*1*
Ace’s POV
Nasan na ba yung babaeng yon. Lagot na naman ako kay tita pag nalamang natakasan na naman nya ko. Ako nanaman yung masasabun ni papa nyan na kesyo hindi ko sya daw kase binabantayang mabuti. Bat ang kulit-kulit naman kasi.
Hindi ako katulong gaya ng iniisip nyo. Kinakapatid ko ang binabantayan ko. Ninong nya gi papa kaya kinakapatid ko sya. Gets?
“Melody asan kaba?”
Gustuhin ko mang sumigaw kaso baka may makarinig at sabihing nawawala na naman si Melody. Which is not new to everyone since paborito nya yata talagang magtago. Ang most previous na pagkawala nya is….. well, kahapon lang. Five hours ko syang hinanap at five hours akong sinermunan ng magulang ko lalo na ni dad.
Anung magagawa ko? Ang galing nya kayang magtago. Sino ba naman kasing makakaisip na nasa likuran ng pala sya ng mga halaman sa garden nila sa likod at at peace pa na natutulog sa dyaryong nilatag nya sa Bermuda. Lakas din ng mga trip ng babaeng yun e.
“Nasan ka na ba kasi Melody?”
Naikot ko na yung garden nila. Kulang nalang bunutin ko yung mga halaman. Nagbabakasakali kasi ako na baka nakalubog na sya sa lupa.
Kaso… Wala.
Nandito naman ako sa garden namen. Minsan kasi tumatambay din sya dito lalo na pag trip nya kong kulitin.
“Pssst!”
Napalingon-lingon ako para hanapin yung tumawag.
“San ka?”-me
Alam ko na kasi na si Melody yon. Sya lang naman yung mahilig tumawag ng ‘pssst’ at ‘hoy’ sakin.
“Up here!”
Dahan-dahan akong tumingala sa malaking puno ng mangga sa gilid ng garden. And shoot! Nandun nga si melody na prenteng nakaupo sa malaking sanga ng puno na tagong tago dahil sa yabong ng mga dahon.
“Anung ginagawa mo dyan?”-me
“Ahmm sitting?”-Melody
“Pag ikaw nahulog dyan!”-me
“Then catch me if I fall…”-Melody
Bakit ba feeling ko double meaning yung sinabi nya? Hindi kaya-
“I couldn’t ask for more… your love is the greatest gift of alllllll!”
Nailing nalang ako nung sinundan nya ng kanta yung sinabi nya. Pasaway talaga.
Nagsimula na din akong umakyat sa puno at tumabi sa kanya. Kesa naman pilitin ko pa syang bumaba hindi naman susunod yan.
“May kwento ako Ace! Dali making ka ha? Ha? Ha?”
Tinatapik nya pa ko ng isang kamay na hindi nakahawak sa maliit na sangang nasa harapan namin.
“Talk.”-me
“May love na ko!”