Naibuga ko ng wala sa oras yung burger na kinakain ko. Agad kong kinuha yung coke ko saka dali-daling uminom. Nandito kami sa food chain malapit sa bahay naisipan kong yayain si Melody. Nagulat naman ako nung bigla nya kong tinext kung anong isusuot nya since makikita nya rin daw ngayon yung lalaking kinukwento nya.
“Maganda ba? I’m so not comfortable with these clothes but if it’s the only way for him to notice me I’ll wear this every day.”
Parang gusto ko ng maiyak kakapigil ng tawa ko. Ang hirap palang tumawa pag alam mong hindi ka dapat tumawa.
“It’s perfect. Malamang mapansin ka na nung kung sino mang lalake yung sinasabi mo.”
Kinagat ko nalang yung natitira ko pang burger para hindi na matawa sa itsura ni Melody. She looks peculiar! She’s wearing a dark red blouse with blue sleeves and green collar and a long stripe skirt having those three same colors on her blouse.
She’s a total Alien once she joins a crowd of these generation’s women. Malamang sa alamang na mag stand out sya.. well sigurado namang mapapansin naman na sya nung lalaking sinasabi nya hahaha.
“You’re sure with this Ace ha?”
Tumango ako with matching very genuine look.
Well oo na kalokohan na yung ginagawa ko sa kanya though totoo naman yung sinabi ko na men don’t like plain woman, na mas gusto nila yung mag stand-out talaga sa lahat. Well, some men but except for me..
So ayan na nga ginawan ko na sya ng pabor. Sure na sure naman ang stand-out na stand-out na sya sa outfit palang and kahit bulag hindi sasabihing plain sya. Waahahaha.
“Wait I’ll look for him, stay here okay? I’ll be back, this would be very quick.”
Tumango lang ako saka hinayaan na syang umalis. Nung nawala na sya sa paningin ko dun ko pinakawalan yung kanina ko pang pinipigilang tawa.