*6*

5 0 0
                                    

 

Melody’s POV

“Oh my gosh Ace! Umaapoy yung kawali! What am I gonna do?! Ace! Help me!”

Kinuha ko yung pitcher na nasa lamesa at tinapon yung tubig sa umaapoy na kawali. Sabi naman kasing tulungan ako. Inuna pa yung pakikipag-usap kay Honey. Isama ko sya sa umaapoy na kawali e!

“Ahhh!”

Napatalon ako nung tumalsik yung mga mantikang nasa kawali. May apoy na din sa side ng  lababo. Chineck ko yung braso ko na namumula na gawa ng natalsikan ng mantika. Ang sakit!

“Ninong help! Ayaw akong tulungan ni Ace! Ninong yung bahay nyo nasusunog na!”

Alam ko naman na hindi ako maririnig ni Ninong. Hindi naman siguro ako ganun kalakas sumigaw para marinig ako hanggang sa mall. Well, they decided to go shopping since they’re a bit bored with their daily routines. Another reason is they don’t want to eat my flaming colorless chicken adobo since I hate soy sauce.  Hindi naman nila sinabing ayaw nilang tikman yung iluluto ko pero pagkasabi ko kasi na magluluto ako bigla nalang nilang naisipang magshopping at sinabi na dun na din sila magdi-dinner.

*booogsh*

Halos mapatalon ako nung biglang bumukas yung pinto sa kusina nila Ace. Yung pintong yon parang emergency exit kasi sa likod bahay na agad yung labas nun. Pero mas kagulat-gulat yung lalakeng pumasok na may dalang timba at dali-daling binuhos yung tubig sa nagliliyab na kawali. Buti nalang kanina ko pa natapos lutuin yung adobo ko kung hindi magiging drowned colorless chicken adobo na yun kung nagkataon.

“Ayos ka lang miss?”

Naks perfect ang teeth pantay-pantay. Pointed nose and pinkish lips, parang hindi nga lang bumayag yung mata nya since it looks scary though walang magsasabi na hindi sya gwapo once na nakita sya.

“Miss I’m asking you.”

Dun palang ako parang natauhan kakatingin sa kabuuan nya. Ang balikat… bato-bato! Wooo!

“Ah uh-huh.. Thanks.” –me

Ngumiti naman sya saka biglang lumapit sakin at inabot yung kamay nya.

“Jalen. Jalen Curofas.”

Tinaggap ko yung kamay nya na marahan nyang pinisil. Nekekekeleg. Emeged.

“Melody Reigman.”

“You’re blusing.”-Jalen

Natawa nalang ako. Seriously, nakita nangang nag blush babanggitin pa talaga?

Woo tongue-tied!

“Tapos ka na? Sumaglit ako kay Honey. Nagluto daw kasi sya ng adobo, hmm mukhang masarap.”

Pareho kaming nakatingin ni Jalen sa kakapasok lang na si Ace na may hawak-hawak pang adobo na kulay adobo. Hmp! Mas masarap yung adobo ko dyan!

“Anu to? Hanggang ngayon di mo parin tapos yung niluluto mo? Ito nalang luto ni honey yung uulamin ko baka malason ako sa iluluto mo haha.”

Inusog nya pa yung niluto ko saka pinalit yung mangkok na dala nya at nagsimula ng kumain. Pinag hain ko sya tapos hindi naman pala yung luto ko yung kakainin nya. I’ll gonna break his neck.

“Kain ka na din Melo- who are you?”-Ace

Napanganga ako nung kinuha ni Jalen yung mangkok ng colorless na adobong niluto ko at pinapak yung laman non.

“This looks weird pero masarap huh. Ang galling mong magluto Melody ah.”

O________O

SERIOUSLY????

“Who are you? And… and yun yung niluto mo Melody? Yan na yon? Anung tawag mo dyan?”-Ace

Napayuko ako sa pagkapahiya. Anung magagawa ko? Ganun yung alam kong luto e.

“Yes. Adobo yan…. hindi ko nga lang nilagyan ng soy sauce kasi ayoko nun… alam mo naman yun diba?”

“Haha a-adobo? Hey-”-Ace

Hindi na ko naka angal nung bigla akong hinila ni Jalen palabas ng bahay ni Ace. Parang gusto ko rin naman kasing umalis muna sa harap ni Ace. Hindi na nga tinikman yung luto ko tinawanan pa ko.

Buti pa si Jalen. Speaking of Jalen, naglalakad na kami papunta sa field malapit sa bahay namin at hanggang ngayon hawak nya parin yung mangkok ng luto ko at tuloy parin sya sa pagpapak ng colorless na adobo.

Hay… second try…. FAILED.

MelodyWhere stories live. Discover now