Chapter 2

2 0 0
                                    

" How's your sleep, Maddie?"

Bumaba ako ng hagdanan para mag-almusal. Nakita ko si mama na nagkakape, well she always start her day with a cup of coffee. Me? I don't drink coffee nasususka ako at hindi nakakatulog pag gabi kapag umiinom ako.

" Fine." sagot ko sa tanong ni mama. Maganda ang tulog ko dahil hindi umulan kagabi. Napakamot ako sa mata ko para makakita ng maayos, pumunta ako sa lababo at binuksan ang gripo para makag hilamos. Umupo ako sa tapat ni mama at kumuha ng gatas.

" Work?"

" Yes Maddie." It is tough for us when my papa died. My ma is working really hard for our living, to provide for our needs and also to support me for school.

Hindi si mama humingi ng tulong kina lolo, kahit nahihirapan na siya. Mag-isang itinayo ni mama ang kompaniya niya, sabi niya saakin pangarap nila ito ni papa at tinupad niya na mangyari yun kahit wala na si pa.

" Ang aga pa, ikaw ang boss hawak mo ang oras mo. Huwag mo masyadong pagodin ang sarili mo, ma." sabi ko sakaniya habang umiinom ng gatas. May mga tao naman doon kaya bakit pa siya palaging nagmamadali.

" Hindi ko sila pwedeng pabayaan, Maddie." I sighed. Alam ko naman kung bakit siya subsub sa trabaho, palagi niyang naaalala si papa and she needs to divert her attention.

" We are invited in the engagement party of Ruel Zalasar. Remember him? You were classmates when you were in kindergarten." How am I supposed to forget about him. Ruel the bully that I bit.

" Really! How unfortunate of the girl. Anong  nakita niya kay Ruel." sinaway ako ni mama sa sinabi ko. Sa ganitong set up ng engangment siguradong para sa business lang ito. Kahit sabihin na hindi na uso ang mga fixed marriage ngayon, sa mundo ng negosyo nangyayari parin.

" Don't forget, it's on Saturday so better clear your schedule." Nagpaalam na si mama saakin at umalis na, wala akong balak na pumunta pero dahil wala naman akong gagawin, sasamahan ko nalang ang mama ko. Napatingin ako sa loob ng bahay namin. Nakikita ko na naman ang mga pigura nina mama at papa na sumasayaw. Napapikit ako ng mariin at sa pagmulat ko naglaho na ang kanilang mga imahe. Ako nalang palagi ang naiiwang mag-isa sa bahay namin.

Wala akong pasok ngayon kaya matutulog nalang ako. Pumunta ako sa cassette player namin at pinatugtog ang paboritong kanta nina mama at papa. Kapag pinapatugtog ko ang kantang iyon pakiramdam ko nasa tabi ko lang sila. Tinapos ko ang iniinom kung gatas at humiga sa couch namin at natulog.

Bumukas ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko! Napamasahe ako sa ilong ko dahil sa sakit. Nasa sahig na pala ako nakatulog kaya pala malamig ang likod ko at sobrang sakit. Mabuti nalang hindi ako nagkaroon ng stiff neck. Bumangon ako, tinanaw ko ang bintana kung ano na ang nangyayari sa labas, wala ng araw at dilim na ang paligid.

Dumako ang mata ko sa malaking orasan namin. Alas siete na ng gabi. Sa mga oras na ito bukas na sila. Pumunta ako sa taas at naligo, nagsuot ako ng puting v neck shirt at skinny jeans.

Nag text na ako kay mama na aalis ako ng bahay at gagabihin ako sa pag-uwi. Sanay naman siya at alam niya na man ang pinanggagagawa ko. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at sinuot na rin ang puti kong sapatos at umalis na ng bahay.

Malakas na musika ang sumalubong sa pagpasok ko, nagsisimula ng tumugtog ang banda sa stage. Maraming tao ang paligid at  pinalilibutan ng tugtog kaya sobrang ingay. Lahat ay may hawak na alak at sumasayaw kasabay ng tugtog ng banda. Wala ng pakialam kung ano man ang kanilang ginagawa ang importante masaya sila. The crowd is so wild.

We're like different kinds of fishes in this wave of people. We seem to be like best friends for a long time even though we really are strangers from each other. Wala akong balak na maglasing ngayon dahil magmamaneho pa ako pauwi, I don't do drink and drive. Baka manghiram pa ako ng mukha sa aso kapag naaksidente dahil sa kalasingan. Kaya makikipag-jamming nalang ako sa tugtog ng banda.

 He Kissed the Rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon