Chapter 21- Back for the Vengeance

11 1 0
                                    

Third person's pOv

"Saly anak...."

Dahandahang nag mulat si Saly at bumungad naman ang maamong mukha ng kanyang ina.

"Mama?" kunot noong ani nito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong nito.

Napahinto sa pag bangon si Saly nang makaramdam ng pananakit ng katawan.

"Huwag ka munang bumangon. Susubuan nalang kita para makakain kana, wala pang laman ang tiyan mo mula nang dalhin ka dito sa ospital."

"B-bakit nga pala ako nandito" nagtatakang tanong nito.

Pilit inalala ni Saly kung pano siya napunta sa ospital at kung saan niya nakuha ang mga sugat na natamo niya, ngunit nabigo ito bagkus ay mas sumasakit lang ang ulo nito tuwing pinipilit niyang alalahanin.

"Huwag mo munang pilit kung hindi mo talaga maalala. Siguro ay epekto yan ng anesthesia na binigay sayo ng Doctor." lumapit ulit ang kanyang ina habang daladala ang mainit na sopas.

"Hindi po ako gutom." sabi nito at iniiwas ang mukha nang susubuan na sana siya.

"Galit ka pa rin ba?" bugtong hiningang tanong niya.

"Hindi po." sagot ni Saly habang hindi makatingin ng Deretso sa kanyang ina. "Hindi lang po talaga ako nagugutom."

"Wag mong sabihing hindi ka nagugutom. Dalawang araw kang hindi gumising. Kaya wag mo saking idadahilan na hindi ka gutom dahil lang sa umiiwas ka sakin." seryosong sabi niya. "Pero sige. Lalabas na muna ako, tawagin mo lang ako pag maykailangan ka."

Nag baba ng tingin si Saly ng makaramdam ng konsensya. Papalabas na sana ang ina nito nang maalala sasabihin. "Nasa prisinto ang Papa mo, Hanggang ngayon hindi parin nila nalalaman kung sino ang may katagawan niyan sayo." at tuluyang lumabas.

Naiwang ang paningin niya sa pintuang pinag labasan ng kanyang ina, at doon pumasok ang mga alaala nito kung paano siya napunta sa ganoong situwasyon.

(Flashback)

Isang madilim na paligid ang sumalubong kay Saly nang bumalik ang malay nito dahil sa sakit ng katawan.

"S-sino yan?" kabadong tanong nito nang makarinig ng mga yabag.

Pilit siyang nag pupumiglas nang mapagtanto niya na nakagapos ang mga kamay nito at paa.

"How are you my dear bestfriend?" sarkastikong tanong ni Katelyn habang papalapit sakanya.

"Katelyn?! Katelyn tulunga--" napahito si Saly nang maalala ang kataksilang ginawa ng kaibigan.

Ang pag asang naramdaman niya kanina ay agad nawala at napalitan ng galit. Dahil sa mga oras na yun ay wala siyang ibang sinisisi kundi si Katelyn na pasimuno kaya siya napunta sa mala impyernong bar na iyon.

"Anong gingawa mo dito, hayup ka!!?" nanggagalaiting tanong nito. Ngunit tumawa lang tumawa ang si Katelyn kaya't mas lalong nadagdagan ang galit niya.

"Akala ko pa naman matalino ka..tsk tsk." iiling iling na ani nito habang iniikutan si Saly. "You know what, Saly?... Buong akala ko, binalaan kana ni Lui. Kaya nga namin siya Pinatay eh....."

That Dream Turned Into Nightmare [COMPLETED]Where stories live. Discover now