nasa potion room with Sir Trevor, sya rin yung nag-host nung nakaraang trial. May salamin ito na medyo terror din pero kaya pa naman. Gumagawa kami ngayon ng healing potion dahil basic lang daw ito. Nakatayo kaming lahat kaharap ang kanya-kanyang mga pots.
"Ilagay ang green rose petal" sabi ni sir habang nagiikot-ikot. Kinuha ko ito at inihulog sa kumukulong tubig then suddenly a green gas appeared and the water changed to green. "Next ilagay ang butterfly wings at yung gold fruit extract then stir." Inilagay ko yung dalawa at nagrelease ito ng red and yellow gas.
"Put your hand over it and cast the spell to activate the potion"
Tumingin ako sa libro at sinabi ang mga salita.
"Augere quod imperium!" nasilaw ako dahil sa paagliwanag ng potion. Nawala ang mga may-kulay na gas at ang potion ay naging puti.
Naglabas si sir ng thermometer pero imbis na numero, red at green ang makikita mo.
"Failed" pula ang lumabas sa thermometer. Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Iba't iba ang kulay na nirerelease ng pot nila. May red, violet at green. Yung iba nga ay black pa.
"Puro kapalpakan ang ginawa nyo" mariin na sabi nya at saka lumipat sa harap ko. Nilagay nya yung thermometer na ewan ko kung ano ang tawag sa aking potion. Pinagpapawisan yung kamay ko sa kaba. Kung hindi nyo natatanong, nasa section 1 ako sa dating school kaya medyo grade conscious ako.
"Very good Ms. Prem" may nilabas syang kutsara at uminom ng potion. "Oh, that felt good" ngumiti sya sakin at pumunta sa harapan. Its Cypress turn and it turned out successful as well. Nag-apir kami ni Cypress ng patago sa ilalim.
"Ang iba sa inyo ay nasobrahan sa pag stir, yung iba naman ay hindi ko alam kung bakit sobra sobra ang inilagay na ingredients. Yung iba naman ay mali ang pronunciation sa spell dahil sa hindi ko malamang accent" sabi ni sir.
"Sa susunod na meeting ay gagawa naman tayo ng vision potion kaya dumiretso na kayo agad dito. Class dismiss" naglipit kami ng gamit at naglakad papuntang dining hall dahil break na.
"Nakakagutom yung ginawa natin" sabi ko. Napatawa naman sya.
"Gutom ka naman lagi eh. Ano nga ulit yung susunod na klase?" tanong ko.
"Si sir Chris, training daw ulit" tumango naman ako.
Kasalukuyan kaming kumakain ni Cypress. Kokonti lang ang mga nandito siguro mga sampu lang kaming lahat. Bumukas yung pintuan at may tatlong estudyanteng pumasok at umupo sa lamesang katapat namin. Mga taga-Xecter sila base sa kanilang uniporme ngunit kapansinpansin ang golden crest logo ng academy na nakakabit sa kanilang blazer.
"Pst. Sino yung mga 'yon?" tanong ko kay Cyps.
"Royalties"
"Royalties? Meron non dito?"
"Mm. Yun yung naririnig ko sa iba. Masusungit daw yang mga yan---" naputol sya ng may palad na humampas sa table
"I don't like talking about us behind our back" sabi ng lalaking nakalapag ang palad nya sa mesa at galit na tinitigan kami. He has the looks at maganda rin ang pangangatawan.
I feel this dark aura oozing from his body. Mukhang pinaglihi ito sa galit at sama ng loob.
"Kai ano ba!" Nakita ko namang sinaway sya nung kasamahan nila babae.

BINABASA MO ANG
Crown of Fire [ON-HOLD]
FantasiMay tanong ako sayo... Lubusan mo na bang kilala ang iyong sarili? Ang iyong buong pagkatao ? Kilalang kilala mo na rin ba ang mga taong nakapaligid sayo? Ang mga mahal mo sa buhay? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko lubos maisip na ganito pala ako. Es...