Chapter 2

33 8 9
                                    

3rd Person

Bumaba na si Prem at pumunta sa gitna ng bilog. Naramdam nito ang kakaibang pwersa na nagmumula sa paligid. Nagaantay lang sya ng komento ng lalaking propesor ng biglang mag-init ang kanyang katawan.

Napaluhod sya sa sakit. Ang lalaking propesor ay nagsimula na ring magalala. Nagulat na lang sila ng magsimula itong magsisigaw. Palakas ng palakas ang sigaw nito, nakakapagpataas ng balahibo. It really shows that the girl is experiencing excruciating pain.

"Tulong! Aaaahhh! Ang init!!!!!" pagmamakaawa nya ngunit nasa state of shock pa ang lahat. Parang may apoy sa loob ng kanyang katawan na patuloy na lumalaki. Pakiramdam nya ay niluluto sya ng buhay.

Tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Cypress, "Itigil nyo na!" maging sya ay nagaalala na rin para sa kanyang kaibigan.

Nagising sa reyalidad ang professor at akma nya nang aalisin ito sa bilog ng biglang umilaw ang magic circle na kinaroroonan ng dalaga kasama ang pagliwanag din iba't ibang kulay ng walong bola.

"Pakiusap! Tulong!!!! Ahhhhh!!!!" Kasabay ng pagsigaw ni Prem ay ang pagkabasag ng mga bola. Naglikha ito ng malakas na shockwave na nagpatalsik sa mga nakatayong propesor malapit rito. Ang mga nakaupo naman ay napasandal sa kanilang kinauupan.

Bumagsak ang dalaga sa sahig. Dali-dali naman syang tinulungan ng mga staff at dinala sa clinic. Napansin nila na may isang bola ang natira. "P-Prem Savior, Water Wielder!" nauutal na sabi ng propesor. Sa tanang ng buhay nito, ngayon lang nya nasaksihan ang ganitong pangyayari. O kaya nama'y ngayon lang talaga ito nangyari...

Nagpatuloy ang trial dahil kailangan. Pagkatapos ng trials, pinadiretso sa dorms and mga specials at pinauwi ang mga oridinary upang pumasok sa mga ordinaryong paaralan. Tumakbo papalapit si Cypress sa babaeng propesor kung saan dinala ang kaibigan nito.

"Saan dinala si Prem!? Pwede ko po ba syang sundan!?" dirediretsong tanong nito. Nag-alinlangan ang propesor ngunit alam naman nyang dala lang ito ng pagaalala at isa pa kaibigan nya ito. Sabay silang pumunta sa clinic upang malaman ang kalagayan ng kawawang dalaga.

~
PREM

I opened my eyes and squinted it dahil sa pagkasilaw. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko si Cypress na nakaupo sa tabi ko. Nakahiga ang ulo nya sa kama at nakapikit.

Sinubukan kong bumangon at nagising sya dahil doon. "Jusko, Prem!" sabi nya sabay yakap sakin. Napangiti naman ako ng bahagya dahil hindi pa man kami masyadong maraming pinagsamahan ay ganon na ang concern nito.

"Kamusta ka? May nararamdaman ka bang masakit? Teka, tatawagin ko lang si doc" bago pa sya makatayo ay hinawakan ko na ang kamay nito.

"No need. Ano nga pala ang nangyari?" nanigas na lang ako ng maalala ko yung sakit na naramdaman ko kanina. It's too hot and extreme.

"Bakit ganon na lang ang nangyari sakin Cyps?" tanong ko sa kanya.

"Uhm... Normal lang daw 'yon sabi nung ibang professor. Sabi kasi nila na nahihirapan yung mga bola na ma-detect yung kapangyarihan mo kaya pinilit nitong makita ito kaya ganon na lang ang nangyari sayo." sabi nya. Medyo weird at unsure sya pero hindi ko na lang pinansin.

"Wag ka na mag-alala at malakas ka! Grabe ka nga at halos mag whistle note ka kanina" natatawa nyang sabi. Napailing na lang ako. May pumasok sa cubicle namin, isang doctor ata.

"I'm Doc Marcus. Kamusta ka Prem? How's your feeling?" tanong sa akin.

"Okay na po ako. Salamat" napatingin ako kay Cypress. Para syang baliw na nakangiti at nakatitig lang kay doc. Mukhang napansin naman ito ni doc at tumikhim na nagpabalik sa ulirat ng kaibigan ko.

Crown of Fire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon