Chapter 3

1 1 0
                                    

" Maddie? Wake up sweetie,"

Nakadapa ako sa kama at antok na antok pa. Hinila ni mama ang kumot ko kaya mabilis na sinugod ng lamig ang katawan ko. Ayaw mag cooperate ng katawan ko, gusto ko pang matulog.

" Ma five more minutes." saad ko sabay hablot ulit ng kumot. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Masarap talagang matulog kapag marami kang ginagawa. Iminulat ko ang aking kaliwang mata para tignan kung ano ang ginagawa ni mama.

Napabangon ako agad dahil mukang galit na galit si mama, nakahalukipkip siyang pinapanood ang pag-ayos ko ng higaan. Kamuntik pa akong madulas sa kumot dahil sa pagmamadali.

" Do you have something to say, Maddie?" tanong ni mama saakin. Batay sa pananalita niya parang seryoso ang pag-uusapan namin. Napaisip ako kung may kailangan akong sabihin kay mama. Napailing ako dahil wala naman akong naisip.

" Really?" tanong ni mama na hindi makapaniwala sa sagot ko. Naisip ko bigla ng minsang malate ako at napagalitan ng prof, hindi ako pinayagang kumuha ng exam dahil  late na ako.

" Meron po pala ma. Na late po ako tsaka napagalitan ng prof tapos hindi ako pinayagan na kumuha ng test dahil twenty minutes late na po ako-" naalala ko iyon dahil nasiraan ang sasakyan ko at kailangan ko pang takbuhin papuntang school.

" Not that. May pulis na tumawag hinahanap ka. Akala ko kung anong kasalanan ang ginawa mo, Maddie. Pinapasabi na hindi na kinasuhan yung S-saraya. Inareglo nalang daw ng dalawang kampo, pinabayad nalang daw siya ng lahat na gastusin ng magtataho." Sabi ko na e. Ganun iyong mangyayari, napatingin ako kay mama na naghihintay pa rin sa sasabihin ko. Kweninto ko sakaniya ang nangyari, hindi siya makapaniwala na naipit ako sa ganong gulo. Kahit ako hindi rin naman makapaniwala.

Nagulat ako ng biglang niyakap ako ni mama ng mahigpit. She's trying herself not to cry in front of me. Niyakap ko siya para hindi na siya mag-alala.

" I'm fine, ma. Hindi naman po ako nasaktan." narinig kung napasinghot si mama.

" Please, ayaw ko na maipit ka sa ganong aksidente. Tawagan mo ako agad hindi iyong nalalaman ko nalang sa iba."

" Opo."

Kumalas si mama ng yakap. Naikwento ko rin sakaniya ang sitwasyon ng magtataho, naawa si mama kaya naisip niya na kapag gumaling yung magtataho bibigyan niya ng trabaho sa kompaniya namin.

" Ma matutulog na po ako ulit." bago ko pa mahawakan ang kumot ay nailayo na iyon ni mama sa akin kaya naman bugsak ako sa higaan ko. Akala ko tapos na kaming mag-usap.

" Engagement party ni Ruel Zalasar ngayon.  We need to pick our best outfits, let's go," kahit ano nalang ang isuot ko. Hindi naman importante saakin yun. Napilitan akong bumangon at sumunod sa mama ko. Kahit ngayon penipeste parin ako ni Ruel.

...

" Ma hindi naman agaw pansin ang suot ko, no." sarcastic kong saad kay mama.  Wala na akong nagawa dahil si mama mismo ang pumili ng susuotin ko. Baka akalain pa doon sa party na mas bonga pa ako sa bride.

" My God Maddie! You're just wearing a simple beige dress. Hindi mo masasapawan ang bride." napamasahe pa si mama sa sintido niya dahil sa stress.  My ma is confidently wearing a long-sleeved dress with the same color just like mine, I scanned her body. She didn't age at all, my ma looks younger than me. Hindi na ako umangal at nagsuot nalang ng brown kung sandal.

" Remember Maddie, it is not about coming over to that engagement party. We are going there to represent our company. So carry yourself with grace and confidence, don't let our company down." napabuntong hininga nalang ako at nag-approve sign kay mama.

 He Kissed the Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon