*14*

13 0 0
                                    

 

Melody's POV

Nakatatlong shot na yata ko ng tequila pero feeling ko nanlalambot parin yung tuhod ko habang nakatingin kay Ace at Honey na magkatabi sa isang side ng pool. Nakatrunks lang din si Ace at ang bwisit na higad panay ang haplos sa braso ni Ace! That's mine!

Hindi ko pwedeng laitin si Honey at tawaging lollipop o hipon dahil maganda sya both kaya walang maitatapon. Ngayon ngang tinitignan ko sya parang gusto ng lumubog ng dibdib ko, pakwan kaya yung kanya, akin melon lang! Anu ba kasing ginagawa ko nung mga panahong nagpapaulan ng biyaya ang langit?

But no! kailangan may mangyaring kanais-nais gayong gabing to. Sayang naman yung effort ng mga tumulong sakin kung nagkataon.

Inisang lagok ko na yung iniinom ko saka tumayo papuntang pool kung saan malayang makikita ni Ace yung gagawin ko.

Tinaas ko yung shirt ko at hinubad ng mabilisan saka hinagis papunta sa pwesto malapit sa kanya. Inayos ko muna sa pagkabuhaghag yung buhok ko bago dahan-dahang hinubad yung leggings ko revealing the bikinis Mads had given me. I'm still wearing my heels and slowly, like a queen on her kingdom, I walked as graceful as I can and made my way to where Jalen is.

I am aware that most of the guys on the pool are now drooling while staring at me and some of them has already tasted their girlfriend's slap. I wanted to see the reaction of Ace kaya pasimpleng lumingon ako sa kanya. Mouth open and eyes wide with some unreadable emotion.

I felt the arms of Jalen snaked on my waist. Napangiti ako at nilingon si Jalen na pasimpleng sumenyas na simulant na namin. I reach for his arm, caress him there then slowly my hands trail his hair chest without leaving my eyes on him. My other hand touches his jaw with my forefinger in a circular motion I tiptoe and move my face closer to his. I felt him swallow really hard na parang gusto ko ding gawin dahil sooner darating na si ate Sharlot.

"Will I still continue?"

This won't be the first na may hahalikan ako. As I've said before, I am not conservative. Me and Mads don't know that word. Hindi man ako kasing gala nya na papunta pabalik sa mga liberated countries to enjoy the word freedom with the capital F, still pareho parin kami ng pananaw that once you have it, show it and once you can, then do it. And once you planned for something, finish it. I'm not afraid to do this.. ang iniisip ko lang ay si ate Sharlot na baka maoffend sya sa ginagawa naming ng asawa nya kahit pa alam naman naming apat na this would be the first and last.

"For the sake of your future happiness.. go on.. gagalingan ko nalang yung pag-ilag sa onca na binato ako ni Sharlot."

Napangiti ako sa sinabi ni Jalen. Goodluck nalang talaga sa kanya.

Nilapit ko na pati katawan ko sa kanya, I don't feel uncomfortable kahit pa halos wala ng pagitin yung katawan naming. I wrapped my arms around his neck I closed my eyes then slowly make my way to claim his mouth. Ramdam ko na yung hininga nya sa mukha ko kaya alam ko segundo nalang at magdidikit na ang mga labi namin pero mabilis din akong napadilat nung parang nawalan bigla ng balanse si Jalen. Is it because of the kiss? Pero hindi pa nagdikit yung labi namin. Nakita ko syang nakaupo na sa harap ko habang nakatingin ng masama sa likod ko.

Lilingunin ko palang sana kung sino yung nasa likod ko nung tumakbo papalapit sakin si Honey or rather papunta kay Ace na ngayon ay nasa gilid ko na at nakahawak ng mahigpit sa braso ko.

"Ace what are you doing? Hayaan mo na si Melody hindi na yan bata para bantayan mo pa!"

Tinanggal nya yung pagkakahawak sakin ni Ace at hinila ito papunta sa table na inuukupahan nilang magbabarkada. Hindi ko mabasa yung reaksyon ni Ace lalo pa't nakayuko na sya ngayon katabi sa upuan si Honey.

Parang bigla akong natauhan sa marahang tikhim na narinig ko..... si ate Sharlot.

"Well done Melody." Bulong nya at hinarap si Jalen na kunwa'y takot na takot at nahuli ng asawa. Narinig ko pa yung marahang hagikgik ni Mads na kumindat pa at hinila na naman kung saan si Ryan.

"Ikaw lalake tumayo ka dyan at umuwi na! Umiiyak na yung mga anak mo! Damuho ka sinabi mo na naman siguro sa babaeng to na binate ka pa! anung ginawa mo sa bahay natin!" pinigil kong tumawa nung makita kong mapangiwi si Jalen matapos syang pingutin ni ate Sharlot.

"Pagpasensyahan mo na tong asawa ko miss. Babaero talaga to. Hayaan mo lalagyan ko ng latay buong katawan nya para maiganti kita. Pagbalik ko dito at may kalat pa tao man yan o bagay ihahambalos ko sayo Jalen! Ang taas taas na ng bill natin sa kuryente kung anu-ano pang ginagawa mo! Sumunod ka na at ayokong pinag hihintay ako maglalaba ka pa!"

Naglakad na papasok ng bahay si ate Sharlot. Nakangangang nagsiahon lahat ng nasa pool at parang takot na takot na nag unahang lumabas ng gate kahit naka trunks lang at bikini. Nganga din ako dahil nagawa yun ni ate Sharlot, I mean she's an epitome of a goddess pero nagawa nyang maging bungangera for the mean time. ASTIG!

"I'm sorry Melow.... Sorry kung hindi ko sinabi sayo yung totoo... mahal naman kita talaga.."

Hala hindi pa pala tapos yung acting-actingan namin! Nagseryoso ako ng mukha saka pinalis yung mga kamay ni Jalen na akahawak sa braso ko. So help me God.

Sinampal ko sya ng sobrang lakas and as if on cue bigla nalang may tumulong luha sa mata ko. Ang sakit kaya ng kamay ko! Nagulat si Jalen kaya parang wala sa sariling inabot nya yung mukha ko at pinunasan yung luha ko.

"Sorry-"

"Pwede ba layuan mo na sya!"

May tumamang kamao sa mukha ni Jalen dahilan para mahulog sya sa pool. Kikilos na sana ko para tulungan syang makaahon pero agad din syang umiling at tumingin sa gate palabas ng bahay nya. Nung una hindi ko magets yung gusto nyang sabihin kaya medyo tumagilid sya paharap sakin then mouthed.... RUN.

MelodyWhere stories live. Discover now