Nag order na kami ng pagkain para sa triplets. We’ve dicided not to order anything since maaga pa naman for lunch. Hanggang ngayon napapatulala parin ako sat wing mapapatingin kay Sharlot. Jalen’s wife. She’s an epitome of a goddess. Nakaka tomboy!
“Melow malusaw mo asawa ko.”
Inismiran ko si Jalen matapos nyang dutdutin yung noo ko. Patawa-tawa lang Sharlot. Sanay na yata syang tinititigan sya ng mga tao kase parang wala nalang sa kanya samantalang kung ako nasa posisyon nya malamang mas gugustuhin ko ng lamunin nalang ako ng lupa.
“Ate Sharlot model ka ba?” base kasi sa petite nyang pangangatawan and the way she walks parang rumarampa talaga sa catwalk.
“Oy bumabanat ka Melow? Pick-up line yon?” tinignan sya ni Sharlot kaya nanahimik nalang sya at dahan dahang umalis at pumunta sa triplets na nasa kabilang table. Independent na daw kasi sila.
“I was. Itinigil ko lang nung nagpakasal na kami ni Jalen. Ayaw nya kasi yung pagmo-model ko masyado daw nae-expose yung katawan ko sa publiko which is part naman talaga ng trabaho ko lalo na kapag swim wear or pang naughty yung theme ng mga imomodel naming damit. Ilang beses ko nga syang nakita na parang gusto nya na kong ibalot ng kumot at ikandado sa kwarto.”
Napatawa na rin ako kasabay si Sharlot. Men and Over-protectiveness. Kailangan bang laging intact yang dalawang words na yan?
“Pero Sharlot hindi kaba talaga galit sakin kasi tinutulungan ako ni Jalen?”
Ine-expect ko kasi na magwawala sya. Sisigawan ako. Sasabunutan. Sasabihan ng kung anu-anung masasakit na salita like a typical woman. Pero nginitian nya lang ako.
“Call me ate, I dont have a younger sister, if it’s ok wth you. And no I don’t hate you dahil lang don. Alam ko naman na ginagawa to ni Jalen dahil hindi nya ni minsan nagawa to sa kapatid nya. Si Michelle.”
Parang may bahid ng lungkot yung boses ni Shar-ate nung nabanggit nya yung kapatid ni Jalen.
“I don’t understand”
Saglit na nilingon ni ate sharlot si Jalen na nakatingin rin pala samin and base sa itsura nya mukhang alam nya din ang pinag-uusapan naming. Pain and sadness, yun yung nakikita ko sa mata nya kahit pa nakangiti sya at bahagyang tumango kay ate Sharlot.
“His sister died because of cancer.”
Napasinghap ako. Kaya pala ang bait nya sakin siguro tinuturing nya kong parang yung kapatid nya.
“Her last wish is to see her crush before she die. Gusto nya daw kasi na sabihin yung nararamdaman nya dun sa lalake kaso hindi na sya pinayagan ng pinayagan ng parents nila na lumabas pa dahil sobrang hina nya nan g mga panahong yon. Ramdam ko yung kagustuhan ni Jalen na yakapin yung kapatid nya pero dahil sobrang hina na ng kapatid nya natatakot syang hawakan kasi baka masaktan nya lang daw. Binigay nya yung diary nya kay Jalen and dun naming nalaman na matagal nya na palang nararamdaman yung ibat-ibang sintomas na nararamdaman ng isang taong may cancer.”
Ang lungkot pala ng pinagdaanan ni Jalen pero saludo ako kasi nakukuha nya parin maging masaya kahit na deep inside malungkot sya.
“Did she hide her illness?”
Malungkot na tumango si ate Sharlot. Kung sigurong sinabi nya agad baka nagawa pang malunasan yung sakit nya. Nowadays marami ng gumagaling sa sakit na cancer.
“Sinubukang hanapin ni Jalen yung lalakeng sinasabi ng kapatid nya pero namatay nalang yung kapatid nya pero hindi nya nagawang mahanap yung lalake.”
“Did she tell him the name of the guy?”
Para kasing nakaka-curious. O sadyang tsismosa lang talaga ako?
“Not totally. Just the initial and his surname.”
Unconsciously nakagat ko yung ibabang labi ko. Ang hirap nga namang maghanap ng lalakeng initial lang ang first name. Kung sa surname naman maraming magkakapareho ng surname. Anubayan? Pagsubok is this!
