A/N: Reminder nga pala, yung mga Latin translations dito ay hindi accurate kasi nga Google Translator lang ang gamit ko. Sorry hehe.
~
PREM
Sa pagdaan ng mga araw, hindi ko napansin na dalawang buwan na pala simula nang makarating ako sa Magia Academy. A week na rin ang nakalipas nang mangyari yung insidente tungkol dun sa golden fruit.
~FLASHBACK ~
After the incident...
"Damn it, Prem! Bakit ka ba agad sumugod do'n!?" I flinched nang mapahampas siya sa lamesa sa sobrang galit. Nandito kami ngayon nina Cypress, Aella, at Kai sa dorm house nila. Pinalabas naman si Ridge kasi hindi raw siya kasama sa usapan.
"I'm sorry, h-hindi ko na uuli-"
"Talagang hindi mo na uulitin!! Paano kung napuruhan ka nung matanda kung hindi ako dumating agad!? Kami ni Aella ang mananagot!!" nanlilisik ang mata niya sa galit.
Hindi ko na napigilang tumayo sa kinauupuan ko at sumagot, "Hindi naman ako napahamak ah! Anong kinapuputok ng butchi mo dyan!? Kaya ko ang sarili ko!"
Napabuga sya ng hangin, "Ha! Kaya mo ang sarili mo?! Paano!? Eh nung dumating ako halos pumanaw na ang ulirat mo! Sige, paano na lang kung may kapangyarihan yung matanda?"
"May kapangyarihan rin naman ako ah!? Bakit ka ba puro paano kung, paano kung!?" inis ko na ring saad.
Natawa naman siya at ngumisi ng nakakaasar sa 'kin, "With that unusable power? Seriously? You're basically useless right now!"
"Kai!" rinig kong suway ni Aella at Cyps.
Nagsalubong ang kilay ko, "Excuse me!? Iniinsulto mo ba ako!? Hoy, Kai! Hindi porket prinsipe ka dito sa mundo niyo, may karapatan ka nang maliitin ako!"
Napabuntong-hininga siya at nagsalita nang malumanay, "Hindi 'yon ang punto ko-"
"Pwes! Kung hindi iyon ang punto mo, ayus-ayusin mo ang sinasabi mo!!" hindi ko na nakayanan ang tensyon sa kwarto at umalis na lang. Rinig kong tinawag ako ni Aella at Cypress pero hindi na ako lumingon pa.
~END OF FLASHBACK~
Nakalimutan ko nang magpasalamat sa kanya sa pagligtas dahil sa nangyari.
'Bahala siya sa buhay niya!'
Bumalik naman ako sa reyalidad nang pumasok si Sir Chris. Ipinapanalangin ko na lang na sana hindi kami magtraining ngayon kasi wala talaga ako sa mood.
"Good morning class, today hindi muna tayo magte-training but instead, we're going to discuss something really important" I sighed because of relief. Salamat naman.
"Ano naman po ang pag-uusapan natin ngayon?" tanong nung isa kong kaklase.
"We are going to the discuss about the foundation week" pagkatapos sabihin no'n ni sir ay natahimik ang klase at biglang naghiyawan ang lahat. Hindi naman ako nakisali pero masaya at excited ako sa anunsyo.
"Settle down, students" napangiti siya at napailing. "Hindi naman halata na excited kayo. Anyway, sa foundation week, ioopen ang buong academy sa publiko kaya dadami ang tao."
"Talaga sir!? Edi ibig sabihin no'n pwede na kaming lumabas!?" tumingin si sir sa nagsalita at sinagot siya.
"I'm sorry to tell you pero hindi pa rin kayo allowed na lumabas without the consent of the principal. Ang lumabag sa anumang batas ng paaralan ay may kaukulang parusa. Alam niyo naman na 'yon"
BINABASA MO ANG
Crown of Fire [ON-HOLD]
FantasíaMay tanong ako sayo... Lubusan mo na bang kilala ang iyong sarili? Ang iyong buong pagkatao ? Kilalang kilala mo na rin ba ang mga taong nakapaligid sayo? Ang mga mahal mo sa buhay? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko lubos maisip na ganito pala ako. Es...