Chapter 2- Bullies

22 1 0
                                    

"Fitch University." mahinang bulong ko sa sarili habang pinagmamasadan ang labas ng campus.

'Ang University kung saan naninirahan ang mga demonyo'

Bumilis ang pintig ng puso ko at tila'y wala nang ibang naririnig kundi ang tibok nito.

' Kaba, iyan ang nararamdam ko ngayon, dahil hindi ako makapaniwala na kahit sa ganitong pangyayari ay tatayo ako sa harapan ng university nato'

Ang University na pinag mulan lahat ng paghihirap ko at ang university na kung saan nag aaral ang mga demonyong estudyante na walang ibang iniintindi kundi ang mangialam ng buhay na may buhay.

'Natatakot ako, nabaka maranasan ko ulit ang mga naranasan ko noon.'

Pinakatiitigan ko ang kabuoan ko.

'Hindi na ako katulad ng dati na... marumi, pangit, mahirap at walang kwenta. Ibang iba na ako ngayon, kaya.... sana naman iba narin ang trato nila sakin ngayon.'

Huminga ako ng malalim at nag simulang lakarin ang papasok ng paaralan na ito.

Wala paring pinagbago ang campus,ang mga kulay ay ganun parin, ang mga pader ay kasing tatag at tibay parin ng dati, ang mga classroom na magulo na hindi kayang patahimikin ng normal na guro at lalo na ang mga bully na hindi na nagbago kahit saan ay makikita mo sila sa canteen, classroom, library, gym at kahit sa labas ng campus ay aabangan kanila.

Ang Fitch University ang pinaka malaki, sikat at mamahaling eskuwelahan sa buong batangas. Bibihira lang ang mga taong mahihirap ang nakakapasok dito, kaylangan pag mahirap ka dapat matalino ka para makakuha ng scholarship, Pero pag mayaman ka kahit wala kang alam o kahit hindi mo mapasa ang entrance exam ay makakapag aral ka.

Masakit ngalang dahil kung sino pa ang mga angat sa buhay at may kayang makapag aral ay sila pa ang makikitid ang utak at gumagawa ng hindi maganda. At kaming mahihirap na nasa tahimik na nag aaral ng mabuti para magkaroon ng magandang buhay ay kami pa ang ginugulo nila at pinapahirapan.

Nang nakapasok ako sa gitna ng campus ay marami nang estudyante, maraming pagala gala, kumakain sa tabi, nakatambay, natutulog at ang iba naman ay rumarampa.

Pero sa kabilang banda malapit sa gym, nahagip ng mata ko ang mga nagkukumpulang lalaki at kung hindi ako nag kakamali mga nasa lima o anim ang mga lalaking naroon, matatangkad at mukhang mayaman dahil sa kinis ng balat nila. Hindi sila pamilyar saakin pero may napansin rin ako sa baba nila, isang lalaking nakaupo sa sahig, habang umaangal sa ginagawa sakanya.

'Akala ko panaman ay nag bago na ang estudyante dito mula nang mawala ako, pero hanggang ngayon pala ay nang bubully parin sila nang mga kagaya kong mahihina'

Lumapit ako sa kanila ng walang pag aalinlangan at nang makalapit ako sa kanina ay saka ko napansin ang walang awang ginagawa nila sa lalaking bunubully nila.

Pasa at maraming sugat ang tinamo niya, may salamin rin akong nakita sa sahig at basag na, siguradong sakanya iyon, ang mga gamit niya rin ay nagkalat sa sahig habang yakap yakap ang walang malaman niyang bag bilang panangga.

Huminga ako nang malamit at saka sumingin sakanila, dahil alam ko kung anong pakiramdam ng walang laban at napagkakaisahan.

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now