*2*

30 0 0
                                    

Parang bigla akong nasamid sa sinabi nya. Pati ba naman yung ganyang bagay sasabihin nya pa sakin.

“I’m in love na Ace.. Waaahh… I’m in love na!”

Napakamot nalang ako sa kilay ko.Kailangan ba pati yung tungkol sa ganyan sasabihin nya pa saken? Pwew!

“Oh tapos?”

May pakinang-kinang pa sya ng mga mata. Ganyan ba talaga yung ma babae basta ang pinag-uusapan yung mga crushes and love life nila. Atomatic kasing nagiging blooming sila. Which is kinda’ weird.

“Hindi pa nya ko love… I think.. pero I’ll do everything to have him.”

That’s the usual Melody. Since birth na yang ugali nyang yan that when she wants something, she’ll do everything even to go cross hell just to have it.

“Kayong mga babae ang hihilig nyong mahalin yung mga taong di naman kayo maha-“

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung halos burahin na ng kamay nya yung mukha ko.

“Wag kang panira ng kasiyahan Ace! Ngayon di ako mahal nun pero darating ang araw sya pa mismong maghahabol saken.”

Inalis ko yung kamay nya sa mukha ko. Bakit ba kasi ang hilig-hilig makipag sapalaran tapos bandang huli iiyak din naman.

Ang sakin langMelody sana kung magmamahal ka nalang din, piliin mo na yung taong mahal ka hindi yung mahal mo hindi ka naman mahal.”

Ang tagal bago sya sumagot. Sinisipa-sipa nya lang yung mga paa nya habang nakatingin sa sangang nasa harap namin.

“Pano kung vice versa yung mangyare… titigilan ko yung taong mahal ko para maghanap ng lalakeng mahal ako. Pero pano kung pareho lang kami ng sitwasyon? Pano kung hindi ko sya magawang mahalin kase hindi sya yung taong gusto kong mahalin?” –Melody

Wala sa sariling napatingin ako sa kanya habang sya titig na titig din sa hawak nyang sanga.

“Atsaka.. pano kung mamahalin din naman ako ng taong mahal ko? Pano mangyayari yun kung wala pa nga akong nagagawa sumusuko na ko. Mahirap ba kong mahalin?”

Nangungusap yung mata nya nung magkatitigan kame.. parang may iba… ewan naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nya. Halos wala man akong naintindihan.

“Alam mo gutom lang yan. Tara na’t baka hinahanap ka na nila tita.”

Nauna na kong bumaba para maalalayan ko sya pag sya naman yung bumaba sa puno.

“Basta sigurado akong mamahalin nya din ako. Kung kailangang magbago para sa kanya gagawin ko mapansin nya lang ako.”

MelodyWhere stories live. Discover now