Chapter 11

6 4 1
                                    

PREM

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at bumangon sa pagkakahiga. Nilibot ko ang pangingin ko at napagtantong nasa clinic ako.

"Ang tagal mong magising" hinawi ni Cypress ang kurtina ng cubicle at pumasok.

Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo masakit pa. "Ano bang nangyari?"

"Dinala tayo ng mga clinic staff dito kahapon after the match. Nandito pa rin nga yung ibang mga contestant"

Pilit kong inalala ang nangyari kahapon...

"Mga kaibigan! Isang napakalakas na atake ang ginawa ni Ms. Cypress doon! Dahil sa mahikang ginawa niya ay maraming parties ang bumagsak ng isang pitik! Ladies and gentlemen! May I present to you our Top 8!"

Shet! Pabalikwas akong napatingin kay Cyps, "Omaygad, nanalo tayo?"

Ngumiti siya ng malawak sa 'kin, "Kyah!!! Oo bes!!!"

Dahil sa sobrang saya na naramdaman namin bumangon ako at nagyakapan kami habang nagtatalon. Nasa Top 8 kami!!

Ako na yung kumalas sa yakapan, "Teka, asan si Shin?"

Sakto namang may pumasok sa cubicle ko. "Wazzup!"

"Shin! Panalo tayo!! Ganito pala pakiramdam na nanalo sa isang contest lalo na't labanan pa. Haha!" sobra saya kong sabi. Ang worth it lang kasi na lahat ng sakit na naramdaman namin doon sa match ay ang kapalit nito ay ang pagpasok namin sa Top 8.

"Hindi naman halatang masaya ka? Anyway, maayos na ba ang pakiramdam nyo? Wala na bang masakit sa inyong dalawa?"

"Mukhang ayos naman na kami. Ikaw dapat ang tinatanong nyan kasi ikaw yung napuruhan. Grabe yung Janina na 'yon! Sapul sa mukha mo yung dalawang fireball!"

Napaismid si Shin, "So you're worried for me?"

Nagulat si Cypress pero agad naman bumalik ang kaninang posture, "Of course, we're a team. Syempre, may pakielam naman ako sa mga teammate ko 'no?"

Sasagot pa sana siya nang may humawi sa kurtina. May dalawang lalaki at isang babae ang aming nakita.

'Diba sila yung huli na nakalaban namin? Sina Janina, Ash, at Harley ba 'yon?'

"Hello sa inyo," bati sa'min ni Janina. "Kamusta kayo?"

Si Cypress na ang sumagot, "Ayos naman na kami. Kayo?"

"Pagaling na," sagot nung gray na buhok na Adrian ang pangalan. Siya rin yung sinikmuraan ako kahapon. Pisting yawa siya. "Masyado kasi kayong malakas"

"Ikaw pa talaga yung nagsalita, ah" singit ko naman. Napatawa kami ng bahagya. Buong akala ko na magsusungit na naman sila sa'min pero mukhang mababait naman sila.

"Anyway, gusto lang naman namin na humingi ng tawad sa inyo" paghihingi ng paumanhin ng lalaki. Napatingin naman silang dalawa sa sahig na parang mga batang pinapagalitan ng magulang.

Bahagyang tumagilid ang ulo ni Cypress na may nagtatakang ekspresyon. "Bakit naman kayo nagso-sorry?"

Nagsalita si Janina, "Mukhang napasobra kami ng kapatid ko kahapon. Pasensya na." Bumaling ang kanyang tingin kay Shin, "Lalo na sayo..."

Kita naman sa mukha nila ang sinseridad pero ang nakakapagtaka lang ay bakit sila humihingi ng tawad? Ganoon naman talaga ang labanan hindi ba? Lahat tayo ay gustong manalo, yun nga lang darating pa rin ang pagkakataon ng hatol. Hatol kung sino ang matatalo at kung sino ang mananalo. The decision maker is our will to fight. At dahil doon, syempre kailangang lumaban at hindi maiiwasang magkasakitan talaga.

Crown of Fire [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon