Chapter 9

4 0 0
                                    

Believe

" Magkasama ang papa mo at ang mommy ni Serge sa nangyaring aksidente noon."

Bumagal ang tibok ng puso dahil sa narinig mula kay Leaf,  ang mga katanungan ko ay mas lalong nadagdagan. Nakatulala lamang ako habang pino-proseso ang bawat salita na kaniyang sinabi.

" Maddie?" sandaling natahimik ang paligid ko at hindi marinig ang mga ingay.

" Maddie!?" napabalik ang atensiyon ko kay Leaf ng tinawag niya ang pangalan ko.

" I don't have any idea about my father's death. Mama never told me anything about it." pahayag ko. Hindi ako makapaniwala na  magkasama si papa at mommy ni Serge sa nangyaring aksidente.

" Naiintindihan ko naman kong bakit hindi sinabi sa'yo ni tita ang nangyari sa papa mo. Ayaw niya lang na... masaktan ka." naging mahina ang pagkabigkas ni Leaf sa huling katagang sinabi niya. Mas lalong nagtagpo ang noo ko, sa paraan ng pananalita ni Leaf mukhang may alam siya sa nangyari. May hindi pa siya sinasabi sa akin.

" Dahil sa ginagawa niya nasasaktan ako," napatulala si Leaf sa sinabi ko. Bakit kailangan niyang itago iyon saakin, sobrang sakit saakin na makita si mama na kinikimkim lahat ng nangyari sa pamilya namin. Gusto ko na magkasama naming  harapin iyon. Naikuyom ko ang aking palad dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.

" Sabihin mo lahat ng alam mo, Leaf." pakiusap ko sakaniya. Kailangan kung malaman. Natahimik si Leaf at batid ko na nagda-dalawang isip siya. Tumingin ako sakaniya, napapikit ako ng marriin. Please, ayaw kong magmukang tanga sa mga nangyayari.

" Siguro karapatan mo ding malaman ang mga nangyari," nanumbalik ang kaba ko. Hindi ako matitigil kapag hindi ko nalalaman ang mga nangyari noon.

" I want you to promise me Aldelfa na kahit anong sasabihin ko hindi lahat ng iyon ay sigurado. Maaaring tama o mali ang sasabihin ko kaya sana huwag kang pangunahan ng emosyon kapag sasabihin ko na sa iyo." marahan akong tumango. Napabuga si Leaf ng hangin, hindi siya sigurado sa kaniyang gagawin.

" Bago kasi ang aksidente, marami ng nakakakita sa papa mo at kay tita Larah na magkausap, minsan sa orphanage kung saan minamanage ni tita Larah, minsan naman daw ay nakita sila na magkasama sa  isang café, at ang huling nakita silang magkasama ay sakay sila pareho ng sasakyan ng papa mo," hindi ko mawari kong kaya pang ituloy ni Leaf ang sasabihin niya. Napatango ako ulit sakaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin.

" Nang araw na iyon ng naaksidente silang dalawa na magkasama. Paalis sila ng Old town noon, hindi nakabalik si tita Larah at ang papa mo, natagpuan ang sasakyan ng papa mo na nahulog sa bangin at sunog na ang sasakyan," biglang nanikip ang dibdib ko. His car fell off the cliff.

" Was there any body that was recovered in the car?" tanong ko. Napailing si Leaf.

" Mommy ni Serge ang nakita sa labas ng sasakyan,"

" What about my father?"

" Walang bangkay ni tito Adriane pero sabi ng mga pulis maaaring natupok na rin siya kasama sa loob ng kotse." napasinghap ako sa narinig. My papa, ni hindi ko manlang siya nakita. Labis akong nanlumo.

" Dahil sa nangyari maraming mga chismis ang kumalat sa buong Old Town, nakarating na sa Norte, Sur, Este, Oeste at maging sa Central-"

" Anong chismis?"

" Maraming haka-haka na kaya magkasama sina tito at mommy ni Serge ay dahil may... namamagitan sakanila," nagtagpo ang noo ko. My pa will never do that. " And that day when they got to an accident, they concluded that they are planning to ran away together." napailing ako. Hindi ako makapaniwala.

 He Kissed the Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon