The Rommate
Cold. My back felt so cold, slowly I opened my eyes, only to find myself sleeping on the floor.
Nahulog ata ako sa sofa, umupo ako at napahawak sa likod. Sobrang lamig ng likod ko. Napahawak ako bigla sa ulo ko dahil biglaang kumirot.
Hindi manlang ako binigyan ng kumot ni Leaf. Napahawak ako sa pisnge ko, tangina ang sakit. Ginalaw-galaw ko ang aking panga pero nagdala lang iyon ng kirot. Pinilit kung tumayo at hinanap ang kwarto ni Leaf. Ang baho ko na siguro, tapos ang gulo pa ng damit at ang lagkit ng katawan ko.
Nakita ko si Leaf sa higaan niya na nakadapa, naka bihis narin siya ng damit pambahay. My eyes are still half closed. Fresh na fresh ang kumag. Dinaganan ko si Leaf sa likod niya, wala akong pake kasi antok pa ko.
"Tangina! Adelfa naman ang bigat mo!" reklamo niya. Mas lalo kung idiniin ang bigat ng katawan ko sakaniya.
" Ang sakit ng ulo ko!" reklamo ko sakaniya.
" Inom pa."
" Ang lamig ng likod ko, hindi mo manlang ako hiniga sa kama!" reklamo ko sabay palo sa pwet niya, I heard him grunt.
" Maddie!." reklamo niya sa ginawa ko.
" Umuwi ka na." utos niya saakin. Wala pa akong balak na umuwi sa condo ko, maghahanap muna ako ng roommate.
" Ayoko ko." napabalikwas si Leaf kaya nahulog ako sa sahig. Napahawak ako sa pwet ko dahil una itong tumama sa sahig.
"Arrrggghhh!"
" Hala! Masakit!?" nag-aalalang tanong ng pinsan ko. Dali-dali niya akong tinanaw sa ibaba.
" Ihulog kaya kita para alam mo!" tinanong pa ako.
" Kaya mo?" hamon niya sa akin.
" Subukan kita!?" humalakhak lang si Leaf.
" Subukan mo lang papaalisin kita agad dito." confident niyang saad sa akin.
" Kaya mo!?" tanong ko. Galing ng pinsan ko pinagbantaan pa ako. Napabaling si Leaf sa kisame at bumulong-bulong.
" Syempre hindi, lagot ako kay tita Monica pag ginawa ko 'yon." rinig kung bulong niya. Umakyat ako sa kama at humiga sa tabi ni Leaf.
" Lumayo ka Adelfa, ang baho mo!" reklamo niya. Sinabi pa niya, alam ko naman.
" What happened last night? I don't remember anything." tanong ko. Sakit parin ng panga ko.
" Huwag mo nalang alamin. Nakakahiya ka talaga Adelfa."kapag ang tao sinabihan na huwag na niyang alamin, aalamin niya talaga. Pumikit ulit ako at natulog, mamaya ko na aalahanin ang nangyari kagabi.
" Initin mo nalang ang pinadala ni lolo, maliligo muna ako."
Minabuti namin ni Leaf na bumangon, mabuti nalang at may dala akong damit sa bag ko kaya nakapagbihis ako agad.
Water dripped all over my body, my jaw ache when I applied facial wash on my face.
Pilit kung inalala ang nangyari kagabi, parang sinasabi ng utak ko na napaka importante non at hindi ko dapat makalimutan. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ligo, agad akong tumakbo sa dining area ni Leaf, amoy na amoy sa hangin ang ulam na pinadala ni lolo.Naabutan ko Leaf na umiinit ng ulam. Naka suot siya ng apron na kulay green, nakangiti siya habang ginagawa iyon kaya labas na naman ang mga dimples niya. Even though I don't want to admit it, ang pogi talaga ng pinsan ko. Kapag seryoso para talagang kamukha niya si lolo ng kabataan pa niya. Pero lolo and Leaf have their own differences in terms of attitude, lolo is the grumpy type while Leaf is the smiley guy in town.
BINABASA MO ANG
He Kissed the Rain
RandomOld Town (Series 1) It was an exciting summer trip... but how I wished it did not happened. Missing kids, unsolved cases, unlawful affair and my father's death... I'm back to Old Town again for the truth that I want to know. This is an endless cha...