Chapter 8

0 0 0
                                    

Gone

Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay ang paglabas ni Lu sa kwarto niya. Pinaikot-ikot ko ang susi ng aking sasakyan sa aking daliri. Agad akong tumayo ng lumabas siya.

" Tara na." asad ko at nag-umpisa ng maglakad. Napahinto si Lu at nagtatakang tumingin sa akin.

" Pupunta ka rin sa Super Nova?" tanong niya.

" Yup. Kaya isasabay na kita." sagot ko. Walang nagawa si Lu kundi ang sundan ako pababa.

I parked my car outside the bar. Just like the first time I've been here everyone is going wild. Nagpaalam sa akin si Lu at dumiretso sa bar counter kung saan ang puwesto niya.  I need to thank Nova for that. Hindi na kailangan ni Lu na lumapit sa mga costumer para maghatid ng order.

As far as I know iba ang patakaran dito sa Super nova, which caught my interest. Making out around is prohibited inside SN( Super Nova). Sometimes ang dance floor ay nagiging jamming hall tuwing friday. Lahat ng waitress dito ay mga lalake,  para iwas narin na mabastos ang mga empleyadong nagtatrabaho dito.

Umakyat ako sa second floor kung saan parating namamalagi ang mga unggoy. Hindi nga ako nagkamali at nakita sila doon na nag-iinuman. Napunta ang tingin ko sa aking pakay ngayong gabi... si Serge.

I need to know kung saan ang mommy niya. Alam naman niya siguro. Hindi ko lang sigurado kung matutulungan niya ako, there's no way I will beg for him para malaman kung asan ang mommy niya. I have my own ways. Kaya napagdesisyunan ko na manmanan siya at humanap ng tamang tyempo para maka-usap ang mommy niya.

Napansin nila ang presensiya ko. Lumapit ako sa mesa nila at umupo sa tabi ni Leaf. I didn't plan for being drunk tonight. Kumuha lang ako ng bote at pinaglaruan iyon ng aking kamay.

" First day mo sa CU bukas, diba? " tanong ni Leaf. Napatango ako bilang sagot. Unang araw ko patalaga bukas sa Central University pero nakatuon pa rin ang atensiyon ko kay Mrs. Escobal.

Nag-iinuman na sila kanina pa ng dumating ako kaya tinamaan na ang iba sa kanila. Hindi ko alam kung kailan sila matatapos. Maraming tao dito sa bar kaya punuan ang mesa at dance floor. Bumama sa first floor sina Saul kaya naiwan kaming dalawa ni Serge sa mesa. Napatikhim ako dahil sa awkwardness na nararamdaman.

Naalala ko bigla ang mommy niya. Maybe it is the right time to ask him. Ibinaba ko ang bote ko at humarap sakaniya. Nagulat ako ng konti dahil nakatingin na pala siya sa akin. Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko.

" A-no..., " napakamot ako sa kilay ko. Napaangat ang dalawang kilay niya at hinihintay ang sasabihin ko.

" Ano?" tanong niya, halatang curious narin sa sasabihin ko. Sa huling pagkakataon ay napabuntong hininga ako. I don't have enough courage to ask him. Mas mabuting hindi niya malaman, susundan ko nalang siya. Kinuha ko ang lalagyan ng cornik at iniabot sakaniya.

" C-cornik? Baka gusto mo lang." alok ko. Nagtataka naman niyang inabot iyon. Napakatahimik kaming dalawa, napatingin ako sa baba at nakitang nagsasayahan ang lahat dahil sa tugtog ng banda. Talon ng talon sila Leaf, kahit ang napadaan lang na si Nova sa dance floor ay hinatak  nina Styro, wala siyang nagawa, nag-aakbayan silang nagtatalunan sa dance floor. I didn't noticed that my lips stretched for a grin.

Bumaba ako sa hagdan at nakisabay sa kanila. Hinatak ako ni Leaf palapit sa kanila ng makita ako. Talon kami ng talon. Sumasabay kami sa kanta ng banda, sigawan kami hanggang sa mapaos. Lumapit sa amin si Lucinda at inabutan kami ng tig-iisang beer.

" Lu sama ka sa'min." yaya ni Saul.

" I'm still at work." malungkot na pahayag niya at napanguso.

 He Kissed the Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon