Chapter 9

13 7 0
                                    

PREM

Masaya akong gumising ngayong araw. It's foundation week!! Ang saya lang kasi pwede kaming magsuot ng civilian ngayon pero may pin kaming ilalagay para madistinguish yung mga estudyante sa publikong papasok. Ang pin namin is kulay green na may nakasulat na 'Primaria'. Kasama rin sa suot ko yung kwintas na binigay ng nanay ko. Hindi ko na nga ata ito hinuhubad eh.

At tulad nga ng sabi ni Sir Chris, walang pasok ngayon ang mga studyante at mga teacher. Talagang susulitin lang ang buong week for fun and making friends. Excited na talaga ang lahat sa linggong ito. Nang lumabas kami sa aming dorm room ay bumugad sa 'min ang mga makukulay banderitas na nakasabit sa makabilang gilid ng hallway.

'Paniguradong they used magic para magawa 'to lahat'

Nagkalat ang mga estudyante, binubulabog at sinusundo ang kanilang mga kaibigan na nasa ibang dorm na unfortunately hindi nila ka-dorm mate. Natigilan kami ni Cyps nang lumabas kami sa dormitory.

Bumungad sa amin ang open-space na ganoon din ang set-up. Ang statue sa fountain ang ginawang pinakasentro ng mga banderitas, extending to the tall lamps. Ngunit ang talagang nagpagulat sa 'min is yung mga samu't sari booths and food stalls! Punong-puno yung buong square!

Bago pa kami mambulabog ng stalls, naalala namin yung instruction na pumunta sa Auditorium for reminders. Ang hindi dumating agad sa takdang oras at makitang lumalamon na ay i-lolockdown daw sa dorm. Nope, not gonna happen.

Paglalakad namin ay halos hindi na kami maka-abante dahil sa mabagong aroma na nanunuot sa hangin. Naghahanda na sila para sa pagdagsa ng mga tao mamaya. Sa wakas naman ay nakapasok kami sa building. Naghanap kami ng pwesto at doon umupo. Ilang sandali pa ay napuno na ang buong auditorium.

"Good morning students to our 62nd Founding week! Are you excited?!" pagsasalita ni Headmistress Muriel. Kahit na headmistress na ay hindi pa 'rin maikakailang fresh na fresh parin ang itsura nito. Sa pagkakarinig ko nga na halos magkasing edad sila ni Dad.

Sumigaw ang lahat.

"Yeees!!!!"

"Excited na kami!!!!!!"

"Wooooohhh!!!!!"

"Tapusin na natin 'to para makalamon na kami!!!!"

Humalagapak kami sa tawa dahil sa narinig. Hayup na 'yan haha!

"Parang hindi ka pa kunteto sa mga hinahanda sa dining hall ah?" natatawang biro pa ni headmistress at napailing na lang. "Anyways, let's continue para makakain na ang isang 'yon. Let's discuss some reminders lang. Una, Alam niyo naman na siguro na may restriction spell ang nakapalibot sa buong academy para hindi kayo makalabas hindi ba? You can only go out with my permission. Pangalawa, take extreme care of your pins kasi yan ang maghihiwalay sa inyo sa mga taong dadagsa mamaya. Ang mawalan ng pins ay may minus points in all subjects. Pangatlo, ay ang mag-enjoy. Klaro ba tayo, my dear sorcerers and sorceresses?" tumugon naman kami ng 'opo'.

"Very well, you may leave now and enjoy the rest of the day. I'll be watching from afar, students. Goodbye" nagbow pa siya ng kaunti pagkatapos. Tumayo kami lahat at nagbow pabalik at doon na nga nagtapos ang napakaikling program. Lumabas na nga kaming lahat and as if on cue, kita mula rito ang pagbukas din ng napakataas na main gate at doon na nga nagsipasok ang iba't ibang tao. Mula rin sa speakers na nagkalat sa buong academy ay nagsimula narin magpatugtog ng masiglang festival music.

Nagkatinginan kami ni Cypress at sumigaw dahil sa excitement, "Wah!!!" sabay takbo sa mga stalls. 

Buti na lang at may allowance na binibigay ang academy kasi mukhang ngayong mauubos lahat ng inipon ko kasama na yung mga rewards na nakuha namin sa aming mga tasks.

Crown of Fire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon