*7*

4 0 0
                                    

Melody’s POV

Nasa harap na kami ng field pero hindi parin tumigil sa paglakad kaya tinignan ko sya. Nilingon nya ko saka marahang ngumiti. Naubos nya na yung niluto ko at basta nalang hinagis sa nadaanan naming basurahan yung mangkok. Pasaway.

---__________---

“San tayo?”-me

“I know a place better than the field.”

Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya. Right now, I need a companion and I guess Jalen is a good one. Though I know his name, it won’t change the fact that he’s still a total stranger but it’s odd that I feel comfortable with him. Huminto kami sa isang mataas na puno.

“Were here Melody- ah do you have a nickname or anything that I can call you aside from Melody?”

 “My sister used to call me Melow.”-me

“Ok Melow. Now can you climb a tree?”

Napangisi ako.

“I’m an expert.”

Natawa sya sa tinuran ko. Umakyat na ko sa puno and to my surprise….. may tree house pala. Naging bulag ba ko ng ilang segundo kaya hindi ko to nakita? It’s astonishing!

“Who made this?”-me

Tumabi sya sakin at sumandal sa dingding ng tree house. Hindi kalakihan pero it feels comfortable to be here.. and even comforting.

“Me and my wife.”

O________O

“You.. you have a wife?”

Oh my God! He doesn’t look like a married man. Parang same age nga lang sila ni Ace- whatever I hate him for not eating my Adobo.

-____-

“And I have two little prince and a little princess.”

Parang kuminang pa yung mga mata nya nung binanggit nya yung mga anak nya. Saklap. Taken na nga, may anak pa! But seriously parang ang bata nya pa para magkapamilya.

 “I’m not as young as you think. How old are you Mellow?”-Jalen

“22.”-me

“I am 30 and I guess I am older than your friend.”-me

Another revelation. Oh my. Sya? 30? Double Oh my!

“Ang tanda mo na pala.”-me

“Ang sama mo. So pag-usapan na natin yung dapat nating pag-usapan… anu ng balak mo nyan?”

Napakunot yung noo ko. Napansin nya siguro kaya tinuloy nya lang magsalita.

“Yung friend mo. Diba gusto mo sya? Anung balak mo nyan? Mukhang manhid pa naman.”

Napanganga nalang ako sa sinabi nya. Ganun ba ko ka-obvious?

“Yep. Ganun ko ka-obvious.”

Mind reader lang ang peg?

“Nope. Madali ka lang talagang basahin.”-Jalen.

“Bakit sya hindi nya makuha-kuha? Peste sya pati adobo ko- pinaghirapan ko pa naman yun.”-Me

Bigla syang tumayo- saka parang may kinakalkal sa mataas na part ng tree house. Binend ko yung mga legs ko saka ako pumikit at sumandal sa side ng tree house. Nakakainis naman kasi yung mga lalake. Hindi nga sila bulag pero hindi naman sila makakita. At ang worst pa, hindi naman sila paralyze pero dinaig pa nila yung mga yun sa sobrang pagkamanhid. Ang sarap ihampas sa pader.. tignan ko lang kung gumana yung pagiging manhid nila.

MelodyWhere stories live. Discover now