Chapter 18

1 1 0
                                    

Kidnapped?

We had our lunch at mang Pedro's carinderia. I still have the doubts of mang Pedro's dinuguan but it did not stop me from tasting it. Masarap siya. Hindi naman nila babalikan ang dinuguan rito kung hindi masarap. It's worth the try naman dahil kahit papaano bago ito sa panlasa ko.

" How about we grab some ice cream?" tanong ni Serge sa amin. Napagkasunduan naming bumili ng ice cream sa malapit na convenience store. Naglakad na kami dahil medyo malapit naman sabi nila kaya iniwan na namin ang mga sasakyan. Gusto kasi nilang matunaw agad ang kanilang kinain.

Wala silang itinirang dinuguan, ubos lahat ng in-order nila. Akala ko nga aayawan nila ang ice cream pero heto sila at nakikipag-unahan sa pagpasok sa loob. Baka masira pa ang pinto at kami pa ang magbayad. Mga unggoy talaga!

" Oh? Saint Myhro my boy!"

Napunta ang tingin namin sa lalaking nakatayo malapit sa cashier. Hindi siya nakasuot ng uniform kagaya ng mga employees dito. Mukang nandito siya para magbantay ng convenience store. Nakakagulat lang na nandito siya. Nakakunot pa rin ang noo ko dahil sa pagtataka.

" Asan si tita? ." tanong ni Serge sakaniya. Napunta ang tingin ko sa kamay ni Saint na nakasuot ng surgical gloves at may suot pang face mask. Ganito ba dapat ang requirements sa convenience store dito.

" Nasa church silang dalawa ni dad." maikling sagot ni Saint.

" Himala dahil ikaw ang nandito at wala ka ngayon sa simbahan!" sulpot ni Nova sa gilid at nag-abot ng bayad.

Naglibot na rin ako para pumili ng ice cream at iba pa na gusto kung bilhin. Mga chips at tomato juice nalang ang kinuha ko at nagtungo sa counter.

" That's 320 pesos." iniabot ko sakaniya ang limang daan. Matapos iabot sa akin ni Saint ang sukli, agad niyang kinuha ang alcohol at naglagay sa kamay niyang may gloves. Weird.

" Thank you." sabi ko ng makuha ang sukli.

Lumabas kami ng convenience store, ewan ko sa kanila dahil naisipan pa nilang kumain sa labas. Lahat sila ay umupo sa gutter at nag-umpisa ng kumain ng ice cream nila. Nakiupo nalang din ako at
kumain. Napaangat ang tingin ko kay Lu ng umupo ito sa tabi ko. It's weird to look at her sitting on a gutter. Nothing is wrong about it, pero nakakapanibago lang dahil before meeting Lucinda as my roommate, una ko siyang nakilala bilang anak- slash prinsesa ng mga Altamar. A powerful family sa alta sociodad.

" May dumi ba 'ko sa mukha, Madds?" napansin ni Lu na nakatingin ako sa kaniya.

" May ice cream ka sa pisnge. Para kang bata." sabi ko sakaniya niya at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream ko.

" Hala, wala naman ah!" napangisi nalang ako sa reaksiyon niya. Wala naman talagang  dumi sa mukha niya, palusot ko lang 'yon.

Kahit sino pa si Lu o kahit saang pamilya pa siya galing, it doesn't matter to me. She's my roommate. Well, a friend but to make it simple she's important to me.

" Madumi diyan," napaangat ang tingin namin kay Saint na nakatayo sa harap namin. Napunta ang paningin ko sa gutter na inuupuan, wala namang dumi.

" There are lots of bacterias that live in the gutter that you're sitting on. There's a chance that you can acquire diseases from there. People spit everywhere, even dogs pee and poop on that gutter. Baka nga nauupuan niyo na ngayon." Saint was so serious while explaining to us. Naantala ang pagdila namin sa hawak na ice cream dahil sa mga sinabi ni Saint. Mukha pa namang kapanipaniwala ang kaniyang mukha.

" Sarap na sana ng ice cream. Chocolate flavor pa naman." sabi ni Leaf na ngayo'y pinagmamasdan nalang ang ice cream na hawak.

" Chocolate flavor nga pero parang tae na ang nakikita ko." ani ni Saul at inilayo ang hawak niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 He Kissed the Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon