*4*

6 0 0
                                    

 

“Failed..” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Ace na halos mamatay na kakatawa.

Bakit ba kasi nagtanong pa ko sa kanya sa kung anu yung gusto ng mga lalake? Dapat inisip ko munang kalokohan lang yung sasabihin nya. Kung di ko lang sya mah-

“Excuse me miss.”

Agad akong umalis sa tabi ng nakaharang na halaman na nasa side ng food chain para makadaan yung crew na galing sa loob. Siguro dito dumadaan yung mga staff since maliit lang yung pinto.

Pinasya ko ng pumasok sa loob para makauwi na din ako. Kating-kati na ko dito sa damit na to na nahila ko lang sa mga pinakatatago ni mama sa closet nya. Mostly white and light colors lang kasi yung mga damit ko and lahat yung mga yon wala ni kahit anung design. Nagkaroon ng designs yung ibang shirt ko nung napagtripan kong pinturahan at tahian ng kung ano-ano though hindi ko naman din magamit kasi mas gusto ko pang naka-hang lang sa closet.

Nung mapansin nya kong palapit na sa kanya sobrang bilis naging seryoso ng mukha nya. Akala mo tuloy hindi nya ko tinawanan kanina.

“I wanna go home. Plan A failed.”

Pagkasabi ko nun tumalikod na ko uli palabas. Sa internet nalang siguro ako maghahanap ng mga ways para mangyari na ang dapat mangyare.

Pareho lang kaming walang imik habang naglalakad pauwi samin, well, kapit-bahay lang naman kasi kame.

“Baki naman naging failed?”

Hindi na ko nag abalang lingunin sya baka bigla ko lang masapak.

“Because he doesn’t liked it.”

From my peripheral vision nakita kong nakatingin sya sakin. Totoo naman yung sinabi ko e. kung nagustuhan nya, bat sya tatawa?

“Baka iba yung type nya..”-Ace

“I guess so.”

Wala na uling umimik samin hanggang sa makauwi kami.

Dumiretso na ko sa kwarto since as expected wala na naman sila momma malamang nakina ninong na naman.

MelodyWhere stories live. Discover now