Chapter 7- Finding Job

11 2 0
                                    

Lumapit ako sa lampara at hinipan ang apoy na nag sisilbing liwanag ko sa gabi. Binuksan ko ang bintana na agad nang tumama sakin ang masustansiyang liwanag na nanggagaling kay haring araw at lumanghap ng sariwang hangin.

Niligpit ko naman ang higaan ko at pumunta sa hapag kainan .

"Pandesal! Pandesal kayo jan!" sigaw ng pandesal vendor sa labas.

Hindi pa ako nag aagahan kaya kumuha ako ng sampung piso para bumili ng pandesal, dahil dalawang piso lang naman ang isa.

"Mang kanor! Pabili ng pandesal!"
balik na sigaw ko. Paglabas ko ng bahay ay naabutan ko siyang nakatayo sa tapat ng bahay namin. "Sampung piso lang po"

"Good morning Saly, Eto oh" inabot niya sakin ang tinapay at paalis na sana siya nang pigilan ko siya.

"Mang Kanoranor, diba lagi ka namang dumadaan dito sa bahay?" tanong ko na agad namang ikinunot ng noo niya.

Si mang Kanoranor lang ang nakakausap ko rito, matanda siya sakin at parang itinuturing ko na siyang tatay. Tuwing nag kikita kami ay lagi niya akong kinakamusta, magaan ang pakiramdam ko kay mang kanor, dahil hindi na siya iba sa'akin.

"Oo bakit mo natanong?"

"May napansin po ba kayong nag iiwan ng mga pagkain dito sa tapat ng bahay namin?" tanong ko sakanya habang kumakain ng pandesal na binili ko.

"Wala naman, hija."

"Ganun po ba?" Kung walang nakita si mang Kanor sino naman kaya ang may malabot na puso na tumulong sakin?

"Baka, ang papa mo ang nag papadala sayo. Hindi lang niya sinasabi dahil nahihiya sayo"

"Imposible po eh. Nung una inisip ko na baka nga si papa pero hindi. Nag kita po kasi kami kahapon at ang sabi niya imposibleng magpadala siya ng pag kain, dahil wala naman siyang pakialam sakin." paliwanag ko.

Dahil totoo naman na walang pakialam sakin si papa at kahit alam ko na, hindi ko parin ako makapaniwala at nasasaktan parin ako tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya sakin kahapon.

"Ah.. Mang kanor... May alam po ba kayong nag hahanap ng mga trabahador?" tanong ko dahil nag babakasakali parin ako na makahanap ng trabaho lalo na ngayon na wala na akong scholarship at siguradong hindi na makakapag aral.
Gusto ko muna sanang mag trabaho para makapag ipon na rin.

'Hindi naman kasi pwedeng umasa nalang ako sa nag papadala sakin. Eh hindi ko nga manlang kilala kung sino siya.'

"Ha? Bakit gusto mong mag trabaho? Eh diba nag aaral ka pa?"

"Ehh. Yun na nga ho, mang Kanor eh. Na expelled po ako dahil sa mga sinungaling kong mga kaklase tapos tinanggalan pa po ako ng Dean ng scholarship, kaya habang hindi muna ako makakapag aral gusto ko munang mag ipon ng pera para sa pag aaral ko next year at para may pag kakaabalahan na rin"
Nakita ko ang pag kunot ng noo ni mang Kanor matapos kong sabihin iyon, dahil kahit sino naman ay hindi magugustohan ang ganung balita.

'Nabikitima lang ho ako, hindi ko naman ho ginusto yun'

"Ahh, kung gusto mo na talagang maghanap buhay.... Eh may nakita ako dito lang malapit sa'inyo unang kanto yung pinakamalaking bahay doon na kulay creama, pero ang tanong eh... Kaya mo bang maging katulong?" tanong niya na agad namang nagliwanag ang mukha ko.

"Opo, kahit ano po." Agad akong sumang ayon dahil gusto ko ring mag bakasakali, marami na akong naapplayan pero walang tumatanggap sakin. Pero kahit ganun ay hindi naman masamang mag bakasakali.

"O sige, gusto mo ba eh samahan nakita papunta roon-

"Ay hindi na ho mang Kanor, masyado na po akong nakakaabala sainyo. Maliligo pa po kasi ako, at kayo po maglalako pa po kayo ng pandesal sobrang nakakaabala na po ako."

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now