The Culprit
" Hello? Nova?" hindi ako mapalagay ng tumawag si Nova. Anong nangyari kay Leaf? Naiinis na ako dahil hindi sumasagot ng maayos Nova. Kahit si Lu ay nag-aantay narin.
" A-ano kasi Maddie... "
" Letche ka naman Nova, e! Sabihin mo na. Anong nangyari kay Leaf." hindi ko napigilang pagtaasan ng boses si Nova. Narinig ko pang nagkagulo sa kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan.
" Pumunta kanalang dito sa bar ko..." saad niya at agad na pinatay ang tawag. Gusto kung ihagis ang cellphone ko sa mukha ni Nova dahil sa putol-putol niyang sinasabi.Tumakbo ako palabas ng kwarto ko. Nasa labas na si Lu at hawak ang susi ng aking sasakyan, sumunod sa akin si Lucinda. Hinayaan ko nalang siya na sumama sa akin kahit na day off niya ngayon. Hawak ang manibela ay nanlalamig ang aking mga daliri sa kamay. I stepped on the gas to add more speed. Agad akong nag-park sa labas ng super nova at tumakbo sa loob.
Sobra pa namang daming mga tao ngayon dito, puro mga nag-aaral sa CU may iba naman na hindi pamilyar sa akin. Agad akong tumakbo sa second floor kung saan ang parati nilang tinatambayan. Hindi ko namalayan na naiwan ko na si Lu dahil sa pagmamadali ko.
Agad akong lumapit sa mesa nila, bigla namang may humawak sa balikat ko at hinabol ang kaniyang paghinga.
" N-nasaan na daw s-si Leaf?" habol hiningang usal ni Lu habang nasa tabi ko. Napatingin ulit ako sa lamesa nila at agad na lumapit dahil nakita ko silang nagku-kumpulan. I moved closer to them. Agad kung nakita ang mahabang buhok ni Saul na sobra ng gulo.
" Asan si Leaf?" agad kung tanong. Sabay-sabay naman silang humarap sa akin at ngumisi, halatang may tama na sila dahil sa pag-inum.
" Ayaw namin. Di namim sasabihin!" sabay nilang saad. Napatagpo ang kilay ko dahil hindi ako nakikipagbiruan sa kanila.
" I am dead serious guys. Na'san si Leaf?" tanong ko ulit ng mahinahon.
" What is the password, muna!?" nakakalukong , saad ni Styro. Kulang nalang hablutin ko ang buhok niya na may ipit at saktan siya. Akmang lalapitan ko na siya ng may humawak sa braso ko. Agad na napakalma ako ng makita si Serge, mukang hindi pa naman siya natatamaan ng iniinom nila. Agad kong binawi ang aking braso.
" Alam mo kung asan si Leaf?" tanong ko kay Serge, siguro naman matino siyang kausap kesa sa mga pokemon dito. Napakunot ang noo ni Serge at nagtaka.
" Bakit mo naman hinahanap si Leaf?" takhang tanong niya pabalik. Tinuro ko si Nova kaya napunta ang kaniyang tingin doon.
" Tumawag sa'kin si Nova. Pinapapunta ako dito dahil kay Leaf." sagot ko. Hinigit ni Serge si Nova palapit. Napikit na ang mga mata niya ng makalapit sa akin. I asked him about Leaf. Kinuha ni Serge ang salamin ni Nova at sinuot ito sakaniya. Napakunot ang mga mata niya at nagsisimulang ibukas ang kaniyang mga mata dahil sa linaw na dala ng kaniyang salamin. Agad namang lumapit ang iba sa amin dahil naging seryoso na ang sitwasyon. Hindi maibuka ni Nova ang kaniyang bibig at tulala lang sa kawala.
Lumapit ako sakaniya at hinigit siya sa kaniyang polo.
" Nova, nasaan si Leaf!?" naging tahimik ang paligid namin sa gitna ng malakas na musika. Puro paghinga lamang namin ang naririg bawat isa ay naghihintay sa sagot ni Nova, pigil ang aming bawat paghinga.
Gusto kung sumabog dahil sa pag-aalala kung saan na ang pinsan ko.
" Bakit... nasaan ba si Leaf?" nagtataka ding tanong ni Nova. Napabitaw ako dahil hindi matino ang kaniyang sagot. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko ang mag-alala na na nawawala si Leaf o magalit kay Nova.
BINABASA MO ANG
He Kissed the Rain
RandomOld Town (Series 1) It was an exciting summer trip... but how I wished it did not happened. Missing kids, unsolved cases, unlawful affair and my father's death... I'm back to Old Town again for the truth that I want to know. This is an endless cha...