Melody
Hirap na hirap kami ni Mads na ilabas ng kotse yung mga damit namin. Gaya ng usapan, idodonate talaga namin yung mga damit namin sa orphanage na naging parte narin ng puso namin. I am only ten years old nung mag-umpisa kaming magdonate dito sa 'AJ Orpanage' na may higit sa isang daang mga batang kinukupkop. Yes we know that they can't wear our clothes dahil nga bata sila kaya kadalasan ang siste ay mag garage sale yung mga organizer ng AJ Orphanage na sina Sister Alyana and Sister Jaimie.
Matapos naming kamustahin ang mga bata at ipamigay ang mga binili naming toys ay agad narin kaming sumugod ni Mads sa Mall.
"So.. Let's start?"
Nakangiting tumango ako kay Mads.
"Game."
Ilang oras din ang ginugol namin sa pagbabangayan sa pagpili ng mga damit. Sa kulay, syle, at brand. But after 5 hours natapos din kame na may tigpi-pitong paperbags sa kamay.
Ngarag ang beauty naming nahiga sa kama ko pagdating naming sa bahay.
"Peram ng laptop Melow."
Hindi pa ko nakakasagot kinuha nya na agad. Oh well, may makakapigil ba dyan.
Nakitingin tingin narin ako sa ginagawa nya. Nakadapa na kami sa kama habang nage-fb sya.
Nagkatinginan nalang kami ng sabay ng makitang nag send ng friend request sa kanya ang wirdong si Ryan.
"The weird guy took the bait. Come on Mads wag kang paasa dyan. Tantanan mo na."
Patawa tawa lang si Mads na clinick ang confirm. I rolled my eyes. Habang pinapanood syang magtype ng message.
'Hey handsome. Miss me?'
Napabungisngis pa kaming pareho nung isend nya yung tinype nyang message kay Ryan.
Well, gwapo naman talaga si Ryan at pasok sya sa mga tipo ni Mads. Moreno at may bigote. Pero malaking ekis sya sa adventurous na tipo ni Mads. Ketahimik na bata naman kasi nitong si Ryan parang laging nasa ibang mundo.
'Ya. Specially your lips.'
Nagtitili naman kaming pareho ni Mads.
"Poor kuya Ivan. Ang gf nya nakipaghalikan sa iba."
"Well, si Ryan yung unang nanghalik. Kasalanan ko bang maganda ko?"
Napahagikgik nalang kami ng sabay.
'You're naughty... baka sabunutan ako ng gf mo.'
"Wala syang gf Mads."
"I know."
Tatawa-tawa pa ito ng lingunin ako. Anu na naman kayang trip nya?
"So tired.. I'll just take a nap Mads."
"Hmm.."
Nakatulog ako ng nakapada sa kama.
Sa saglit na pagtulog ko napanaginipan ko sya.
He's kissing me on the field. In front of Honey.
Nagising ako na may ngiting tagumpay sa mukha ko. Pasasaan ba't mangyayari din yun sa totoong buhay.
"Andyan ka parin?"
Nakaupo na ngayon sa tabi ko si Mads at gawa kaninang bago ako matulog, nakatutuk parin sya sa laptop.
"Good news."
Tamad akong gumapang paupo sa tabi ni Mads.
"Kayo na ni Ryan?"
Humikab pa ko bago sumandal sa balikat nya.
"Silly! Hindi pa."
Hindi pa .... Naku.. kawawang kuya Ivan.
"So? Anong good news?"
Hindi sumagot si Mads. Basta inabot nya lang sakin yung laptop na tamad ko namang tinignan.
"What the! Bat mo inopen yung account ko?!"
Nagkibit balikat lang si Mads na parang wala syang ginawang mali.
Shit! Pati password ko alam nya?
"Common, wala ka naman dapat itago sakin Melow, tignan mo nalang kasi yung message ni Ace."
"Chinat mo si Ace?! Mads naman e!"
Sinipa sipa ko pa yung paa ko. Laban ko to e! Nanggugulo na naman sya!
"OA ka naman. Bat ko naman sya ichachat? Sya yung nagchat no!"
Nginusuan ko nalang sya. Bat naman nya ko ichachat? Kinalkal ko na yung messages.
'Are you okay? I wan't to talk to you. Hintayin kita tonight. Let's have a dinner.'
Napangiti ako sa nabasa kong message ni Ace.
"Totoo?"
Tumango tango naman si Mads habang nakangiti ng todo.
Wala sa sariling nayakap ko sya.
"Thanks Mads! Dahil dyan, hindi na kita isusumbong kay Kuya Ivan."
Sya naman ngayon itong nagulat sa sinabi ko.
"Sinabi mo yan. Wala ng bawian."
Nagthumbs up nalang ako. Hay! Ang swerte ko naman sa kapatid ko. Pero bigla akong napatigil sa pagsasaya nung may maisip bigla.
"Bat nya ko biglang niyaya? May sinabi ka sa kanya?"
Ngingisi ngisi naman nyang kinalikot yung facebook ko. Clinick nya yung profile ko at bumulaga sakin yung picture ko habang nakadapa sa unan.
Kanina to habang natutulog ako!
Nagmamadali kong tinignan yung caption.
"I hate waking up bearing the same pain that you have caused me yesterday. If only I can sleep forever until this invisible wound heals..."
Nakarinig kong bumungisngis si Mads.
"Sabi ko na nga ba may ginawa ka na namang kalokohan e! Ginawa mo pa kong emo! Anong drama yon? Mads naman e..."
Pinitik naman nya yung sobrang tulis ko ng nguso. Saka marahang hinila yung buhok ko.
"Effective naman e. Wala pang five minutes napansin ka na nya."
Wala na kong nagawa. Aangal pa ba ko? Sabi ko nga diba? Ang swerte ko sa kanya. Kailan nya kaya ulit balak mag dora dora?
---
~Trintrins