Chapter 16

0 2 0
                                    

Forget it

Sumunod ako sa paglalakad nilang dalawa, bawat hakbang ko ay naaagaw ang atensiyon ng aking mga nakikita dito. The place is beautiful. I know na sikat sa mga white sand beaches ang Sur pero hindi ko alam na sobrang  ganda pala talaga.

Ang Sur ay ang timog na bahagi ng Old Town, mas mayaman dito ang mga product na galing sa mga dagat. Hindi kagaya ng Norte kung saan ito ang hilagang bahagi ng Old Town, ang Norte naman ay mayaman sa mga bundok at mga kalupaan kumbaga maraming hacienderos ang naninirahan sa Norte, kabilang sa mga matatayog na pamilya ng Norte ay ang pamilya ng mga Ursomco which is ang lolo ko na si Don Maurecio Ursomco, isa din na alam ko ay ang pamilya ng mga Gustavo at Castillo mayaman din ang angkan nila at hindi rin basta-basta. Marami pang iba na hindi ko pa kilala.

Nahahati kasi sa limang parte ang Old Town, ang Norte, Sur, Este, Oeste at ang Central na nasa puso ng Old Town.

" Uy! Isara mo nga yang bibig mo baka biglang ma pollute pa ang lugar namin dito." agad ko namang isinara ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

" Sige, hahayaan muna kita ngayon Styro. Masyado akong masaya para pansinin ka." bulong ko nalang.

Pumasok kami sa bahay na maraming bamboo na tanim. Nang pumasok kami sa loob doon ko lang napansin na medyo modern pero may kaunting japanese style ang bahay.  Kahit sa loob maganda din ang interior design, marami ding mga bonsai na nakapatong sa mga lamesa.

" Nandiyan ba sina tita?"

" May pinuntahan. Kaming dalawa lang ni ni Nev ang nandito." sagot ni Styro.

Agad kaming nagtungo sa isang kwarto, sobrang lawak dito at maraming nakalinyang mga motor. May nakita pa akong mga vintage na mga motor at mayroon din na mga latest design. If you look at it you will think that the owner is a motorcycle's collector.

" Welcome to my carage, people." pagmamalaki ni Sty sa collection niya. Nakikita naman sa kaniyang mga mata ang pagningning habang tumitingin siya sa kaniyang mga motor. Sa tingin ko ay mayroong fifty na iba't-ibang klaseng motor ang nakaparada dito.

" Teka...teka ayusin mo, Serge." hinawakan ni Styro ang kamay ni Serge para pigilan ito.  Nag-agawan pa silang dalawa.

" Magpapahiram ka ba o ano?" agad namang tumalim ang titig sa akin ni Styro. Ibinigay niya rin kay Serge ang kaniyang motor. Agad na pumasan si Serge at sibukang paandarin 'yon.

" Angkas na."

Napalinga ako sa aking paligid kung sino ang kinakausap ni Serge. Si Styro ba o ako? They both look at my direction. Teka! I never agreed na sasakay ako sa motor.

" Hell no!" I turned my back at them and continue to walk away from them. Agad akong hinabol ni Styro at hinatak pabalik.

" Maddie masakit na yang palo mo. Natatamaan na ako sa ilong!"

" Ibigay niyo nalang ang susi ng sasakyan ni Serge susunod nalang ako!" I was pleading for my dear life. Agad na umiling silang dalawa.

" Dami mong arte. Todo effort pa naman 'tong si Serge." agad na nagbigayan ng tingin ang dalawa. Kasalan ko ba ko ba kung nag-effort pa siya!? Naging mahinahon muna ako. Sobrang taas talaga ng motor.

" Bakit ba tayo magmo-motor? Pwede naman tayong gumamit ng sasakyan." They both scoffed on my protest.

" Mabuhangin kasi ang mga daanan dito, Maddie. Baka bumaon pa ang gulong natin kung gagamit tayo ng sasakyan," ani ni Serge sa akin.

Gusto kung magmatigas pero nasasayangan din ako kung hindi ko malilibot ang lugar.

Kahit na kinakabahan ay umangkas nalang ako sa motor. Hindi ko abot yung lupa dahil sobrang taas nito. Serge started the engine that makes me surprised. I became stiff, I don't even know where to hold.

 He Kissed the Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon