Melody’s POV
Naghahanda na kami ni Jalen para sa aming so called operation. Kanina ko pa ininvite si Ace at mga barkada nya na ilang araw ng lumulungga sa bahay nila Ace. Pasalamat sya di ako sumbungera, well dahil hindi ko nga sya sinusumbong hindi nya rin ako magawang isumbong. Subukan nya lang. Anyway ininvite ko sila para sa isang swimming party dito sa bahay nila Jalen. May permission na to from ate Sharlot and she’s also included on the plan. Bale idea nya pa nga to dinagdagan lang ng konte ni Jalen.
Wala yung mga triplets ngayon dahil nasa lola nila ang si ate Sharlot naman kakaalis lang papunta sa boutique nya. Nagulat nga ko nung malaman kong may boutique sya and tulad ko nagulat din sya nung malang may boutique ako. O diba? May boutique ako di lang halata dahil wala akong sipag mag manage.
“Kaya mo bang magsuot ng two piece?”
Tinaasan ko ng kilay si Jalen. Anung tingin nya saken? Conservative? Hmm conservative ako… ok fine! Hindi ako conservative!
“Definitely.”
Binigyan ko sya ng im-sexy-and-i-know-it pose na ikinatawa nya. Ate Sharlot is really lucky with Jalen.
“Ok I think ok naman na lahat. Mag beauty rest kana and be here before 9.”
Ngumiti ako ng nakakaloko na sinuklian din naman nya ng parehong ngiti. Iniisip ko minsan hindi kaya magkapatid talaga kame?
I stretch my hands and slap my face softly, my own way of waking myself courtesy of Mads.
Naligo na ko saka sinuot yung regalo sakin ni Mads. Pinatungan ko muna yun ng isang leggings na black and white hanging shirt then picked a black pumps though hindi ko muna sya sinuot at yung fluffy pink bunny slippers muna yung sinuot ko dahil may 30 minutes pa ko para magliwaliw.
Kinuha ko yung laptop ko at umupo sa dulo ng kama. Clinic ko yung tatlong unread messages, all from Mads. Yung una kadugtong pa nung last na pag uusap namin. ‘Sexy as ever like me’. Yung dalawang messages kahapon nya lang si-nend
‘Why are they following me Melow? They’re ruinning my vacation! Urgh! Tell them to stop chasing me!
Anyways… how are you?’
‘Melow they ALMOST tracked me down! ANUNG TRIP NA NAMAN NILA AT PATI SILA TITA SINAMA NILA?! GRACIOUS HEAVEN! PUPUTI YUNG BUHOK KO SA KANILA. Gtg I think I need a whole body spa.’
Ewan ko din ba sa mga parents namin at kung anung kalokohan na naman yung napagtripang gawin. Goodluck nalang talaga kay Mads, basta alam ko sooner rather than later nasa bahay na sya.
Nagtype na ko ng reply saying goodluck and that I miss her too bago ako nag apply ng waterproof lipstick at sinuot ang pumps ko.
“We’re home!”
Muntik na kong madulas sa hagdan sa biglaang pagbukas ng pinto sa living room at pagpasok ni momma at papa kasunod ang nakasimangot na si Mads na hawak nila sa magkabilang braso para siguro hindi makawala si Mads kahit pa hindi naman sya pumapalag.
“Nakita na naming ang ate mo Melody!”
Nginitian ko lang ng nakakaloko si Mads. She just rolled her eyes at nginitian ako. Tinignan nya ko from head to toe at biglang nagningning yung mata nya saka nagpumiglas sa pagkakahawak nila mama, tumakbo sya sakin then kissed my cheeks.
“You’re in love… tell me everything.. I’ll just change my clothes sasama ko.” She whispered then ran towards her room na kaharap lang ng room ko.
How does she know? Oh FUDGE!
“Aalis ka ba Melody?”
Tinanguan ko si Momma at kinwento ko na yung tungkol sab ago kong kaibigan at yung swimming party na pupuntahan ko. Pinagpaalam ko na din si Mads at pumayag naman din si papa.
Pinuntahan ko na si Mads dahil 30 minutes late na kame. Wala sya sa kwarto nya kaya chineck ko kung pumunta sya sa kwarto ko na Gawain nya na bata pa kame.
“Woah! Woah! So it’s Ace?!”
Nanlaki yung mata ko nung Makita kong hawak nya yung laptop ko. Kukunin ko n asana sa kanya pero umakyat lang sya sa kama ko habang hawak hawak yung laptop.
“Mads akina yan!”
Nginisian nya lang ako habang panay ang iling nya.
“Umamin ka muna… sigi na ate mo naman ako. Hindi kita isusumbong kay papa, tutulungan pa kita”
Napabuntong hininga ako. Balak ko rin naman sabihin sa kanya kaso naunahan nya na naman ako. Umupo ako sa kama, nakatalikod ako sa kanya. Naramdaman ko yung paggalaw sa kama at pag-upo nya din sa likuran ko. Our weird hobby, ipagdikit ang likod ng bawat isa.
“Does he know?”
Hindi ako nagsalita. And I know Mads get my answer. Kung sa iba silence means yes, samin ni Mads, silence means no.
“Bat di mo sinabi? Duh! Pano nya malalaman kung di mo sasabihin? Hindi naman sya ako na kahit hindi ka magsalita alam ko na agad. Isa’t kalahating bobo kaya yang anak ng ninong mo.”
“Nag bigay naman ako ng clues e.”
I know she’s rolling her eyes on me, again.
“Clues like what?” she snapped
“I told him that I am inlove and I even ask for some tips kung ano ba yung gusto ng lalake sa babae. I even cooked adobo for him! Pero tinawanan nya lang lahat ng ginawa ko. Yung ibang tao napansin na agad na may gusto ako sa kanya samantalang sya hindi yun makita!”
Sinipa ko yung nakakalat kong bunny slippers sa sobrang inis.
“So give up na agad agad?”
“NO!”
Humagikgik sya sa pagsigaw ko. Wala naman kasi sa vocabulary naming yung salitang give-up, puro PUSH, GORA, at FIGHTING lang ang meron.