Sur
Sobrang aga ng mabulabog ang buong private room ni lolo. Hindi kami handa ni Leaf na tumanggap ng bisita.
" Good morning po!" pinagsisihan ko na binuksan ko ang pinto at sumungaw ang ulo ni Saul at nagsisigaw. Ang aga tapos siya agad ang susulpot ang sarap isara ng pinto at ipitin narin pati leeg ni Saul.
Isasara ko na sana ang pinto pero mabilis siyang pumasok at nilampasan ako, dumiretso siya agad sa tabi ni lolo habang dala-dala ang basket ng saging.
Agad na dumako ang tingin ni lolo sa amin na may katanungan sa mukha niya.
" Kilala ba kita, hijo. O baka naman may kakilala ka sa mga apo ko?" nagtatakang tanong ni lolo.
" Hindi ko siya kilala baka nagkamali lang siya sa pinasukang room." sagot ko kay lolo. Agad akong sinamaan ng tingin ni Saul dahil sa sinabi ko. I scoffed into Saul's direction which made him irritated even more.
" Tama pong room ang pinasukan ko. Leaf tulungan mo naman ako-" agad siyang humingi ng tulong sa pinsan ko. Hindi naman siya pinansin ni Leaf kaya kulang nalang maglupasay siya dahil pinagtutulungan namin siya ni Leaf.
Agad namang may kumatok sa pinto kaya si Leaf na ang bumukas. Patuloy parin ang pang-iinis ko kay Saul.
Lumapit ako kay Saul sa gilid. Walang hiya pati ang dala niyang saging siya pa ang naunang kumain. Bawat kagat niya ay ganun din ang masamang tingin niyang ipinupukol niya sa akin.
" Unggoy." bulong ko sapat na para marinig niya.
" Tanga." sabat niya rin. Napaturo ako sa sarili ko dahil sinabihan niya akong tanga, dahil sa inis pinalo ko ng malakas si Saul. Todo iwas naman siya para hindi mapalo. Natigil lang kami ng tumikhim si lolo para bigyan ng atensiyon ang kaniyang bisita.
" Good morning Don Maurecio. Kumusta po kayo?"
Pagkarinig ko palang ng boses parang gusto ko ng magtago o di kaya ay 'wag ng lingunin ko sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
" Serge, hijo," rinig kung tawag ni lolo sakaniya. Naramdaman kung lumapit siya malapit sa kama ni lolo kaya naman ay umusog ako palayo at tumahimik.
" Serge!" nagulat ako sa sigaw ni Saul. Ngayon nararamdaman ko na nakatingin si Serge sa direksyon namin.
" Gusto mo?" tanong ni Saul at itinaas ang hawak na saging. Hindi ko nalang sila pinansin at pinagtuunan ng pansin ang heater sa tabi ng table ni lolo. Hindi ko alam na pupunta si Serge dito para bumisita. Napatingin ako sa kamay ni Saul ng humatak sa braso ko.
" What the- Tumigil ka!" sita ko sa ginagawa niya. Muntik pa akong mapaso ng laman na tubig ng heater na hawak ko. Siniko ba naman ako!
" Good morning daw." saad niya at nakatingin kay Serge. Dahil sa sinabi ni Saul ay napatingin ako sa kanila na ngayon ay nakatingin sa akin.
I gulped and looked at them nervously. I was not aware kung ano ang pinag-uusaapn nila basta sumunod nalang ako sa sinabi ni Saul.
" G-good morning." saad ko. Nagtataka naman silang tumingin sa akin. Napaangat ang tingin ko kay Serge na may sinusupil na ngiti sa kaniyang labi at nagtatakang tumingin sa akin.
" Good morning." bati rin ni Serge na nakatingin sa akin. Doon ko napagtanto kung ano ang ginawa ng walangyang si Saul.
" Hahahaha. Uto-uto hhaha." natatawang saad ni Saul habang nakatingin sa aking mukha. Kulang nalang itapon ko sakaniya ang kumukulong tubig na lulan ng heater. Ramdam ko sa aking mukha na namumula ito dahil sa init na nararamdaman ko sa aking pisnge. Tumaliwas ako ng tingin para hindi nila makita.
BINABASA MO ANG
He Kissed the Rain
RandomOld Town (Series 1) It was an exciting summer trip... but how I wished it did not happened. Missing kids, unsolved cases, unlawful affair and my father's death... I'm back to Old Town again for the truth that I want to know. This is an endless cha...