Chapter 12- Issue

14 2 2
                                    

Bigla akong nagising nang may narinig na nakatok galing sa labas ng pinto ko. Pero hindi pa ako nakakabangon ay nag bukas na ito. At lumapit sakin si Mama.

"Anak! Bumangon kana jan. May pasok ka pa." sigaw ni mama nang gagaling sa labas habang kinakalmag parin ang pinto.

'Si mama yun ah..'

"Opo susunod na po ako" sigaw na balik ko rin sakanya. Napahawak ako sa pisngi ko kung ano bang nangyari kahapon .

Nananaginip nanaman ba ako?

Pagtapos ng mga dapat kong gawin pagkagising ay bumababa narin ako para makisabay sa agahan. Tulad parin ng dati ay si Papa at si Mama ang naabutan ko dito sa dinning room.

"Who's your feeling, Saly?" biglang tanong ni Papa sakin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Opo, bakit?" kunot noong tanong ko. Ngayon lang ako tinanong ni Papa ng ganito kaya curious ako kung bakit niya natanong.

"Naabutan ka kasi namin na nakahiga sa sahig. Ginigising ka namin pero tulog na tulog ka. Balak ka na nga sana namin dalhin sa ospital. Kaso naisip rin namin na baka napagod ka lang talaga sa school... Kaya tinawagan ko nalang ang Private Doctor natin at sabi niya okay lang naman dau." paliwanag ni Mama. Hindi ko alam na nakatulog pala ako, ang naaalala ko lang kasi na nagulat ako at pag katapos nun ay hindi ko na alam ang nangyari.

"Ah, siguro napagod lang po talaga ako. Ang dami po kasing nangyari sa school eh." biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa school. Na hanggang ngayon tuwing naaalala ko ang sinabi Ni Joaquin ay nasasaktan nanaman ako.

"Ah oo nga pala. Anong nangyari sa postermaking contest na sasalihan mo. Diba kahapon yun?" tanong ni Papa habang umiinom ng kape at nag babasa ng diaryo.

"Hmm, hindi na po natuloy yun. May nakuha na dau po kasi silang mag rerepresent ng school." pagsisinungaling ko. Ayokong malaman nila na hindi ko itinuloy yun. Dahil sigurado ako na magtatanong at mag tatanong sila kung bakit, dahil tingin ko ay alam nila na yun talaga ang gusto ko.

Hindi na ako nahatid ni Papa dito sa school dahil nag mamadali dau siya at may kaylangan siya asikasuhin at ngayon na ang deadline. Hindi naman siya sinabi kung ano.

"Saly!" napalingon ako sa likod nang biglang may tumawag sakin,kaya nilingon ko ito.

"Lui?" takang sabi ko nang makita siyang hinihingal na sumunod sakn.

Naalala ko hindi nga pala kami nakapag usap kahapon hanggang matapos ang klase. Ang totoo niyan wala lang talaga ako sa mood matapos ako bastedin ulit ni Joaquin.

"Oh bakit?." tanong.

"Narini— Nakita mo na ba yung balita?" balik na tanong niya sakin.

' Hindi. hindi naman ako chismosa eh'

"Hindi. Bakit ba parang nagmamadali ka? Importante bayang ibabalita mo na kaylangan talagang malaman ko?" sunodsunod na tanong ko sakanya.

Ang totoo niyan ayaw ko talagang makinig sa mga chismis lalo na kung wala namang kinalaman sakin dagdag sakit lang ng ulo ang iyon.

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now