Chapter 10

3 0 0
                                    

Si Mang Pedro at Datu

Napapatingin ako sa isang establishment sa tapat ng kainan ni mang Pedro, kailangan mong tumawid sa highway para makapunta doon. Isa 'yong funeral homes... Sa harap ng kainan. Napakurap ang mata ko.

Napabalik ako ng binagsak ni mang Pedro ang isang baso ng tubig sa aking harapan. Parang mas kailangan pa niya 'yon ng dahil sa nangyari kanina. Siya 'yong tatang kanina na napagkamalan akong tatalon sa tulay. Matalim pa rin ang titig na pinupukol sa akin ni tatang dahil sa manok niyang puti na si Datu ang pangalan. Napatingin siya ng inilapit ko sakaniya ang tubig.

" Mas kayo ang kailangang uminom ng tubig-" napakislop ako ng marahas niyang kinuha ang baso at nilagok ng isahan ang laman non.

" Binibigyan kana ayaw mo pa! Bahala kang mauhaw diyan!" agap niya sa akin.

Napatampal ako sa aking noo dahil sa pakikitungo ni tatang sa akin. I just did want I think was best. Pero si tatang naiinis pa din sa akin.

" Hulihin mo."

" Huhulihin mo o dalawa kayo ng manok na mahuhulog."

Lumipad sa ere ang manok ni mang Pedro ng marinig ang busina ng truck. Kailangan kung piliin kung sino ang ililigtas ko. Ang manok o si mang Pedro na nakaharang sa unahang bahagi ng truck.

Bahala na!

Mabilis kung hinatak si tatang palayo sa truck. Nagpumiglas pa si tatang na kala mo'y ano mang oras ay aakyat siya sa truck at bibigwasan ang driver.

" Bata! Alisin mo yang lolo mo. Gusto atang masagasaan! " sigaw ng driver sa bintana.

" Bumaba ka diyan sa truck mo! Makakatikim ka sa akin!" sigaw niya din pabalik.

" Tang tama na ho-" winakli ni tatang ang hawak ko sakaniya at hinarap ako.

" Isa ka din! Asan si Datu!?" mabilis akong napalinga sa paligid. Nasan na 'yong puting manok na 'yon. Mabilis kami ni tatang na tumakbo sa tulay para hanapin ang manok niyang tandang. Namutla si tatang ng makitang nakapatong sa putol na kawayan si Datu at inaaanod sa agos ng tubig.

Kahit na medyo may katandaan si tatang mas nauna pa siyang tumakbo sa akin pababa ng tulay. Hinabol namin ng mabilis si Datu dahil nalayo na ito sa amin. Napadako ako sa paa ni tatang, nagulat ako ng makitang wala na siyang suot na sapin sa paa naka yapak nalamang siya. 'Di alintana ni tatang ang mga batong naaapakan niya.

Dahil 'don binilisan ko ang takbo para maabot si Datu. Kahit na naiwan ang isa kung sapatos ipinagpatuloy ko pa rin. Abala naman ang tandang sa pagtuka sa sarili nitong balahibo walang alam na pinahihirapan niya na kami.

" Bilisan mo!?" sigaw ni tatang sa akin. Hingal na hingal na rin siya pero patuloy pa rin sa pagtakbo. Nauna ako kay tatang sa pagtakbo, biglang umihip ng malakas kaya mas lalong bumilis ang takbo ng tubig.

Hindi ko naramdaman na marami na akong mga batong naaapakan ang nasa isip ko lang na maabutan ang puting manok na 'yon. Lumingon ako sa likod ko at nakitang hindi na nakasunod si tatang dahil napatigil na ito at hinahabol ang kaniyang hininga.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari namalayan ko nalang na hawak ko na si Datu at nasa ilog na rin ako. Nagulat nalang ako sa sarili ko dahil mabilisan akong tumalon sa ilog. Napatulala pa ako kasabay ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Sinubukang pumalag ni Datu pero mas hinigpitan ko ang pag hawak sakaniya. Kulang nalang hawakan ko siya sa leeg at sakalin hangang pumuti talaga ang manok na ito! Pinahirapan talaga ako ng manok na to'!
Naabutan kami ni tatang na nasa ilog parin.
Parang nabunutan siya ng malaking tinik sa lalamunan.

 He Kissed the Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon