Melody
Alam kong sumunod sakin si Ace nung tumakbo ako. Huminto ako sa park at piniling umupo sa damuhan. Hindi ko alam kung huminto ba sya sa paghabol sakin o kung nandyan na ba sya sa likod ko. Iniisip ko parin yung ginawa nya kay Jalen, una yung pagtulak nung akmang hahalikan ko to at yung pagsuntok nya. Hindi na ko umiiyak kahit pa medyo masakit parin yung kamay ko mula sa pagsampal kay Jalen. Todo ngiti na ko ngayon kasi parang nabuhayan ako... parang may nararamdaman din sya saken. Siguro hindi nya lang masabi.
"Melody.."
Mas lumapad pa yung ngiti ko nung marinig ko yung pagtawag ni Ace sakin kaso agad ding nabura nung biglang may yumakap sa kanya. Honey. Nabaling yung atensyon nya kay Honey. Hindi ba dapat ako yung yakapin nya kase ako yung nasaktan? Hindi man totoo yon, acting man yon, ako parin dapat yung kayakap nya ngayon kasi diba kanina nagalit pa sya kay Jalen dahil sa panloloko sakin.
"Honey... kailangan ako ni Melody... hintayin nyo nalang ako sa field."
Imbis na bumitaw si Honey parang mas humigpit pa yung yakap nya kay Ace.
"Honey please...."
Umiling lang si Honey.. hinaplos nya yung buhok ni Honey. Parang biglang kinurot yung puso ko sa pagtingin lang sa kanila ngayon.
"Pupunta ko don.. saglit lang to.."
Lumayo sa kanya si Honey pero imbis na umalis, hinawakan nya yung mukha ni Ace then she.... She kissed him.
Biglang bumigat yung pakiramdam ko. Yumuko ako at niyakap ang tuhod ko para itago ang mga luha ko na ngayon ay nag-uunahan ng tumulo sa mukha ko. May mas sasakit pa pala sa mga pagbabalewala nya sa mga ginagawa ko para lang pansinin nya ko. Mas masakit pala tong ginagawa nila sa harap ko.
"Melow nandyan ka lang pala. Come on umuwi na tayo."
I felt a gentle tap on my shoulder. Mads. She's really a great sister.
"Come on, we'll make another plans." She whispered. Tumayo na din ako at agad nya namang sinuot sakin yung dress na hawak nya.
"Kaloka ka. Ang layo ng tinakbo mo na ganyan lang ang suot. Lagot tayo kina daddy kung nagkataon na nakita ka."
Natawa nalang ako sa sinabi nya. Parang batang pinunasan ko yung mga luha ko.
"Na carried away yata ako."
Naghagikgikan nalang kami ni Mads. Alam ko naman na pinapagaan nya lang yung pakiramdam ko kasi alam kong nakikita nya din si Honey at Ace.
Agad kaming nagbabad sa tub pagkauwi sa bahay. We are using Mads' tub since mas malaki to kesa dun sakin. We usually do this thing. Ang maligo ng sabay. We're sisters anyway.
"Ayaw gumana ng mga brain cells ko Melow. Next time na tayo mag isip ng plano."
Sumandal si Mads sa side ng tub at tumingin sa akin na may pilyang ngiti.
"Ano na namang kalokohan ang naiisip mo?"
Mas lumapad pa ang ngiti nya. Naku-naku, mukhang alam ko na kung ano.
"Parang awa mo na Mads, makipag break ka muna kay kuya Ivan bago mo iseduce si Ryan."
Automatic namang hampas yung nakuhako sa kanya. Tss. Si Ryan naman kasi yung tumatakbo sa utak nya kahit di nya sabihin.
"I still love Ivan no, I just fine Ryan cute."
I rolled my eyes.
"Dun din papunta yun Mads. Anyway, shopping tayo bukas?"
Nagningning naman agad yung mga mata ni Mads. Sabay naming tinaas baba ang kilay namin at nag unahang umahon at magbihis saka pumunta sa kwarto nila momma.
"We need money momma. We're planning to donate our clothes in a charity institution, so... we need to buy a new one. Please?" me and Mads shouted in unison.
Napasimangot si papa.
"Last two months lang kayo ulit nagdonate ng mga damit ah?"
Nag pout ako at tumingin kay momma. Ngumiti naman sya at may hinagis na card na nasapo naman agad ni Mads.
Napangiti ako nung ipaypay-paypay pa ni Mads yung binato ni momma. Yung credit card ni papa!
"Mana talaga kayo sa momma nyo. Pasaway."
Nailing nalang si papa sabay tabi sa nakahiga ng si mama.
"We know that. Pero syempre meron din naman kaming namana sayo lalo na ko."
Natawa nalang kami sa sinabi ni Mads. Totoo naman e. Yung hilig nyang magdora-dora kay papa nya yun namana.
----
ipupush ko na hanggang chapter 20 lang to. so expect long updates sa mga susunod na chapters.
~trintrins
