Para kaming takas mental ni Jalen habang naglalakad pauwi sa bahay. Sa bahay ko. Nag offer na kasi syang ihatid ako since mukha na daw talaga kong baldado. Ikaw ba naman punong puno ng gasa sa magkabilang braso. Ginamot lang naman nya yung mga paso ko at dahil wala kaming mahanap na gunting, tinodo nya na at buong braso ko na yung binalutan nya. Weird I know. But I had fun. Sobrang saya kaya pati inis k okay Ace nakalimutan ko na. well nakalimutan lang saglit at hindi parin nabubura yung inis na yon.
Ang dami din naming napag-usapan ni Jalen tungkol sa mag-iina nya na nag dodora dora daw at next week pa ang uwe kasama ang parent nya at parents ng wife nya. And may pahabol pa syang revelation kanina. Triplets yung mga babies nya na sina Anddy, Andrew and Allia.
And as I was saying a while ago, para kaming takas mental dahil palakasan kami ng tawa dito sa kalsada. Isang hakbang yata naming tatawa kami ng limang beses kaya hindi na ko maka-uwi uwi. Nag papalitan din kasi kami ng suggestions for an operation. Secret muna. Tomorrow you'll find out.
"Eto pa may naisip ako!"
Parang sirang lumapit sakin si Jalen saka bumulong. Humahagikgik sya habang nagsasalita kaya wala akong maintindihan. Tawa lang kami ng tawa. Hindi ko nga alam kung may mangyayari ba sa plano namin, nagkasundo pa naman kaming parehong may sayad.
"Haha sira hindi ko naman maintindihan ayusin mo!"
Pinalo ko sya sa braso na ikinatawa nya lang. nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko. Hinintay ko syang magsalita pero bigla nya lang hinipan yung tenga ko saka tumakbo ng patawa-tawa.
"Bwisit ka! Humanda ka pag nahuli kita! Mata lang ang walang latay."
Sinimulan ko na syang habulin. Napapalingon yung mga nadadaanan naming pero tawa lang kami ng tawa habang tuloy parin ang paghahabulan.
Ace POV
"Naiwan nya yung phone nya dito sa kusina tita. Baka nasa inyo- aray naman pa wag kayong sumigaw. Opo pa. hindi naman kasi nagpaalam- opo na ma hahanapin ko na. ......... wala pong mangyayaring masama dun matanda na-"
Naputol na naman yung sasabihin ko nung may sumingit na namang boses. Si tito. Papa ni Melody. As usual tinatadtad na naman ako ng sermon. Nakakainis lang, ginagawa nilang baby yung babaeng yun samantalang ang laki-laki na. Ang worst pa kasi ako yung ginagawa nilang baby sitter. Dinaig ko pa yung lost and found station kung hanapin nila sakin si Melody.
"Ace andyan na si Honey.. ang sexy nya dre!"
Sinenyasan ko si Tyler na tumahimik at baka biglang magsisugod pauwi sila papa pag nalamang pinapunta ko ang buong barkada sa bahay. Nag change of plans na naman kasi sila at hu-huntingin daw nila si Madeline kaya hindi sila makakauwi.
"Opo hahanapin ko na." hinintay ko munang i-end nila yung call bago ko binaba yung phone ko sa lamesa at nagtungo sa sala.
Kanya-kanya na sila ng mga ginagawa, si Ryan tumatagay lang at parang malalim na naman ang iniisip. The usual Ryan. Si Kier nakikipag agawan ng tablet kay Lexah, girlfriend nya pero hindi halatang sila dahil wagas sila kung magbugbugan tulad ngayon na sinasakal na ni Lexah si Kier at hinihila naman ni Kier yung paa ni Lexah. Napailing nalang ako. Weird couple. Nabaling naman yung atensyon ko kay Tyler na pilit nanghihingi ng kiss kay Honey. Baliw talaga.
"Get off me Tyler or I'll kick you on the part where it hurts the most!" wala pang limang segundo, milya na yung layo ni Tyler kay Honey na ngayon ay ngiting tagumpay.
"Tyler, help me find Melody."
Agad syang humawak sa tyan nya at biglang parang umasim yung mukha.
"Najejebs ako dre. Ikaw nalang huh? Pa cr na din." Gusto ko mang pilitin sya kaso nakatakbo na sya papuntang cr.
"Me! I'll help you Ace!"
Natatawang tinanguan ko nalang si Honey na nakataas pa yung isang kamay.
"Ryan balik kami agad, hanapin lang naming si Melody. Lexah wag mong paiyakin yang si Kier."
Nag thumbs up lang si Lexah saka tinuloy ang pagsabunot nya kay Kier.
Kanina pa kami lakad ng lakad ni Honey pero wala parin si Melody. Nacheck ko na din sya sa kanila pero wala sya.
"Mag hiwalay kaya tayo para mahanap na natin sya. Gutom na kasi ako."-Honey
Naghiwalay kami ng pinuntahan. Si Honey, sa plaza malapit sa field, ako naman sa field mismo at sa park.
Napipikon na sinipa ko yung latang pakalat-kalat sa daan. Madilim na pero wala parin bas yang balak umuwe?
"Wahahaha ang taba mo tignan mo hindi kita kayang itaas."
Iilang tao nalang yung nasa park. Karamihan mga bata kasama yung mga yaya nila o mga parents nila.
Inikot ko yung paningin ko sa buong park at napako yung mata ko sa lalaking humila kanina kay Melody.
May kasama syang babae. Hindi ko makilala dahil nakatalikod sakin at nakasuot ng itim na jacket. Mukhang panlalake yung jacket na suot nya since maluwang sa kanya.
"Hindi nga kasi kita mataas! Ang takaw mo kasi kanina. First time mo bang kumain ng kwek kwek kaya halos ubusin mo na yung paninda ni manang?"
Parang kumukulo yung dugo ko Makita ko lang yung lalaking to. Alam ko wala naman syang ginagawang ikakagalit ko pero- basta nakakapang-init sya ng ulo.